XV

1.2K 58 4
                                    

KABANATA IX

I

I'TS like the world is filled by the colors of sadness. And the real nightmare is about to begin. Everything is bright but at the same time, it's scary. Napakaraming dugo sa paligid, napakaraming walang buhay na estudyante. Ang kalahati sa mga ito'y tinamaan ng mapaminsalang kidlat na nagmula sa gitong portal.

Mahigpit ang pagkakakapit ko kay Mark habang buhat-buhat ako nito patungo sa ibang direksyon. Hila-hila naman ni Yufi ang natatarantang si Jane kasabay namin. Lumapag kami sa ilang establishment malayo sa eskwelahan. pare-parehong may tanong sa mga mukha, pare-parehong gulat sa nakita.

"Anong nangyayari? Bakit sa school pa sila nagpakita?" gulantang na tanong ni Jane. "Bakit biglang nagpakita ang four walls ng gano'n-gano'n na lang?"

"Ano ba dapat? Dapat pa ba silang magpaalam sa 'yo kung magpapakita sila sa atin o hindi?" asik ni Yufi na halatang kanina pa frustrated. "Damn, hindi tayo makakalaban sa kanila ng ganito. Hindi tayo handa sa panibagong laban!" bulalas nito.

"Kung hindi tayo lalaban para na rin tayong nagpakamatay." Ani Mark kasabay ng pagbitaw sa akin. "It's better to die while doing something than to die without doing anything."

Sumilip kami sa pinagtataguan namin, halos hindi na mapakali ang ilang estudyante sa pakikipagtunggali isama na rin ang ilang matataas na opisyal ng eskwelahan. napakabilis ng pangyayari, sa isang sandali'y parang napunta sa isang gera ang lahat. Napakaming pagsabog, malalakas ang nakakatakot na ingay, halos lamunin na ng nagbabagang apoy ang kalangitan.

"N-nakakatakot." Mahinang bulong ni Jane. "Para itong panaginip na sumasanib sa totoong buhay."

Gumuho ang ilang bato sa ibabaw namin nang tamaan ito ng kung ano. Pare-pareho naming tinakpan ang sari-sariling ulo habang iniiwasan ang pagbagsak ng mga bato. Nakarinig kami ng pag-inda ng sakit 'di kalayuan sa aming pinagtataguan. Winasiwas ni Mark ang sandata nito kung saan hinawi ng hangin ang makapal na alikabok sa aming harapan.

"D-daniel?" gulantang sambit ni Yufi.

Puno ng galos ang katawan nito, ang ilang parte ng uniporme'y nagkapunit-punit. Inalalayan nito ang sariling ulo habang umuupo sa pinagbagsakan.

"This may be the end of us." Tumakas ang kaba sa aking sistema. Napakaseryoso ng tinig nito, napakalamig kumpara sa pagkikipagsagutan nito sa akin kanina.

Mabilis itong tinungo ni Jane at inalalayan sa pagtayo. Napatigil siya sa paggalaw nang lingunin nito ang kabilang parte kung saan nanggaling si Daniel. Bahagya itong namutla't nanlaki ang mga mata sa nakita.

"Death is inescapable. Kahit tumakbo kayo papalayo, susundan at susundan kayo ng kamatayan." Banta sa amin ng isang dalagang mayroong pakpak ng demonyo.

Kung titingnan nakapa-inosente ng mukha nito para sa gano'ng katangian, malulumanay ang mga mata na tila ba may nais itong sambihin. Katumbas ng mahabang itim na buhok nito ang itim ng aura na nanalaytay sa katawan nito. Aura na nagpapahiwatig kung gaano ito kalakas. Mayroong kakaibang marka ang namumuo sa gilid ng pingi nito, gumagapang sa kaliwang bahagi ng katawan at bahagyang namula ang mga mata nito.

"Ihahatid ko na kayo kung saan kayo nababagay." Naglaho ito sa harapan namin na ikinagulat namin. "Sa impyerno." Mabilis kaming pumihit ng tingin sa aming likuran, pare-parehong gulat at natataranta sa pag-iwas.

Malakas ang pagsabog na pinakawalan nito at tumilapon kami sa kung saan. Naramdaman ko ang paggasgas ng braso ko sa ilang mga bato. Napadaing na lang ako ng sakit dala ng hapdi. Una kong hinanap si Jane nang makatayo ako sa kinasasalampakan ko. Mabilis ko siyang tinungo, inalalayan at tiningnan kung nasa maayos pa itong kalagayan.

Into your world ✅Where stories live. Discover now