...

931 20 6
                                    

Nakatago ngayon sa isang malaking puno na nasa tapat ng isang malaking bahay si Karylle. Inilabas nya ng kaunti ang kanyang ulo para sumilip and in 3, 2, 1... agad agad ay tumulo ang luha nya. Araw-araw ganoon na ang eksena. Magtatago sya sa may puno kada umaga, aalis, tapos babalik sa gabi saka aalis ulit para umuwi. Kumbaga, kasama na to sa daily routine nya. Ngayon, wala syang ibang ginagawa kundi ang tumulala sa katapat na malaking bahay habang umiiyak. Naaalala na naman nya ang lahat lahat.

//

"Isang lalaking matipuno, mayaman at gwapo ngunit suplado, barumbado at walang pake sa mga taong nakapaligid sa kanya ang naglalakad ngayon sa corridor ng Campus nila. Si "Vice". 

"Araaay" isang impit na sigaw ang narinig nya mula sa isang babae. Isang babaeng nakaupo ngayon sa sahig dahil sa pagkakatumba at ang mga nagkalat na libro nya ang nakita nito. 

"Psh" sabi lang ni Vice at dumiretso ng lakad. 

"Hindi mo man lang ba ko tutulungan?" tanong ng babae na nakapagpatigil at nakapagpalingon sa naglalakad na si Vice. 

"Sa susunod, wag kang pahara-harang sa daan. Panget ka na nga, lampa ka pa. Bwiset!" inis na sabi ni Vice at naglakad na ulit palayo sa babaeng kanyang nabunggo. Si "Karylle". 

"Gwapo sana eh, masama lang talaga ugali."

//

Naglalakad na pauwi si Karylle ng may narinig syang sumisigaw. Hindi naman sya talagang tsismosa pero tila dinala talaga sya ng kanyang  mga paa para pakinggan ang sumisigaw. 

"You bastard! Ano na naman tong kagaguhang ginawa mo?!"  sigaw ng isang lalaking nasa mid 30's ang edad. 

"Bakit ba palagi mo na lang akong sinusuway!"  pagpapatuloy pa ng lalaki at dinuro duro sa ulo ang lalaking dahilan ng kanyang galit ngayon. 

Wala namang ginagawa ang batang lalaki, nakayuko lamang at hinahayaan ang matandang lalaki na kung kikilalanin ay kanyang ama. 

"Hindi ka ba marunong umintindi? Ano pa't pinagaaral kita dito eh wala ka pa lang kwenta!" 

"Vice..." mahinang usal ni K sa sarili ng mapagtanto nyang si Vice ang pinagagalitan ng matandang lalaki. 

"You're grounded! Pagkatapos mo sa school, derecho bahay ka lang. Do you understand!?" 

"Yes, Pa."  nauutal na sagot nito. Tanging yun lang ang narinig kay Vice sa paguusap o pagaaway na yun. 

Naiwan si Vice sa kanyang kinatatayuan at di na napigilan ang kanina pang pinipigil na luha. 

"Here." 

Nagulat naman si Vice sa boses na yun at nakitang may panyo na sa harap nya. 

"Kailangan mo ata." K said offering her handkerchief. 

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?" pagusisa ni Vice. 

"Ah... eh.. Sorry. Di ko naman sinasadyang marinig, pauwi na kasi ako tapos narinig kong may sumisigaw..."

"So narinig mo nga?"

tumango naman si K. 

"Kinaaawaan mo na ba ko ngayon?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vicerylle || To Hopianity and BeyondWhere stories live. Discover now