Chapter five

305 17 0
                                    

Kleanea P.O.V

Araw ng Lingo. Kunti lang ang tao sa University dahil nagsiuwian sila sa kani-kanilang tahanan. Kaming apat naman ay nanatili dito sa loob at nililibang ang aming sarilinsa pagpunta sa Mall. Paglalaro sa Arcade at pagbibili ng mga nagugustuhan namin mga damit. One week passed. Bukas araw ng Lunes asahan mong kakaharapin mo na ang tunay na buhay ng college student.

Kalat na kalat na sa Campus ang ginawa naming Deal ni Cindy. Nagsungbong ata sa mga Kings at kong ano-ano ang sinabi kaya ng nakalipas noong isang araw ay sumugod sila.

Flashback:

Naglalakad na kami papuntang dorm namin ng bigla nalang tumigil sa harapan namin ang mga kings, nangunguna sa kanila ay ang  boyfriend ng babaeng clown na yon.

"Ano pong maipaglilingkod namin sainyo, Kings?"Tanong ni sennie

"Bakit ka pumayag na makipagpustahan kay, Cindy? Ano ba talaga ang balak mo ha?"
Pagsasalita nya, hindi pinansin ang tanong ni sennie

"Wala naman, King. May nagustohan lang akong itinaya nya sa pustahan namin."
Nakangiting sabi ko, oo ang isang dahilan kong bakit ako nakipagdeals ay yong sinabi nyang hihiwalayan nya ang kanyang boyfriend. Tignan nga natin kong sino ang iiyak sa atin sa hulit at magsisisi.

"Hindi ka na dapat nakipagpustahan sa kanya, baka magsisi ka "sabi ni King na may erings sa tenga nya.

"Baka sya ang magsisi."bored na sabi ko.

"Bilib na rin ako sa kapal ng mukha mo. Anong akala mo, ikaw ang  mananalo?, pag natalo ka papaalisin na agad kita dito."walang emosyon na sabi nya

"Mag jowa nga kayong dalawa no' haha. Yan naman talaga ang deal namin. Wag nga kayong atat, hintayin na lang natin."ngumiti muna ako bago kami umalis don. Oo nga pala, King Zerren Keir Salvador pala ang pangalan ng boyfriend ni Cindy na yon at ang tatlong kings naman ay, ang pinakaliit sa kanila ay si Zenn Denn Castro, gwapo at may pagkamahangin tapos si Ritchard Solcedo, ay gwapo rin, sya rin yong may erings sa tenga tapos ang panghuli ay si Zerious Montefalco, gwapo, mabait at tahimik kong minsan. So yan ang mga Kings lahat sila ay gwapo pero hindi maitatangging mas laman lang ng kunti si Zerren.

*****

Araw ng Lunes. Tulad nga ng sabi ko, ngayon na ang simula ng totoong classes.. Nagsimula ng magdiscuss ang mga prof tungkol sa coursong arts and Design at nagsimula narin silang magbigay ng mga activities, project at mga reporting.

Kakailanganin din namin ng Laptop, Camera mga materials para sa pagpapainting at mga sketch pads at mga iba't-ibang pencil na magagamit sa pagdo-drawing. ipro-provide naman ng University ang gagamitin namin laptop at Camera pero ang mga ibang gamit ay kailanagn naming bilhin gamit ang aming allowance. Wala naman problema dahil malaki-laki naman ang ibinigay nilang allowance namin for 1st sem.

At may hawak naman akong Cash kaya hindi ako magigipit. For the next day ay kakailanganin nanamin ang Laptop at Camera kaya mamaya ay pupunta kami sa storage para kumuha. Nandoon daw ang mga stock nila. Tapos sunod sa Gym dahil kukuha na kami ng aming Uniform.

Natapos ang aming Klase. Kasama ko si Giselle papuntang stock room. Mabait si Giselle kaya madali lang kami nagkasundo, down to the earth din siya kong umasta, parang hindi mayaman. Sabi ko nga sakanya na minsan sumama siya sa akin at ipapakilala ko siya sa tatlo dahil alam kong magkakasundo sila.

Pero may gap parin naman sa amin hindi ko lang ipinahahalata. Hindi ko kasi maibigay-bigay ng buo ang aking tiwala maliban na lang sa aking mga kaibigan.

Ako lang ang pumasok sa stock room at nagpaiwan na si Giselle sa labas at magbabantay daw baka daw kasi may Mangtrip sa akin at ilock ang pinto. Sumang-ayon naman ako.

Madaming mga stock na Laptop, camera at iba't-iba pang gadgets. Kumuha na ako ng isang Laptop at Camera, malalaman mong hindi pa ito gamit dahil naka sealed pa ang mga ito. Titignan ko na lang mamaya. Lumabas na ako ng Stock room at sa Gym naman kami nagtungo.

Madami ng tao sa Gym, Karamihan dito ay 1st year at may ilan-ioan nasanmas mataas na year, baka siguro nasira na o gusto lang nila ng bago ulit. Napansin ko ang isang pila sa may gilid. Sa tanya ko ay mas bata ang mga ito sa amin.

"Anong grade yan? 1st year din?"takang tanong ko kay Giselle. Tinignan naman niya ang aking itinuro.

"Ah, yan mga yan? Senior yan mga yan. Hindi mo ba alam na may Senior High dito?" Agad naman akong napailing. Ngayon ko lang nalaman. Kong ganon, kailan pa nagsimula maging King ang mga Kings?

"Hindi ka ba nagtataka na naging King agad ang mga Kings kahit nasa first year palang sila tulad natin? Dahil yon ay dito rin sila nag-aral ng Senior High. Simula ng gr.11 sila matapos ang First sem sila kinilalang Kings."napatango naman ako. Kaya pala.

Nagpaalam muna ako dahil bilang Isang Class Mayor ay kailangan kong gampanan ang aking trabaho. Sumama naman sa akin ang Vice Mayor na si Jack. Hinanap namin ang pila ng Arts and Design, nasa gitna ito ng Business Ad at Architecture.

Inilabas ko ang papel na pinagsulatan ko ng mga size nila at saka ibinigay ito sa babaeng nagbibigay ng Uniform. Pinapila ko sila base sa pagkakasunod sa naisulat sa papel. Inaabot sa akin ng babae ang mga uniform kaya ako na ang nangbibigay sa mga Kaklase ko.

"Guys, you can try it. Kapag Maluwag o masikip sabihin niyo sa akin at papalitan natin. Okey?" Ani ko.

"Yes, Ma'am!"sabay-sabay na Sabi nila kaya hindi ko mapigilan matawa at da same time mailang dahil nakuha na namin ang atensyon ng mga student dito sa Gym. Ng natapos na silang lahat ay si Jack naman at ako na. Ng tanongin ako kong anong size ko ay nag-alin langan pa ako.

Kaso naghihintay ang babae sa akin kaya sinabi ko na." 22 or 23 po sa skirt meron kayo?" Mas hininahan ko ng kunti ang aking boses pero iba talaga ang mga tenga ng mga chismosa. Dinig parin. Maramis sa kanila ang namang ha at meron naman nagsasabing nagpipiling daw ako kasunod naman nito ang matinis na halakhak galing sa may Likuran ko.

"22 or 23? HAHA. Nagpapatawa ka ba? Anong akala mo sa Katawan mo? Model?" Sarcastic na sabi nito sinabayan pa ng mala witch na tawa niya kaya napailing na lang ako. Here comes again. Cindy, ang president ng campus na walang alam iba kong hindi mang-away.

"Seryoso ako. Kong ayaw mong maniwala problema mo na yon. Bakit naiingit ka ba?" Pabalang na sabi ko.

"Bakit naman ako maiingit? Alam ko naman nagpapantasiya ka lang, baka nga nasa 26 syang waist mo." Ako naman ang natawa. Ako nagpapantasya? Baka siya.

"Baka ikaw? Kaya ingit na ingit ka?" Nang-aasar na sabi ko

"Ma'am Meron pong 22 dito, try niyo po kong kasya. Para po makapagpakuha ako ng size 23 kong hindi magkakasya sa inyo." Sabi ng babae  Kinuha ko naman ang ibinigay niya.

"Oh ayan. Itry mo na para makita natin. Haha. Oh baka naman nahihiya ka na dahil alam mong hindi magkakasya sayo?" May mapang-asar siyang ngiti kaya naman nginisian ko siya at tumango. Hinahamon talaga ako nito, tignan natin kong sino ang mapapahiya.

Ibinigay ko kay Jack ang gamit ko bago nagtungo sa comfort room ng gym. Inilock ko ito at nagtungo sa may sink. Inilapag ko na muna ang ang Uniform sa may sink at inisa-isang tinanggal ang aking mga damit. Nauna kong isinuot ang long sleeve bago ang skirt. Sakto naman ito sa akin kaya tagumpay akong napangiti. Hindi ko no isinuot ang coat nito ay neck tie. May kaiksihan ang palda kaya kitang-kita ang mahahaba kong binti na mas lalong nagpatingkayad sa akin.

Ng makuntento na ako sa aking itsura ay nagtungo na ako sa pinto at at unti-unti itong binuksan.

Saint. Velligasly University (The four Kings and the four Nerds)Where stories live. Discover now