26

20.1K 465 170
                                    

Hapong iniunat ko ang aking balakang ng matapos narin sa wakas ang mga labahan naming mag-ina na ilang araw ding tambak.

Marami-rami iyon dahil ang suki kong tagalaba ng damit namin ay may pilay at hindi pa kayang bumaba ng burol kong saan ito nakatira.

Maingat ako sa damit ng mga bata kaya halos kalahati ng labahan ay hi-nand wash ko na.

Napa angat ako ng tingin sa langit ng nagaagaw kahel at rosas na ito, pag ganito, alas singko na ng hapon. Napangiti ako dahil sa napakagandang kombinasyon.

Dito ko lang talaga sa probinsya napahalagahan ang mga ganitong bagay. Province and it's untamed serenity.

Ng humampas ang maligamgam na simoy ng hangin ay napabuga ako ng hangin at ninamnam ito ng nakapikit. Kay gaan sa pakiramdam. Nakakapawi ng pagod.

Ilang minuto akong na nasa ganoong posisyon, ninanamnam ang kapayapaan ng may makapa akong bubog.

Mag-iisang linggo narin matapos ang araw nayon kung saan pinagtapat ko kay Vaughn ang nakaraan namin. Hindi man detalyado pero siguro sapat narin iyon para matahimik siya at tigilan ako.

Tila tama naman ako, na iyon lang ang kulang para magpatuloy siya sa buhay  niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na siya nagpakita pa sa akin o ni magparamdam.

Aaminin ko sa sarili ko na nanghihinayang ako. Pero yong naman talaga ang gusto ko diba? Yon naman talaga ang dapat at tama.

Okay na ako, okay na, na kami-kami lang ng mga anak ko. At siya alam kong okay narin siya kung nasaan man siya ngayon dahil sa wakas natuldukan na ang mga pangulo sa isipinan niya tungkol sa akin.

Tsaka sa ekspresyon niya na hindi makapaniwala, siguro ayaw na niyang alalahanin pa na pinatulan niya ang isang katulad ko.

Hindi ko na binangit kay Leandro ang tungkol doon at sa p-posibleng pagalis ni Vaughn. May mga sandali mang tila magbubukas ito ng paksa ay pinagkikibit ko nalang, tanda na ayaw kong buksan. Hindi rin naman ito nagpupumilit.

Namulat ako ng marinig ang matinis na sigaw ni Vanna mula sa loob. Nasa likod kasi ako kung nasaan ang bakuran at ganoon din ang sampayan.

"Nanay! Nanay!" Hamahangos ito ng makarating sa harap ko dala-dala ang dalawang donnuts sa magkabilang kamay. Pawang may kagat ang mga iyon habang ang bibig naman nito ay may nagkalat na powdered sugar.

Nagtataka man kung saan galing ang donnuts ay inuna ko parin ang pagsaway sa pagtakbo nito.

"Vanna, anong sinabi ko. Wag na wag tatakbo baka may tubig o kung ano sa daan at madulas ka." Kalmadong kong sabi kahit gustong gusto ko nang tirisin ang matambok niyang mga pisngi na mukhang may laman atang donnut.

Vanna just pouted and bited again a big portion on the donnut her left finger is holding.

"Teka nga, saan ba galing yang donut na kinakain mo? Sa pagkakaalala ko wala akong binili na ganyan."

"T-Thats what am I about t-to tell y-you N-Nanay. " Ang mga sumusunod na salita ay hindi ko na naintindihan dahil sa pagsasabay ng pagnguya nito at pagsalita.

"Vanna! Finished your food first before talking. Chew it properly baka masamid ka." Napabuntong hininga ako ng lumipas pa ang ilang minuto dahil literal talaga na inubus muna nito ang dalawang donnut at umupo pa sa metal chair na parte ng table set ng hardin.

Pagdating talaga sa pagkain walang tinatangihan ang anak kong ito. Pero kahit ganoon hindi naman ito tumataba ng sobra, pangkaraniwang katawan lang ng isang batang magf-five na may laman.

SecreTary Where stories live. Discover now