Entry #9: My Hope

116 11 3
                                    

MY HOPE

By: @UNOU5MYW

"Hindi ka na ba talaga magbabago Raquel? Kailan ka pa magtitino? Kung kailan huli na ang lahat? Baka patay na ako pero pariwara pa rin ang buhay mo."

Masasakit na salita ang naririnig ko na nagmumula sa bibig ng akin ina ngunit nagbibingi-bingihan ako. Para sa akin wala na rin naman pag-asang magbabago pa ang takbo ng buhay ko. Ang buhay na hindi ko naman ginusto o pinili ngunit pilit na ipinamumukha sa akin.

Nadagdagan pa ang pasanin ko simula ng magkaroon ako ng pasanin sa buhay. Ang akin nag-iisang anak na babae, si Hope.

Ewan ko ba sa Nanay ko kung bakit iyon ang piniling pangalan para sa anak ko. Nakakainsultong pakinggan pero dahil ipinaubaya ko na ang pag-aalaga ng anak ko sa Nanay ko, hinayaan ko na lang tutal siya rin naman ang masusunod.

"Nagbubuhay dalaga ka pa rin kahit may anak ka na. Sa akin mo na nga ipinasa ang tungkulin mo bilang ina sa anak mo pero kahit ganoon pumayag ako para matulungan kita at saka apo ko naman iyon aalagaan ko."

"Ang hinihiling ko lang sa iyo, ayusin mo na ang sarili mo. Magpakatino ka na. Baguhin mo iyan trabaho mo. Maghanap ka ng trabahong disente at higit sa lahat bigyan mo naman ng panahon at kalinga ang anak mo." Mahabang litanya ng ina ko sa akin. May pagsusumamong nahihimigan ako sa tinig ng ina ko ngunit kahit anong gawin ko man pagbabago hindi madaling alisin ang mantsang iniwan ko sa paningin ng mga mapanghusgang tao.

"Nandiyan na iyan Inay. Nangyari na ang mga nangyari. At saka alangan naman nailuwal ko na iyon bata mula sa sinapupunan ko tapos ibabalik ko ulit para lang umayos ang buhay ko." Papilosopong tugon ko sa Nanay ko. Naiirita na ako sa pauli-ulit na sermon sa akin ni Nanay. Kahit baliktarin man ang mundo, wala ng magbabago sa katotohanan na isa akong Disgrasyada! Inanakan at tinakasan ng walanghiyang ama ng akin anak ang kanyang responsibilidad at isa akong prostitute na sa paningin ng lahat ay maruming babae at walang karapatan maging maayos ang buhay at mahalin ng totoo.

"Puro ka katarantaduhan Raquel. Ano bang klaseng katwiran ang mayroon ka para isisi mo sa anak mo ang mga pagkakamaling ginawa mo kaya ganyan ang naging buhay mo. Bakit hindi mo na lang ayusin ang buhay mo para sa anak mo? Magiging Nanay ka na, Diyos ko po naman! Kailan mo ba ititigil ang pakikipaglandian sa ibang lalaki para lang kumita ng pera? Kailan ka magpapaka-ina sa anak mo?"

"Tama na nga kayo Inay sa kadadakdak diyan. Iyan sinasabi ninyong pakikipaglandian ko sa ibang lalaki, iyan ang bumubuhay sa akin at sa anak ko."

"Kaya tigilan ninyo na ako. Kahit anong sermon pa ang gawin ninyo sa akin, hindi ninyo na maaayos pa ang buhay ko."

"Makalayas na nga! Masisira lang ang araw ko." Saad ko pagkatapos kong magbihis ng damit na karaniwan isinusuot ng mga babaeng bayaran sa isang strip club. Iyon ang lugar na pinagtatrabahuhan ko.

"Hoy! Babae, bumalik ka rito. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Pahiyaw na saad ni Nanay habang papalabas ako ng bahay namin. Dinig na dinig ko rin ang pag-iyak ng akin anak na nasa duyan.

"Napanuod ninyo ba iyon balita sa Tv? Kalat na kalat na sa marami-raming bansa iyon sakit na COVID-19. Kakatakot iyon kapag nakarating sa Pilipinas. Paniguradong marami ang mamamatay kapag nagkaroon na ng hawaan." Saad ng isa sa mga kasamahan ko sa Club. Isa siya sa mga dancer na sumasayaw sa ibabaw ng stage. Tumitable rin siya sa mga parokyanong nagpupunta sa Club na pinagtatrabahuhan namin.

"Naku! Huwag naman sana magkaroon sa bansa natin. Sa oras na may makapasok na positibo sa sakit na iyon, mabilis na kakalat iyon sakit kapag hindi naagapan o napigilan. Ang dami pa naman tao rito sa Pilipinas. Dito pa lang sa Maynila kung sino-sino na ang naninirahan. Nagmumula pa ang iba sa mga malalayong probinsiya."

Love in the Time of Corona: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now