Entry #20: Dalita ng Paruparo

57 5 0
                                    

Dalita ng Paruparo

ni @vinceindesguise

Ang kaninang matingkad na kulay asul sa kalangitan ay pinintahan na ng kulay abo. Sabayan pa ng napakalakas na hampas ng hangin na para bang may ipinapahiwatig; kaginhawaan ba o babala?

Tahimik na nung mga oras na iyon lalo na't naabot ko na ang kinaroroonan nila, isang subdibisyon. Kaunting lakad nalang at makikita ko na 'rin siya.

Makulimlim na talaga ang langit. Napakalakas na 'rin ng hampas ng hangin. Mukhang nakikisama ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. Ang pighating matagal nang namamayani.

Halos pitong-taon na pala ang lumipas, ang inaakala 'kong tuluyan nang nabura ang kaniyang sistema sa aking puso ay nariyan pa 'rin. Mas lalong sumisidhi hanggang ngayon. Palalim ito ng palalim na pakiramdam ko'y, punung-puno na ng bubog ang aking puso.

Sa mga panahong nalulunod ako sa kasarimlan, patuloy kong pinapaalahanan ang sarili ko sa kung ano ang paninindigan ko. Isang paninindigang itatago nalang sa kaibuturan ng aking pagkatao. Ako ang nagsakripisyo. Pinili ko siya kaysa sa aking nadarama sa kaniya. Ayaw kong masira ang relasyong ipinanday at sinubok ng ilang taon. Masaya na ako kung nakikita 'ko siyang masaya. Kahit na paulit-ulit akong pinapatay sa kaloob-looban ko.

Mas mabuting pagmasdan ko na lang siya sa malayo na masaya kaysa sa mahawakan ko ang kaniyang kamay at maipadama ang tunay 'kong nadarama.

Sa wakas! nakarating na 'rin ako sa bahay nila. Animo'y tambol sa pagtibok ang puso ko na anumang oras, ito'y sasabog.

Unti-unting inaabot ng nanginginig 'kong kamay ang doorbell. Pinapaalahanan ang aking sarili na kumalma at wala na itong atrasan.

Maya-maya'y nakita 'kong bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang isang babae na kaedaran ko lang. Kulot ang buhok, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at maputi ang balat.

Nakangiti itong lumapit sa gate at pinagbuksan ako. Hindi pa 'rin talaga kumukupas ang ganda niya. Hindi na nakapagtataka na siya ang pinili niya.

"Samson! Mabuti't napadalaw ka!" magiliw niyang saad.

"Grabe talaga 'yang ganda mo Samantha, buhay na buhay pa 'rin mula nung nasa kolehiyo pa tayo!" Hinampas niya ako sa braso. "At nangbola ka pa ha! tsaka alam ko namang yung bestfriend mo ang ipinunta mo 'rito."

Napatawa nalang ako sa reaksyon niya. "Kamusta na nga pala siya?"

Ang kaninang nakangiti ay nag-iba na ang ekspresyon. Bagay na ikinabahala ko.

"M-may problema ba?"

Ngumiti siya ng tipid. "Pumasok ka muna sa loob. Siguradong masusurpresa yun sa pagdating mo."

Iginiya niya ako papasok. Parang sasabog na talaga ang puso ko sa kaba pero pinipilit 'kong maging kalmado. Sa isang saglit, parang nabingi ako sa ingay na nakapaligid sa akin. Ang aking mata'y nakasentro lamang sa isang bagay na pinagmamasdan ko ngayon.

Nakaupo siya sa isang "wheelchair". Tawang-tawa ito habang nanonood ng tv. Kumpara dati, ibang-iba na ang hitsura niya ngayon. Pansin 'rin ang pagbagsak ng kaniyang pangangatawan. May benda 'ring nakabalot sa magkabila nitong braso't binti. Tuluyan na 'rin itong nakalbo.

Maya-maya'y napatingin ito sa direksyon ko. Kagaya ko, nanlaki 'rin ang kaniyang mga mata.

"Samson!"

Awtomatikong humakbang ang aking mga paa papalapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "Patrick! Miss na miss na kita tol!"

"T-teka sandali, hindi ako makahinga" Agad 'rin naman akong kumawala sa pagkakayakap sa kaniya at nag-aalala ko siyang pinagmasdan. "P-pasensiya na. Ayos ka lang?"

Love in the Time of Corona: A One-Shot ContestWhere stories live. Discover now