KNIGHT
;Kinabukasan ay nagising kami dahil sa isang malakas na pagsabog, nagtipon kami sa common room at agad na nagtungo sa rooftop at doon nakita si Seya na pinapasabog ang ilang mga abandonadong building na katabi ng hideout namin, it’s the hideout of other gangs here in Shaddow Division. Pity them dahil dinidemonyo si Seya ngayon.
Agad niyang naramdaman ang presensya namin at hinarap kami. “Oh Good Morning my slaves” bati nito samin at ngumiti ng nakakatakot.
“What’s good in the morning Seya?” pangahas na pamimilosopo ni Scarlet at napahagikgik si Seya dahil dito.
“Oh wow, maybe for you it’s not. But for me it’s a great day.” She sarcastically said.
“Pagmasdan niyo ang lungsod ng Voidezzare! Lahat ng ‘yan malapit ko ng pagharian!” wika niya habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng lungsod mula dito sa rooftop ng hideout.
“But for now, let me inform you formally about the task I mentioned to you last night” wika niya at muling humarap samin.
Lumakad siya palapit at unti-unti kaming binalot ng takot.
“Let’s start on you Knight” usal niya at hinawakan ang kwelyo ng damit ko, bumilis ang tibok ng puso ko sa presensya niya, wala na ba talagang puwang sa puso niya ang pagpapatawad?
“I supposed you know this man” wika niya at may inilabas na isang litrato, ipinakita niya ito sa akin. He’s familiar. Wait, ito ba si Franklin Gordola?
“Yep, you’re right. The richest man in Voidezzare as of now.” Wika nito at binitawan na ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko.
“I want you to kill him and transfer all his money in my bank account” saad niya at ngumisi, “You only have the half of this day para maisakatuparan mo ang misyon mo, at kung hindi – you’ll know it” pagtapos niya sa pagpapaliwanag ng gagawin ko.
“Next is you Mac, here’s your mission” wika ni Seya at binigyan si Mac ng isang papel.
“Ano ang isang ‘to?” naguguluhang tanong ni Mac. ”Just read it” sagot ni Seya at agad binuksan ni Mac ang nakatuping papel.
“𝐵𝑙𝑜𝑜𝑑𝑦 𝑡𝑖𝑚𝑒 𝑖𝑛 𝑐𝑙𝑜𝑐𝑘,
𝐻𝑜𝑟𝑟𝑖𝑏𝑙𝑒 𝑝𝑖𝑒𝑐𝑒 𝑜𝑓 𝑚𝑜𝑚𝑒𝑛𝑡.
𝑊𝒉𝑒𝑟𝑒 𝑡𝒉𝑒 𝑠𝑢𝑛 𝑟𝑖𝑠𝑒𝑠,
𝑌𝑜𝑢 𝑐𝑎𝑛 𝑓𝑖𝑛𝑑 𝑡𝒉𝑒 𝑝𝑖𝑒𝑐𝑒𝑠”Aniya Mac at nagulumihanan sa binanggit na mga salita. Ano ang bagay na gustong ipagawa ni Seya sa kanya sa pamamagitan ng bugtong na iyon? Ang hirap ng misyon na ibinigay niya kay Mac, kailangan niya munang malaman ang ibig sabihin ng riddle bago siya magsimula sa misyon niya.
Napalingon kami kay Yarah na napatadyak sa lapag. “Oooops, I know you already crack the riddle, pero subukan mo lang sabihin kay Mac at puputulin ko ‘yang dila mo” pagbabanta niya kay Yarah. So ibig sabihin alam na ni Yarah ang ibig sabihin ng riddle, ang astig naman niya. But unfortunately bawal niya iyong sabihin kay Mac.
Biruin mo, step sister niya na itong si Yarah pero nagagawa niya paring pagbantaan ang buhay nito, paano pa kami? I know, it’s very easy for her to kill us kapag hindi namin napagtagumpayan ang misyon na ipinapagawa niya samin.
“Tss. You get the abilities of your mother huh” usal ni Seya at nagpunta naman kay Galen. So ibig sabihin, matalino ang nanay ni Yarah, at kabilang ang pagiging matalino sa ability na mayroon siya which she had inherited from her parents. Somehow I feel curious about the past of our parents. Bakit galit na galit sa amin si Seya, bakit pinatay ng mga magulang namin ang mga magulang niya? Are they enemies before? Ang dami ko pang tanong tungkol sa nakaraan naming lahat.
“For your task Galen, it’s easy. Since ikaw ang naka-diskubre sa mga robot. Ikaw ang magiging test ko para subukan kung gaano sila kalakas. You just need to defeat Grerio 47, my strongest robot” wika ni Seya at nabakas ko sa mukha ni Galen ang pag-aalala. Malakas kaya ang robot na iyon? Matatalo kaya ‘yon ni Mac. I hope so. It’s a matter of life and death, kaya dapat ay manalo siya. Iyon ang robot na nadiskubre nila kagabi sa isang secret room na kalapit ng kwarto namin, hindi ko alam kung anong maaring magawa ng robot na iyon? Pero sinabi ni Seya kagabi na weapons niya daw ang mga robots na iyon so ibig sabihin malakas ito.
“Your turn, Scarlet and Crimson, since sanay na sanay na kayo sa panghahalina ng mga lalaki bago pa man kayo maging parte ng grupong ito. Umubra kaya ang alindog niyo sa Scelestus Gang?” wika ni Seya at nilapitan ang kambal.
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Crimson sa ipapagawa ni Seya sa kanilang magkapatid.
“Kailangan niyo lang naman mapabagsak ang pinaka-kinatatakutan na gang dito sa Voidezzare. Simple as that, wish you luck girls” sarkastikong wika ni Seya at hinarap naman si Yarah.
Did I heard Scelestus Gang? Ang gang na kahit ang mga pulis ay iniilagan sila? Shit, if sila nga ang gang na dapat kalabanin nila Scarlet at Crimson ay tiyak na mahihirapan sila dahil bukod sa madami ang miyembro ng gang na ito, natitiyak kong wala talagang sinasanto ang mga iyon. Minsan ko na rin silang nakita dati at batay sa mga mukha nila ay mukhang malalakas talaga sila. Nabalita pa nga noon na lahat daw ng mga pulis na nagtangkang mag-raid sa hideout nila ay hindi na nakabalik pa ng buhay. That concludes na hindi talaga sila ganoon kadaling kalabanin. Hayys, bakit kay Scarlet at Crimson niya pa ibinigay ang misyon na iyon? Dapat sa akin nalang.
“Your turn my step sis, hindi ba’t iniisip mong hindi pa tapos ang misteryo sa Thylomac High dahil sa biglaang pagpatay ko kay Harold Lemaitre? Totally you’re right. Together with you Kuster, kailangan niyong malaman kung sinong malaking personalidad sa Voidezzare ang kasabwat ni Lemaitre. At kailangan niyo itong mapatay. Simple as that. Actually that Principal is one of my alliance, I am the one who invented that machine na nakita niyo sa restricted building ng school niyo. What is the purpose of that machine? Well, para i-enhance ang mga utak ng mga estudyanteng dinukot at magkaroon ng mga abilidad na katulad ng nasa inyo at pagtapos ay gagawin ko silang mga alagad ko. Nang sa gayon ay hindi ko na kayo panghihinayang patayin dahil may pamalit na kayo.” Pagpapaliwanag ni Seya, ngayon ay karagdagang impormasyon nanaman ang binuksan niya. Ibig sabihin yung mga machine na nadiskubre nila Kuster at Yarah ay kayang makapag-upgrade ng utak ng isang tao at makapagbigay ng mga abilidad na mayroon kami?
Sinabi niya rin na kaalyado niya si Sir Lemaitre para maisakatuparan ang misyon niya na gumawa ng iba pang mga estudyanteng may iba pang natatanging kakayahan para ipalit sa amin. Para kung sakali mang patayin niya kami ay may mananatili parin siyang kakampi. But what’s the need of alliance kung si Seya palang ay kaya ng maghari sa Voidezzare?
“Pero dahil tatanga-tanga si Lemaitre, ayun, nabuko ninyo ang aktibidad na ginagawa niya sa Restricted Building. Tumulong nalang ako sa inyo para sabutahiin ang plano niyo. At ayun na nga, pinatay ko siya agad para hindi niyo malaman na konektado kaming dalawa. Now tell me, ang talino ko diba?” wika ni Seya at tumawa nanaman ng malakas, parang hindi na namin siya kilala.
Pero sa kabila ng pagkamuhi sa kanya, hindi ko maialis sa isip ko na ma-miss ang dating Seya. Sana may paraan pa para maibalik namin ang dating siya, na mapatawad niya kami. At bumalik ang samahan namin sa dati.
Kung mayroon mang paraan, I will do whatever it takes para maibalik namin ang dating siya. Alam ko na kahit balot na ng paghihiganti ang puso niya, naniniwala akong may kahit konting kabutihan parin na nagtatago dito. Sana nga.
“Now, proceed to your mission. But wait, let me remind you that you only have the half of this day para magawa ang kanya kanya niyong misyon at kapag hindi. Goodbye” pagtatapos ni Seya at agad na siyang nag-teleport papunta sa kung saan. Napasinghap ako at tumingin sa kanila. Gusto man naming tulungan ang bawat isa sa mga indibidwal namin na misyon ngunit tiyak naman na bantay sarado ni Seya ang bawat galaw namin.
“I have nothing to say but goodluck everyone, sana makabalik kayo ng ligtas.” Malungkot na wika ko at nag-teleport na ako papunta sa bayan kung saan nakatira si Franklin Gordola.
Taliwas man ito sa gusto ko, pero kailangan ko munang sundin si Seya kapalit ang kaligtasan ko.
BINABASA MO ANG
WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2)
FantasyRevenge leads them to become a rebel. Extraordinary teens that fights for equality. - Highest Ranking Achieved: • #107 in Powers • #321 in Revenge Note: Don't read of you haven't finish with 'GENIUS IN A GANG' this book is a sequel.