Chapter 40: The Cryonics

132 5 0
                                    

KNIGHT

;

Ito na ang pinakahihintay naming lahat, ang oras na pagpapabagsak namin sa Suarez League. Ang araw na mapapagbayad namin sila sa pagpatay sa mga magulang namin at sa lahat pa ng kanilang mga pagkakautang.

Sila ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay naming lahat, kung bakit kami naging mga rebelde na sumasalungat sa batas. Dahil sa pagbabaliktad nila sa amin ay tinalikuran kami ng lahat at naging mailap sa amin ang hustisya. Ngunit sa oras na ito ay mapapatunayan na namin sa lahat  na nagkamali sila, na mabubuti kaming tao, na kaming lahat ay biktima lamang ng mga kademonyohan ng Suarez League.

Nanng mawala si Wallenzer sa tingin namin ay agad kaming nag-teleport papunta sa Voidezzare ‘s Pharmaceutical Lab o ang sikretong ruta ng Suarez League para sundan siya. Tiyak naming dito lang siya magpupunta. Tss! Nakakapag-teleport na din pala siya, hindi kaya pinag-eksperimentuhan niya na rin ang sarili niya?

Naghiwa-hiwalay kaming lahat para hanapin siya. Tinungo ko ang isang pasilyo at pinasok ang isang kwarto sa dulo nito. Pagpasok ko sa loob ay namataan ko ang mga tubes na naka-hanay sa silid, parang mga transparent freezer na may lamang mga tao, what the fudge? Oo, mga tao nga ang laman ng mga tube. But not just an ordinary people, they are familiar!

Ang mga magulang ko!

Hindi pa pa-patay si Mom at Dad? Pero paano?

Kitang-kita ko kung paano maligo si Dad sa sarili niyang dugo noon sa bahay namin. May tama siya ng baril sa dibdib at wala na siyang malay noong sinusubukan ko siyang gisingin. And Mom was also  there in his side, lifeless. Si Olivar Nunez ang may gawa nun na kaalyansa ng Suarez League. But I can’t recall the things after that, ang alam ko lang ay doon na ako nagsimulang magtago dahil idiniin ako sa pagpatay sa mga magulang ko.

But how come na nandito ang mga katawan nila? Nasa loob ng isang tube at parang pinatigas na yelo upang i-preserve ang katawan. Did Suarez League did this? Pero bakit? Kung nais nilang ipapatay ang mga magulang namin dati bakit kailangan pa nilang i-preserve ang mga katawan nila? May kailangan pa ba sila sa mga ito?

Inikutan ko ang mga tubes at nakita ko ang iba pang mga taong nasa loob ng mga ito. If I’m not wrong, this is called ‘cryonics experiment”. Paraan ito para ma-preserve ang katawan ng isang tao at buhayin sa hinaharap without getting aging.

Pinagmasdan ko ang pigura nila mom at dad, nakapikit ang mga ito at ang balat ay putlang-putla. Pinigilan ko lang ang sarili ko na maging emosyonal, sobra ko silang na-miss.

How can I awaken them?

“Knight Peterson right?” napabalikwas ako ng may marinig akong boses sa aking likuran. Agad ko siyang nilingon at nakita ang isang lalaking nasa mid-40’s na. May mga puting balbas ito at salamin, nakasuot ito ng lab gown ng Voidezzare’s Pharmaceutical Lab. Agad kong hinanda ang sarili ko, malamang kalaban siya dahil isa ito sa mga doktor ni Wallenzer Suarez.

“How did you know me?” asik ko dito.

“You’re the son of Wyatt Peterson and Tori Marquez. Paanong hindi kita makikilala. By the way, we are the one who preserved your parents’ body.”

“Bakit? Anong gagawin niyo sa kanila?” tanong ko.

“Don’t worry, hindi ako kalaban,”

“How do you say so? You’re part of Suarez League aren’t you?” tanong ko sa kanya.

“Yes, but I decided to quit. Hindi ako sang-ayon sa nais ni Wallenzer na lupigin ang lahat ng tao.”

“Oo, dahil hindi naman talaga iyon nararapat, wala siyang karapatang burahin ang mga tao sa mundo dahil hindi naman siya ang may likha sa kanila, hindi siya diyos para gawin ‘yon,” sagot ko.

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon