KABANATA 14

3.2K 113 25
                                    

Kabanata 14

Breastale pov.

Hindi siya mapakali sa kwarto niya. Nag alala kasi siya kay fumiya. Kitang kita niya talaga sa mga mata nito ang galit..

"Ano ba gagawin ko??"kausap na sabi niya sa kanyang sarili.

"Madam breastale nakakahilo naman po kayo. Kanina pa kayo lakad ng lakad pabalik..."sabi ni inday na napapakamot ang ulo..

Napahinto naman siya sa paglalakad saka napatingin siya kay inday.

"Nag aalala lang kasi ako kay fumiya.Nakita mo naman ang galit sa mga mata niya diba.."sabi niya.

"Nakakatakot nga po talaga kanina si sir fumiya madam. Para talagang ibang tao siya."sabi ni inday.

Yun din ang nakikita niya kanina. Ngayon lang niya kasi nakita ito na ganun.

"Madam breastale.."biglang sabi ni biday na bigla nalang pumasok sa loob.

"Bakit??"tanong niya na may bahid na pag alala. Nagmamadali kasi itong pumasok sa kwarto baka may nangyari kay fumiya..

"Ahhhh.. Sasabihin ko lang po sana na luto na yong banana cake na bini bake niyo na pinabantay niyo sa akin kanina."sabi nito.

Hindi niya mapigilan na nagbuntong hininga akala naman niya na may masamang nangyari na kay fumiya.

"Ikaw na babae ka talaga... Pinakaba mo pa si madam breastale."sabi ni inday.

Napakamot naman si biday.

"Sorry naman po..hehe pero alam niyo talagang ngayon ko lang nakita na ganun si sir fumiya.. Grabe para siyang si coco martin kong magalit nakakaloka...."sabi ni biday na tumabi kay inday.

Nagbuntong hininga siya..

"May na isip ba kayong paraan para mawala ang galit niya?"tanong naman niya sa dalawa.

Napatingin ang mga ito sa kanya..

"Ahhh madam breastale sa totoo lang po wala po kaming alam kong papaano dahil first naman namin makita na magalit siya ng todo... Pero bakit hindi niyo nalang ibigay yong ginawa niyong banana cake na para talaga kay sir fumiya."sabi ni biday.

"Oo nga madam. Saka siguradong mawawala ang galit niya. Saka sobrang sarap kaya yong mga binake mo madam. Lalo na yong chocolate cake na unang binake niyo madam. Ang sarap."sabi ni inday.

Biglang natigilan siya sa sinabi ni biday. Magugustuhan kaya nito.

"Pero diba sabi niya na wag ko muna siya kausapin. Saka baka lalong magalit siya.."sabi niya dito.

"Ede wag niyo pong kausapin. Ibigay niyo nalang po yong banana cake tapos sabay alis na po kayo.. Ede naibigay niyo po yong banana cake.."sabi ni biday binatukan naman ito ni inday.

"Gaga ka.. Para naman na walang manners si madam breastale kong ibibigay lang niya yung banana cake sabay alis. Ano yun para siyang hangin."sabi naman ni inday..

"Sige nga may naisip ka ba ahh?? Grabe naman itong mambatok ang sakit. Para naman bato yang kamay mo."sabi ni biday na napahawak sa ulo.

"Manahimik ka kasi dyan kong hindi maganda yang sasabihin mo.."sabi naman ni inday..

Napailing nalang siya dahil nagtatalo na ang mga ito..

"Stop..."sabi niya sa mga ito. Tumigil naman ang mga ito pero inirapan naman ni biday si inday bago tinignan siya... Biglang may naisip siya..''Bakit hindi nalang kayo ang mabigay."sabi naman niya sa dalawa. Kita naman niya ang paglaki ng mata ng mga ito.

FUCKING WOMENs 06: FUMIYA NICO SANDEJASWhere stories live. Discover now