KABANATA 17

3.5K 139 50
                                    

Kabanata 17

Breastale pov.

Nandito sila sa wild restaurant at kita niya ang pagtingin sa kanya ng ibang babae na nandoon. Kita niya ang pagtataka at pagdiri ng mga ito sa kanya..

Alam naman niyang hindi ganito ang itsura niya pero masakit parin pala ng makita niyang pinagdidirian siya ng ibang tao dahil lang ganito ang itsura niya.

"Fumiya umuwi nalang kaya tayo.."sabi niya dito at kita niya ang pagtitig nito sa kanya.

"Wag mo silang pansinin breastale. Sige na pumili kana ng makakain mo."sabi nito na nakatingin din sa menu.

Kinuha niya ang menu at lumaki ang mata niya sa mga nababasa.. Last na pumunta sila dito hindi niya kasi nabasa ang nalalaman ng menu dahil sa paghila bigla ni fumiya kay yam yam na sinundan niya agad.

"Fumiya bakit ganito ang mga pangalan ng mga pagkain??"tanong niya dito na may halong gulat..

"Dahil malandi ang may ari."sabi nito.

"Ohhh fumi panirang puri yan.."biglang sulpot ng isang lalaking kilala niya sa mukha pero hindi sa pangalan. Ito yong nakita niya last time dito rin sa wild restaurant..

"Bigyan mo nalang ako ng specialty mo henry.."sabi ni fumiya dito.

"Okay may bago akong gawa fumi at ikaw ang una kong ipapatikim sa gawa kong Dickrings onions (onion rings)."sabi nito kay fumiya at tinignan siya. "Hi breastale im henry ang may ari ng reastaurant na ito. May nagustuhan kana ba dyan sa menu. May pangalan ka din dyan. Panty Breast de coco (pan de coco) bagong recipe ko din yan at masarap yan. Kapag kinagat mo lalabas ang coconut at malalasahan mo ang pinaka masarap na tinapay sa mundo."sabi ni henry kaya hindi siya mapigilan mapangiti dito.

"Sige yun nalang.."sabi nalang niya.

"Ayaw niyo rin ba itry ang Dicktada(afritada) at pansex gisado(pansit gisado)."sabi ulit nito.

"Itra -try namin lahat ang ibibigay mo henry kaya tumahimik ka nalang dyan."sabi fumiya na parang naiirita na.

"Okay.. Anong drinks niyo. Meron kaming Regla juice(strawberry jiuce) ang number one na pinaka gusto ng customer namin, Tae choco (chocolate drinks) na gustong gusto ng mga bata.. Laway juice (coconut jiuce) na pampalakas sa katawan, Tt coffee(coffee) kong gusto mo ng pampainit sa katawan at ang pinaka bago kong recipe na patok ngayon ay ang kulangot na malapot shake(Fruits Milkshake)."nakangiting sabi ni henry.

"Kahit anong drinks. Lumayas ka nalang nga dito. Nakakairita ka alam mo ba yun.."sabi ni fumiya.

"Alam mo fumiya ngayon ko lang napansin na madaldal kana ngayon. Kapag talaga natamaan ka na ni kupido madaming magbabago sa iyo. Tulad ko at hindi ko yun pinagsisihan dahil sobrang saya kapag may sarili kang pamilya."nakangiting sabi ni henry at kita niya dito ang pagmamahal sa pamilya nito.

"Shut up!! Aalis ka ba dito sa mesa namin o tatadyakan kita dito papasok sa kusina mo."seryosong sabi ni fumiya.

"Henry man wag mo na buwisitin si fumiya. Nanggugulo ka lang sa date nila.."biglang sigaw ng isang lalaking hindi niya kilala.

"Oo nga. First date pa ata nila yan."sabi naman ng isang lalaki.

"Ang kuripot mo naman fumi. Bakit hindi mo pinaghandaan ang first date ninyo.. Hindi ganyan itrato ang babaeng gusto."sabi naman ng isa pang lalaki na may kasama itong isa pang lalaki sa mesa ng mga ito.

"Shit!! Pwede ba tumahimik kayo. Wag niyo kaming guluhin.."inis na sabi fumiya.

"Tumahimik na tayo baka mag wala ang dragon. Kawawa nanaman ang mga gamit ko baka mabasag nanaman."sabi ni henry saka siya nginitian at umalis..

FUCKING WOMENs 06: FUMIYA NICO SANDEJASWhere stories live. Discover now