Kabanata 5

959 34 1
                                    


Promise

Hindi maalis ang tingin ko sa keychain na bigay sa akin ni Cyrus. Kahit simple lang ay gandang-ganda ako, ngayon lang kasi may nagbigay sa akin ng ganito.

"Ngiting-ngiti ang alaga ko," puna ni Ate Rizza habang naglalapag ng juice sa mesa.

"Ate, anong tingin mo kay Cyrus?" tanong ko sa kanya. Syempre, kailangan ko pa rin ang opinyon tungkol dito. Wala naman kasi akong karanasan sa ganitong bagay. Unang beses lahat.

Binaba nya ang kanyang hawak at hinarap ako. "Napakabait na lalaki at sa tingin ko gusto ka nya, base sa mga titig niya sa iyo. Kita ko ang paghalik nya sa noo mo, ibig sabihin daw no'n, nirerespeto ka nya. Sa tingin ko ay aalagaan ka nyang mabuti kung kayo man ang magkatuluyan," nakangiting sabi nya at umalis na.

Hay! Sana nga, Ate Rizza. Magdilang-anghel ka sana.

Gustong-gusto ko rin siya, alam ko na kaagad iyon dahil habang magkasama kami ay ang saya-saya ng puso ko. Unang beses kong nakaramdam ng purong kasiyahan. Kahit alangan ako ay malayong-malayo sa takot.

Nagbalik ako sa ulirat nang tumunog ang tablet ko. May gustong makipag-video call sa akin. Akala ko noong una ay si ate pero si Cyrus pala. Wala sa sariling napangiti ako. Bakit kaya siya napatawag?

Kaagad kong inayos ang sarili ko bago sinagot ang tawag. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Cyrus na naka-unipormeng pangpulis.

"Hello," bungad ko at kumaway pa sa kanya. Sumobra naman yata ako ng ligaya?

"Hi, ganda. Anong ginagawa mo? Naistorbo ba kita?" Malaki rin ang ngiti niya kagaya ko.

Umiling ako. "Hindi, sa katunayan hinihintay rin kita." Nag-init ang mukha ko ng ma-realize ang sinabi. Ang daldal ko.

"Ganoon? Miss mo na ako? Gusto mong makita ulit tayo?" tanong nya.

"Kailan?" mabilis kong tanong kaya napahawak ako sa bibig ko. Katherine! Ano ba?!

"Pwede ka ba mamaya? Nasa istasyon lang ako." Kinagat niya ang kanyang labi at inayos ang pagkakaupo.

"M-Magpapaalam muna ako. Ano namang gagawin natin kung pupunta ako diyan?" Nakanda-utal-utal na ako at ngayon lang gumapang ang hiya sa katawan ko.

"Wala kang gagawin, ako meron," sabi nya at itinaas-taas pa ang kilay. Meron na namang kalokohan panigurado!

"Ano?" Tinaas ko ang isang kilay ko.

"Tititigan kita buong oras. Pwede rin hahalikan ko rin ang malalambot mong mga labi," sabi nya habang malaki ang ngiti.

Tuluyang nag-init ang mukha ko hanggang leeg dahil sa sinabi niya. Pero kilig na kilig naman ako. "Sira ka, hindi na ako makikipag-kita sa iyo kung ganon," sabi ko at palihim na tumawa.

"Biro lang, gusto kong magkwetuhan tayo. Gusto kong makilala ka pa nang mas malalim. Alam ko lang ang pangalan mo. Para kang isang ninja, napakamisteryoso. Ayokong ganito lang tayo. Gusto kong humigit pa tayo rito." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon.

Hindi ko alam na gusto niyang seryosohin ang lahat sa amin. Ang akala ko ay isa lang siyang bored na pulis na nakahanap ng mapaglilibangan. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito, parang himala. Napangiti na lang ako at hindi nakapagsalita. Ang gwapo mo, Cyrus. Pwede bang akin ka na lang?

"'Wag ka ngang ngumiti ng ganyan, naakit akong halikan ang pisngi mo," sabi nya kaya nawala ang ngiti ko.

"Alam mo, malapit ko ng isipin na manyakis ka. Puro halik ang nasa isip mo, hindi ka pa ba nahalikan?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon tinanong. Pagdating sa kanya ay walang preno ang bibig ko, gusto ko laging may sinasabi sa kanya.

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Where stories live. Discover now