Kabanata 12

777 31 0
                                    


Miracle

Pasulyap-sulyap sa akin si Cyrus habang nagmamaneho sya pauwi. Nang itanong nya kasi sa akin ang pangalan ng ate ko ay hindi ko sya nasagot at naging tahimik ako hanggang pag-uwi.

"Katherine?"

Napatingin ako sa kanya ng tawagin nya ako. Pabalik-balik ang tingin nya sa akin at sa kalsada.

"Galit ka ba? Bakit ko pa kasi tinanong iyon? Wala lang iyon, nag-message lang sa akin sa IG, hindi ko kilala. 'Wag ka nang magalit, ganda. Sorry," sabi nya.

"Hindi naman ako galit. Ayos lang kung makipag-usap ka sa ibang babae. I-entertain mo, baka mabait at magkagustuhan kayo," lalo na at mapapangasawa mo iyon

"Pero.. Ayos lang talaga sa iyo? Hindi ka nagseselos? Tsaka bakit naman kami magkakagustuhan, ikaw ang girlfriend ko." Ngumuso siya.

"Bakit naman ako magseselos? Temporary girlfriend mo lang naman ako." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang panginginig ng boses.

Wala naman akong karapatan, hiniram lang kita pansamantala.

Kumunot ang noo niya at hindi na nagsalita. Alam kong masama na naman ang loob niya dahil sa sinabi ko.

"Cy, it's really okay. I am just telling the truth about our situation. Malapit na akong magising sa katotohanan kaya sinisiksik ko na iyon sa sarili ko," malungkot kong sabi.

Bumuntonghininga siya at napahilot sa sintdo. "Okay, if you say so. Mrs. Aganon."

"Mrs. Aganon?" Nagtaas ako ng kilay.

"Kasal tayo, remember? Anong temporary girlfriend ka diyan. Nakalimutan mo na ang kasal natin?" sabi nya at pinakita ang singsing na suot nya.

"Oo nga." Tiningnan ko ang sinsing sa daliri ko. "Kasal-kasalan," natatawang sabi ko at bumaling ulit sa kanya.

Ngumuso sya. "Basta para sa akin ay kasal tayong totoo. Asawa kita, asawa mo ako. Bawal kang tumingin sa ibang lalake."

"As if namang may titingin sa aking ibang lalake. Hindi ko nga alam kung bakit mo ako nagustuhan. It's either, naawa ka lang sa akin o gusto mo lang magka-girlfriend ka agad." Tumawa ako.

"Ano ba iyang sinasabi mo? Hindi mo kasi alam kung paano ka tingnan ng mga lalaki sa bawat puntahan natin. Lalo na doon sa resort, sarap dukutin ng mga mata nilang nakatingin sa katawan mo. Kaya panay ang yakap at halik ko sa iyo para ipakitang akin ka..." Parang nanggigigil ang itsura niya habang nagsasalita.

"Tsaka hindi ba pwedeng mahal kita kaya ako nandito sa tabi mo. Nagustuhan kita dahil... Hindi ko alam. Basta nung unang beses na nakita kita, sabi ko sa sarili, aalagaan kita. 'Yun, hindi yung naawa lang ako sa iyo o gusto ko lang magka-girlfriend ka agad." Ngumuso siya.

Titig na titig lang ako sa kanya habang nagsasalita sya. How I wish I could keep you forever, my love. But keeping you means hurting my dear sister and family.

"Eh, ikaw? Bakit ka pumayag na maging boyfriend ako kaagad?" nanghahamong tanong niya.

"Kasi ang gwapo mo," sabi ko at tumawa.

"'Yun lang?" Tunog dismayado pa.

"Masaya ako kapag kasama kita. At ayaw kong sayangin ang bawat oras na pwede ka pa kitang makasama. Malapit na itong matapos, Cyrus," malungkot na sabi ko.

"'Wag kang magsalita ng ganyan. Marami pa tayong oras," sabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Mahal kita, Cyrus. Tandaan mo yan. Kahit magkahiwalay tayo, kahit hindi mo na ako makita."

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Where stories live. Discover now