Chapter 41

1.2K 28 2
                                    




*cloud's pov*

Habang nag aaway ang apat sa pagkain dahil break time namin, ako naman itong nakapangalumbaba habang pinapanood sila.

Para akong pagod pero wala naman akong ginawa. Hanggang ngayon nababagabag pa din ako dahil kay greysen.

"Akin nalang yang manok mo jillian" crystal

"Huh? Asa ka." Jillian

Pagtapos ko siyang iwan kaninang madaling araw na mahimbing na natutulog. Umuwi ako sa bahay at hindi na nakatulog kakaisip sakanya.

"Ang siba mo naman jillian, ibigay mo na" chito

"Patay gutom din ako kung di niyo pa alam. Kaya tigil tigilan niyo ko ha!" jillian

"Hahahahahahaha!" Chito,rob and crystal

Kanina naman pagkasundo niya sakin nagsorry lang siya sa nangyari, dala lang daw ng alak kaya siya naging ganon. Pero hindi naman ako tanga para hindi makutuban na may iba pang dahilan kung bakit siya nagkaganon. Alam kong may problema siyang mabigat ayaw niya lang sabihin sakin.

"Hahaha! Dali na kasi jillian pakagat nalang"crystal

"Bakit di mo hingiin bibingka ko dahil willing akong ipakagat yon" jillian

Isang malakas na batok ang natanggap niya mula kay crystal. Halos mabilaukan naman si jillian sa ginawa ng isa.

Hindi naman makahinga yung dalawang abnormal kakatawa.

Hays! Hindi talaga ako makasabay sa trip nila ngayon. Para akong manhid at walang ibang nasa isip kundi si grey na ngayon ay kausap si dean. Mukhang about sa darating na school event sa friday. Wag sana kami malate ng uwi dahil sasamahan ko pa si rouge sa saturday.


"Waaaaaaahhhhhh! Ilag bessy!" Sigaw ni jillian sakin. Parang nag slow mo ang pagtalsik ng manok na sa itsura palang mukhang kasasawsaw niya lang sa ketchup at patungo sakin!

Tumama iyon sa dibdib ko at nagbounce pa sya pababa sa skirt ko bago nahulog ng tuluyan sa sahig.


Halos lahat ng nakakita sa pangyayari ay napanganga lalo na ang apat na may sala.

Agad ko sila tinignan ng masama. Kasabay non ang alanganing ngiting sumungaw sa mga labi nila. Damn! Ano pa bang magagawa ko? Eh halatang guilty'ng guilty ang mukha nila sa nangyari.

"Omg! Girl i'm sorry.." natatarantang sabi ni crystal. May kinalkal siya sa bag niya at iniabot sakin ang tissue.

Kinuha ko yung tissue.

"Hala sorry talaga bessy.. pano kasi sila kinukuha pagkain ko"apila pa ni jillian.

Kaya heto nanaman ang apat nagsisimula ng magsisihan.

Hindi ko nalang sila pinansin. Pati ata pagsasalita nawalan na ko ng gana.

Gusto kong mainis dahil nagkamantsa na ang blouse ko. Buti nalang kulay black ang skirt namin.


Nang matapos mapunasan ang ketchup, isang malamig na tubig naman ang tumapon sakin!


"Dammit!" Di ko na napigilan ang pagtaas ng boses. Narinig ko din ang mahinang mura ng mga kaibigan ko. Mabilis ako napatayo.

Handa na akong bulyawan sila pero laking gulat ko ng si shin ang bumalandra sa pagmumukha ko!



*JILLIAN's POV*


Humaygad!!!!

Nalingat lang kami sandali biglang may shin nanaman na lumitaw! At nanapon pa ng tubig sa kaibigan ko! May sa demonyo talaga tong babaeng to!

Miss  I DONT CARE WHO YOU ARE(girlxgirl)Where stories live. Discover now