Chapter 2

227 2 0
                                    

HALOS lumuwa ulit ang mga mata ni Monnette ng makita niya ang napaka ganda niya kwarto mas maganda at mas malaki iyon kesa sa kwarto niya sa California.'Hayop 'tong kwarto ko ah!!ang ganda naman.Swerte mo Monnette!!' Anang isang bahagi ng isip niya.

Malaki ang ng dalaga may malaking TV din ito.Sinuri niya naman ang bathroom malaki din ito at nababalot ng mga navy blue na kulay na disenyo iyon.Yes!!favourite niya ang kulay asul.May mga halaman din ang loob ng kwarto niya.

'Ganda!!!' Namamangha na sabi ng dalaga.

Kaya napagdesisyonan na niyamg matulog at magpahinga.Mamaya nalang siya bibisita sa kwarto ng bestfriend niya.Kaya unti-unti na niyang ipinikit ang kanyang mga mata,ng napagtanto niyang hindi pala siya nakapagpalit ng damit dahil nasa baba ang maleta niya at bag.Sinubukan niyang minulat ang kanyang mata  pero hindi niya iyon namulat at tuluyan na siyang sinakop ng dilim at nakatulog ng hindi nagbibihis ng damit.

NAGISING si Monnette dahil sa malakas na katok mula sa pintuan ng kanyang silid.Kaya bumangon muna siya at nagunat-unat at tiningnan ang alarm clock sa table tabi ng kama niya. Pasado alas nuwebe na pala ng gabi.Kaya pala siya nagugutom na at napansin niya rin na nakapasok na ang maleta niya 'hmm si Ate Lucy siguro ang nagpasok ng maleta ko' sabi ng kanyang isip. Kaya mabilis siyang tumayo at nagtungo sa pintuan upang buksan kung sino ang kumakatok at nakita naman si Ate Lucy at isang katulong na hindi pa niya kilala at may dala itong dalawang tray ng pagkain.

"Avren!!kain ka muna!!at ihahatid na muna  namin ito kay Nathan!"kaagad na sabi ni Ate Lucy at binigay sa akin ang tray ng pagkain.

"Ahh!!akin na po yan!!sabay nalang po kaming kakain ni Timmy dito sa kwarto ko!!"sabi niya at inilapag ang isang tray sa may kalakihang table niya sa may terrace at kaagad niyang kinuha ang isa pang tray.

"Sigurado ka?!"sabi ni ate Lucy at tinangoan niya nalang ito tanda ng pagsagot niya dito."siya nga pala ito ang isa sa mga katulong na'tin dito si Ate Renee mo.......ito naman si Avren,yan nalang dawang itawag mo sa kanya,at sa kasama niya namang lalaki Nathan nalang ang itawag mo sa kanya!!"sabi ni Ate Lucy sa kanya.

"Sige po!!ako na po ang tatawag kay Timmy!!"sabi ng dalaga.

Umalis na rin ang dalawa sa kwarto niya at mabilis na bumalik sa kusina.Siya naman ay mabilis niyang tinahak ang daan papunta sa kwarto ng binata pero bago yun hinalungkat niya muna ang bagahi niya at kumuha ng isang pares ng pangtulog na damit,nakapaligo na rin ang dalaga kaya tapos nun mabilis niyang isinuot ang pantulog na damit na kulay navy blue pa rin at ng makarating siya sa pintuan ng kwarto ng binata at kumatok siya ng ilang beses pero walang responce sa kanya.Kaya napagdesisyonan niyang buksan ang kwarto ng walang paalam hindi din naman iyon nakalock kaya  mabilis siyang nakapasok.

"Timmy?"tawag niya sa binata.Pero pa rin ito sumagot.

"Timmy?"tawag niya ulit pero parin.

Kaya nagpagdesisyonan niyang bumalik nalang sa kanyang kwarto niya at maghapunan.

Akmang hahawakan niya na ang door knob,ng biglang may nagsalita bigla sa kanyang likuran.

"Oyy Monnette!!bakit ka nandito sa kwarto ko??"sabi ng binata sa kanyang likuran kaya mabilis   naman siyang humarap dito.

Ngunit bigla siyang natigilan ng tingnan niya ang binata na bagong paligo,basa pa ang buhok nito at higit sa lahat tuwalya lang ang nakatakip sa pangibaba niyang katawan habang wala namang saplot ang itaas niyang katawan napalunok siya ng makita ang mata nitong may pagkachinito pababa sa napakatangos na ilong nito pababa sa kanyang mapula at kissable lips hanggang sa bumababa ang inosente niyang mga mata sa matipuno nitong mga  braso at dibdib hanggang sa dumako ang mga mata nito sa matitigas at malalaking anim na pandesal niya slash abs ng bestfriend niya.

Best Friend(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang