Chapter 01

2K 63 22
                                    

CHAPTER 01

I glanced outside through the entrance door of my house when I heard a car honking. Mas nagmadali ako sa pag-aayos ng aking mga drafting tools upang hindi ito mabali o masira sa loob ng bag.

I stood up and bit my hairtie as I put my hair up into a messy bun. Pagkatapos ay lumabas na rin ako kaagad at ni-lock ang pinto.

"Wow, ang aga mo naman para sa klase mo bukas," hirit ni Noah as he opened the door of the shotgun seat.

"Good morning din," hinihingal kong sabi nang makaupo na kaya't narinig ko ang maikli niyang pagtawa. "Tara na, Ark. Late na nga ako, eh, hindi pa ako tapos sa plate ko."

"Well, that's stressful," he said, sounding like he wasn't surprised anymore. "How will you survive that?"

"Lakas ng loob at kapal ng mukha na lang ulit siguro ang puhunan ko," nagkibit-balikat ako. "Titingnan ko kung effective pa ba sa instructor ko," I half-jokingly said.

"Tsk, umayos ka na. Hindi na pwede 'yang ganyang trip ngayon sa college," although Noah was laughing, I knew he actually meant what he said this time kaya't hindi na ako nagsalita pa.

And this man is Noah Leonel Herrera, my high school best friend along with Serena Lillian Javier.

Ever since we became close, nasanay na akong Ark ang itawag sa kanya katulad na lamang din ng pagtawag niya sa akin ng Ros mula sa Rosas na Tagalog term ng aking second name.

He is tall, singkit, at maputi. And in fairness, he knows how to dress well, too, meaning he's pretty good at expressing himself. Sana all. And he's just exactly the guy version of Serena who also complements my personality. At well, okay, may itsura naman siya pero single by choice daw.

"Hoy! Bilisan mo na, ssob. Dito na nga kita binaba sa tapat ng building mo, oh," saka lang ako natinag nang muli siyang magsalita. Sumilip pa muna ako sa bintana bago pa magtanggal ng seatbelt.

"1PM pa pala ang vacant ko mamaya. Kahit sa dismissal na lang ulit tayo magkita ni Serena. Okay, ba-bye na. Go na," dagdag pa ni Ark.

"Sige, ba-bye," I laughed and slightly hit his shoulder before stepping out of the car. Kumaway pa ako ulit sa kanya bago nagmadaling tumakbo paakyat hanggang fifth floor gamit ang hagdan dahil walang bagong balita, sira pa rin ang elevators. Mukhang kailangan ko nga talagang mag-aral nang mabuti para may pampagawa na 'tong school na 'to, charot.

"Sir, sorry, I'm late!" I immediately spoke as soon as I opened the door.

Ngunit agad din akong napatigil at bahagyang napaatras nang ang lahat ng mga mata ay nasa akin.

"Girl, kalma ka lang, hahaha! Wala pa, 'di ka late, don't worry." Napatingin ako kay Lily na siyang natatawang tumayo at naglakad palapit sa akin pagkatapos ng ilang segundong katahimikan sa silid. Mabuti't mabilis ding nawala sa akin ang atensyon nila kaya't napahinga ako nang maluwag dahil doon.

***

"Miss Suarez?"

Napalingon ako sa aking professor at sinenyasan niya akong lumapit sa kanya sa unahan kaya't nagmadali na rin ako sa pag-aayos ng mga drafting tools sa aking mesa.

"Yes, ma'am?" I walked towards her, tipid na ngumiti.

She closed her laptop and faced me with a small smile. "To be honest, I should really be failing you already," Mrs. Ramos paused, and the words she just said were completely stuck on my mind. Hindi lamang ako makapag-react agad dahil hinihintay ko pa ang susunod niyang sasabihin.

"However, I don't want anyone to fail the first semester in my class especially given that you're still in your freshman year." Dahil sa sinabi niya ay parang umatras ang luha ko at tila nakahinga nang maluwag. "So, submit your plate before 4PM today. I will be giving deductions to be fair, but at least magkaka-marka ka. And please, bumawi ka na sa susunod na mga activities, okay?"

Where the Sun SleepsWhere stories live. Discover now