Chapter 8

4K 28 4
                                    

Lulan ng tricycle ang mag asawang Hernandez. Masaya silang nag uusap patungkol sa gagawin nilang outing dahil na aprubahan ni Emelda ang 1 week leave nila. Nais nilang mag tungo sa mga lugar upang makabawi sa anak. Nawawalan na kasi sila ng quality time para rito at para narin sa kanilang dalawa.

"Mag boracay kaya tayo mahal?" suhestiyon ni Chilson habang minamasahe ang kamay ni Sanya.

Magandang plano iyon ngunit tutol ang kalooban ni Sanya dahil paniguradong mauubos agad ang mga perang naipon nila sa nag daang taon. Ngumuso siya at parang bata na umiling. Kusang umangat ang mga sulok ng labi ni Chilson sa tanawin.

"Mahal naman, ang outing hindi lang panay swimming" reklamo ni Sanya. Siya naman ang nagmasahe sa kamay ni Chilson. Nakatali ang buhok niya ngunit may mga hibla parin ang tumakas na sumasayaw sa hangin.

May punto si Sanya kaya't natahimik si Chilson at nag iisip pa ng ibang options, ano pa bang magandang gawin bukod sa swimming? "Hmm" tahimik na nag aantay si Sanya sa isasagot ng asawa habang siya ay nag iisip rin ng magandang gagawin.

"Mag hiking kaya tayo/Mag camping kaya tayo?" sabay nilang sabi.

Nagkatinginan sila at natawa.

"Sige ikaw mauna" sabay muli nilang sabi kaya't mas natawa pa sila.

Hindi na muna umimik si Chilson para makapagsalita ang asawa. "Pwede rin naman tayong mag hiking tapos don narin tayo mag camping" paliwanag nito.

"Ang talino talaga ng asawa ko" papuri ni Chilson. Pinulupot niya ang braso sa balikat ni Sanya at inilapit sa katawan niya. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Sanya ngayon at excited na siya para sa darating na leave.

Saktong pagbaba ng mga asawa sa tricycle ay pag dating din ni Melody at Marites. Nagkatinginan silang apat at nagulat.

"M-mama" aniya ni Melody at nagpumiglas sa mga bisig ni Marites. Gusto niyang mag pakuha sa ina dahil namiss niya ito.

"Hello baby namiss ka din ni mama" saad ni Sanya habang kinukuha si Mel. Napakalikot ng bata kaya muntik pa itong malaglag buti nalang at maagap na nasalo ito ni Chilson. "Mel alam naming miss mo si mama pero mag ingat ka ha? Ikaw talaga habang tumatagal napakalikot mo" aniya sa malumanay na boses.

Napansin naman ni Chilson ang bitbit na supot ng ina. "Wow ang bango niyan nay ah!"

Itinaas ni Marites ang supot at pinakita kay Chilson "Ulam natin, wala naman sigurong problema ang asawa mo dito ano?" pinasadahan niya ng tingin si Sanya at umismid. Mabuti na lamang at hindi pa nakakasalita at masyadong nakakaintindi si Mel, kundi nabuko na siya sa panlalait niya kay Sanya.

Pumagitna si Chilson sa ina at asawa at ngumiti ito ng malapad. "Nay hindi basta bastang babae si Sanya, kahit ano pang ulam ipakain mo sakanya kakainin niya kahit, asin at mantika lang, diba mahal" nilingon niya si Sanya ng may ngiti sa labi. Tumango naman ito bilang sagot.

"Gutom nako nay tara na ng matikman ko na ang masarap na masarap nating ulam" inakbayan niya ang ina at nagpatiuna na pero saglit siyang sumulyap kay Sanya at kumindat.

Tipid na ngumiti si Sanya bago sumunod sa kanila. Sa totoo lang na offend talaga siya sa nais na iparating ng biyenan. Parang sinasabi nitong maselan siya sa pagkain. Pasalamat nalang niya kay Chilson at kahit papano'y gumaan ang nararamdaman niya.

--

Sa isang magarang hotel nag dinner ang mag asawang Adviento. Isa itong 5 star hotel restaurant at lahat ng bilihin ay mahal. Kahit na isang maliit na piraso lang ng karne ay umaabot na sa libo.

Elegante at may postura na kumakain ang mag asawa. Pati na ang mga kutsara't tinidor na gagamitin para sa appetizer, main dish, side dish at dessert ay mag kakaiba.

Tikim [R-18] (ON GOING) Where stories live. Discover now