CHAPTER 1: First Day Of School

5K 224 20
                                    

COBY'S POV

Napapakamot na ako sa ulo habang sunod sunod ang naging pagbuntonghininga. Kanina pa ako paikot ikot dito sa eskwelahan ngunit hindi ko pa rin makita kung nasaan ang Dean's office. Isang ikot pa at talagang mahihilo na ako.

Sino bang hindi iikot 'yong mundo kung ganito kalaki ang skwelahan niyo?! Putangina, kasalanan talaga 'to ng magulang ko. Ang tahimik na ng buhay ko sa Canada tas bigla bigla nila akong sisipain pabalik ng Pilipinas. '

Yong totoo, may sayad ba sila?!

Kung nagtatanong kayo kung sino ako at bigla bigla nalang sumulpot sa Chapter one ng walang pasabi,  ako si Coby Rodriguez. Nasa unang taon ako ng kolehiyo at mag-aaral dito sa paaralang tinatawag nilang IUSA o International University of Southeast Asia.

Ilang minuto makalipas ng pag-iikot ko ay kinuha ko na ang phone sa bulsa at dinayal ang number ng Kuya kong gago na iniwan ako kaninang umaga. Napagtanto kong napakatanga ko rin dahil ngayon ko lang siya naisip na tawagan.

"KUYAAA!" bungad kong bulyaw sakanya.

"Oh bakit, Coby?" pabulong ang pagkakasaboses niya sa mga salitang 'yon. Naririnig ko sa background ang boses ng lalakeng guro kaya panigurado ay nag-uumpisa na ang kanilang lecture. Nasa fourth year na si Kuya at graduating student kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit first day pa lang ay todo aral na sila. Hindi gaya sa ibang years na may pa Introduce yourself pa.

"Bakit mo naman ako iniwan kaninang umaga? Nahihilo na ako kakalibot dito sa IUSA! Alam mo namang wala akong alam sa paaralang 'to eh." kamot sa ulo  kong pagrereklamo.

"Magpaturo ka nalang sa mga estudyante diyan, Coby." aniya sakin.

"Ayoko! Nakakahiya." tanggi ko

Wow, nahiya pa ang makapal kong mukha?

"Hindi kita pwedeng puntahan kasi nagsisimula na ang klase namin.  Kuya has to go, okay? Take care, I love you."

"Pero kuya—"

Toot toot.

Binabaan ako.

"Pakyu ka!" inis kong bulyaw sa mismong selpon kahit alam kong hindi naman niya maririnig.

Wala akong nagawa kundi muling maglakad lakad. Umaasang may darating na himala at dalhin ako ng mga paa ko sa Dean's office.

Hindi gaya nung bagong dating ako, hindi na masyadong madami ang mga estudyanteng palakad lakad. Nasa kani kanilang mga  classroom na yata.

Sana ol!

Nahagip ng mata ko ang isang weirdong nakaupo sa isang bench.
Mag-isa siya at hawak hawak ang binabasang libro sa kaliwang kamay habang ang kanan naman ay nasa isang pahina.

"Uh... Hi." nahihiya man ay kinapalan ko na ang mukha ko at kinalabit siya. Nung mag-angat siya ng tingin sakin ay sumilay ang kakaibang ngiti sa labi niya.
"Pwede ba magtanong?"

Tumango siya. "Oo naman."

"Baguhan kasi ako dito. Kanina pa ako naliligaw. Saan ko ba makikita ang Dean's office? " Tanong ko sakanya at tumitig lang siya sakin. Ilang segundo niyang ginawa 'yon at nagsimula na akong kabahan.

"Hanggang ngayon hindi mo pa rin pala kabisado ang school na'to." Natatawa niyang sambit.

Hala siya! may saltik ata ang isang 'to.

Mali yata ako ng pinagtanungan.

Umayos ako ng tayo.

Baka naka drugs siya. Mahirap na baka pagtripan pa ako. Hindi yata mahigpit ang security nila dito. Yung mga adik adik nakakapasok eh.

FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b) Where stories live. Discover now