CHAPTER 34: Schatzi

1.2K 110 21
                                    

WARNING: Mature scenes ahead! You're free to skip if it makes you uncomfortable. Enjoy Reading! 😉

(Play the song In The Name of Love Slowed version for better reading)

COBY'S POV

Pagkatapos ng kaguluhan sa loob ng IUSA ay heto ako, hinahatid ni T-Rex pauwi sa bahay. Simula pa kanina ay tahimik lang kami. Pinapakiramdaman ang isa't isa. Walang gustong magsalita. 

Naguguilty ako sa mga sinabi ko kanina. Hindi niya alam ang tungkol sa panonood ni Baril sakin nung araw na binugbog ako para hindi na magkagulo pa pero sana sinabi ko nalang pala. Hindi tuloy ako mapakali. 

Nung makarating kami sa harap ng gate ng mansion namin ay napagdesisyonan kong magpaliwanag sakanya. "T-Rex tungkol dun sa kanina-" 

"Wag ka na magpaliwanag, Coby." nagitla ako sa sinabi niya at napatingin sa nakangiti niyang mukha. "Sasabihin mo naman sakin 'yon kapag alam mong makabubuti pero dahil baka pagdulutan 'yon ng away ay hindi mo na sinabi. Naiintindihan ko." nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. 

Kinuha ko ang kamay niya. "I'm sorry, T-Rex." paghihingi ko ng tawad na mas ikinangiti niya pa sabay gulo sa buhok ko. 

"Ayos nga lang 'yon, Coby." 

"Hindi ata ayos 'yon,eh." 

"Hahah ang kulit mo." napangiti nalang din ako nung marinig ko ang tawa niya. "Sigurado ka bang ayos ka lang dito sa bahay niyo?" maya maya'y aniya sabay sulyap sa bahay namin.

"Oo naman, hindi naman ata ako susugurin ng mga rapist dito." ani ko ng pabiro na ikinasama ng mukha niya.

"Wag ka nga magbiro ng ganyan. Loko loko 'to." reklamo niya. "Saka isa pa.." binitin niya ang sinabi niya sabay ngiti ng pilyo. "Ako lang ang pwedeng manrape sayo kapag pwede na."

Aba! loko loko din ang tangina!

"Manyak ka ding dinasaur ka, eh." ismid ko. "Rape rape ka diyan, hindi pa nga tayo, eh!"

Lumapad na naman ang ngiti niya sa labi. "So kapag tayo na pwede na?" 

"Ewan ko sa'yo diyan! Papasok na ako! Ang dami mo ng kamanyakang nalalaman tangina ka!" 

"Biro lang naman,eh." 

"Biro mo mukha mo!"

Pagkatapos ng ilan pang pakikipagbangayan kay T-Rex ay pumasok na ako sa loob. 

"Sir, magandang hapon po." bigla akong binati ni manong guard. "May nagpadala po pala ng stuff toy dito, pagkatapos ko pong i-check ay dinala ko na po sa kwarto ninyo." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

stuff toy?

"Sige ho ,manong. Salamat po." bahagya akong yumuko at naglakad na diretso sa mga kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko. 

Ang sinasabing stuff toy ni manong guard ay 'yong pikachu na mas malaki pa sakin na nakita ko sa mall noon. Hawig na hawig nito ang pikachu na sinabi ng saleslady na pina reserve. 

Anong ginagawa ng stuff toy na'to dito?

May nakita akong maliit na papel na nakasabit sa may leeg ni pikachu at binasa ang nakalagay doon. 

To: Coby 

I'm coming back, Schatzi..
I'm gonna steal you from all of those who tried to own you..
I'm gonna take back what's mine..

Lubos akong naguluhan sa nabasa ko.

Kanino naman kaya galing 'to? Tsaka bakit tinatawag niya akong Schatzi? Ano bang ibig sabihin ng salitang 'yon?

FORBIDDEN #2: If He Only Knew (b×b) Where stories live. Discover now