Chapter VI:Home Sweet Home

1.1K 32 0
                                    

Nicolette's POV
Jesus!ito ba yung sinasabi nyang lilipatan namin?

"Hey,are you okay?hindi mo ba nagustuhan?"

"Of course not, I like it I really really love it"sabi ko na manghang-maha pa rin sa nakikita ko.

Sino ba namang tao ang hindi magugustuhan ang ganto kagandang bahay?bukod sa napakalaki nito e napaka linis pa.

"I see,halata naman sa reaksiyon mo"

Eh halata naman palang gustong gusto ko tong bahay tinatanong nya pa kung nagustuhan ko daw ba,papansin lang ganon?.

~~~~~~~~
Matapos naming makapag ayos ng mga gamit namin ay bumaba din agad kami sa sala para kumain.Since wala namang nagluto ng pagkain namin,nagpa deliver nalang itong si Zoey.

"Bat di ka kumuha ng katulong?"tanong ko sa kanya habang sumusubo ng pizza.

Ang yaman yaman nya tas wala syang katulong.

"Ayoko lang na may ibang tao dito sa bahay"napatango nalang ako sa sinabi nya.

"And you know,para na rin masolo kita"pahabol pang sabi nito habang itinataas-baba ang kilay nito.

Nakakainis tong babaeng to,lagi nalang akong pinapakilig.At dahil feeling ko ay namumula na naman ang pisngi ko ay agad ko nang iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Uhmm...by the way,may pasok na nga pala ako bukas sa office"oo nga pala,so next week na rin pala ang pasok ko sa school.

Napansin naman nito na hindi ako kumikibo.

"What's wrong?bat di ka nagsasalita?"kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam ko na naka kunot ang noo nito.

Ano bang gusto nyang marinig? good luck ganon?take care?

"May iniisip lang ako"palusot ko dito.

"Sino?"napatingin naman ako sa kanya,nakataas ang isang kilay nito at halatang nag iintay sa sasabihin ko.

"Sino agad?hindi ba pwedeng ano?"

"I just wanna make sure na hindi ibang tao yang iniisip mo"seryoso nitong tugon.

At bago pa man ako maka pag salita ay agad na itong umalis sa harapan ko at saka pumanhik sa kwarto namin.

Anong problema non?iniisip ko lang naman na kung di pala sya kukuha ng katulong ibigsabihin ako mag lilinis ng pagkalaki laking bahay nato?haay!ito talagang si Zoey minsan di ko na maintindihan ugali nya.

She Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon