Chapter X: Surprise!

1K 27 2
                                    

Nicolette's POV
Pasado alas syete na ng gabi ng makauwi ako sa bahay,oo sa bahay namin ni Zoey.

Tss!wala din naman akong choice kundi ang bumalik dito.Ayokong magalit sakin ang parents ko kaya kahit ayokong umuwi e no choice talaga ako.

Nagtaka naman ako ng makitang walang ilaw ang buong bahay.Saan na naman kaya nagsususuot yung babaeng yun?.Tsk!iniisip ko palang na magkasama na naman sila ng babae nya kumukulo na agad ang dugo ko grrr!..

Kinapa ko ang cellphone ko na nakalagay sa bag ko para sana magsilbing ilaw ko,sa totoo lang kasi ang dilim-dilim dito sa loob ng bahay.

Psh!pagminamalas ka nga naman oh,lowbat nga pala to,wala naman akong nagawa kundi ang kapain ang switch na nakalagay malapit dito sa pinto.

Pagkabukas ko nang ilaw,unang tumambad sakin ang mga rose petals na nagkalat sa sahig na ikinakunot ng noo ko.

Anong meron?

Naglakad pa ako papunta sa sala at hanggang doon e may mga rose petals din na nagkalat,napansin ko naman ang pagkakaayos ng lamesa.

Ang ganda naman parang pang romantic yung pagkakaayos nya,may mga kandila din na nagsisilbing liwanag dito sa sala.

"Do you like it?"dinig kong sabi nito sa likuran ko.

So sya pala may pakana nito.Humarap naman ako dito,may dala-dala syang bouquet of flowers.

"For you"abot nya sakin ng bulaklak na hawak nya na agad ko din namang kinuha mula sa kanya.

Wait lang,mga favorite flowers ko to ah,pano nya nalaman?

"Have a sit"hinila nya yung upuan na malapit sakin at saka ako inalalayang umupo at saka umupo din ito sa kabilang side ng table which is kaharap ko.

"Anong meron?"curious kong tanong dito.

Hindi ko naman birthday para i-surprise nya ko ng ganto,matagal pa rin yung anniversary namin.

Hindi kaya birthday nya ngayon?

"Birthday mo?"tanong ko na ikinatawa naman nya ng mahina.

Hinawakan naman nya ang kamay ko na nakapatong sa table.Ugh!bat pag dumadampi ang mga balat nya sakin e parang nakukuryente ako?napahigpit nalang ang pagkakahawak ko sa bulaklak na bigay nya.

"No, this will serves as my peace offering.I hope you like it"nakangiting sabi nito.

Well sa totoo lang first time kong maka experience nang ganto.Napansin naman nito na naka tingin lang ako sa kanya.

"Look, I know na nasakatan kita the last time you saw me with Yana,and yeah I admit it,she's my girlfriend.Actually hindi paman tayo nakakasakal may relasyon na kami.Hindi ko sya nakikwento sayo cause I thought hindi na sya babalik"hindi parin ako kumikibo sa halip ay tinitigan ko lang ito.

"Okay,ganto nalang,hahanap lang ako ng tyempo para makipag hiwalay kay Yana,okay?just trust me"sincere nitong sabi sakin.

Hindi ko alam kung anong irereact.seryoso?gagawin nya yun para sakin?e kung tutuusin mas matagal na ang relasyon nila kumpara samin at higit sa lahat mahal na mahal nila ang isa't isa.

~~~~~~~~~~~~
Nagising ako dahil sa mahigpit na pagkakayakap sakin ni Zoey.

"Zoey"gising ko dito.

"Hmmm"tanging tugon lang nito.Hindi ba sya papasok sa office?kasi ako,oo may klase kaya kami.

"Hindi ka ba papasok ngayon?kasi ako may pasok ako at hindi ako pwedeng umabsent"sabi ko at akmang aalis na sa pagkakayakap nya pero hinila nya ako pabalik sa kanya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

She Is A Mafia BossМесто, где живут истории. Откройте их для себя