Chapter VIII: Please Come Home

1K 33 0
                                    

Nicolette's POV
Mag iisang linggo na rin pala akong nandito kila Kate at ngayon ko lang narealize na pasukan na namin pala bukas.Kaya ngayon eh aligaga akong naghahanap ng uniform ko dito sa maletang dala ko.

Sheyyt!nasan na ba yun?

"Baka naman kasi naiwan mo sa bahay nyo bess"sabi ni Kate habang tinutulungan akong maghanap.

Baka nga naiwan ko,urggh!kainis ayoko pa namang umuwi makikita ko lang don si Zoey.

Sya nga pala diko nababanggit yung tungkol samin ni Zoey dito kay Kate at ang reason naman na sinabi ko sa kanya kaya ako nandito nakikituloy e sa naglayas ako oh diba napaka sinungaling kong kaibigan? welcome naman ako dito , since sya lang naman magisa dito so pabor na pabor sa kanya na nandito ako.

"Eh pano yan ayokong umuwi samin e"pagmamaktol ko naman,nakakainis bakit kasi nakalimutan kong magpapasukan na pala.

"Don't worry bess, meron naman akong extra"pang-aasar naman nito sakin dahilan para mapataas ang isa kong kilay.

Duhh!hindi kaya kami mag ka-size.Well hindi naman sa pagmamayabang ah,malaki kasi ang agwat ng katawan namin ni Kate,medyo slim kasi yung katawan ko kumpara naman sa chubby body ni Kate.

Napahagalpak naman ito ng tawa,see?natawa sya sa sarili nyang kalokohan.

"Well kung ayaw mo edi no choice ka kundi ang umuwi sa inyo"pang-aasar pang sabi nito.Sinamaan ko lang sya ng tingin.

Napaisip naman ako sandali.Kung linggo ngayon malamang nasa bahay si Zoey,day-off non ngayon e.

Napakamot naman ako sa ulo ko.Aishh!ano bang gagawin ko ayoko talagang makita si Zoey e.

"Hoy bess ano na?bat parang problemadong-problemado ka dyan?eh uuwi ka lang naman sa inyo at kukunin yung uniform mo"
Well may point naman si Kate,e ano ngayon kung makita ko sya..

"Sige uuwi muna ako mamaya"bahala na kung anong mangyayari.


~~~~~~~~~~
Nandito kami ngayon ni Kate sa sala nila at nagmemeryenda and after that uuwi muna ako sa bahay para kunin yung uniform ko.

*Dingdong*dingdong*

Tatayo na sana si Kate pero naunahan ko sya

"Ako na,uuwi na rin tuloy ako"sabi ko dito nang nakangiti.

"Okay thanks,ingat ka sa pag uwi ha"pahabol naman nito.

Agad ko ding pinagbuksan ng pinto yung bisita ni Kate.

Nagulat ako nang makita kung sino yung nagdodoorbell.

Anong ginagawa nya rito?

Zoey's POV
Kitang kita sa mukha ni Nicollete ang pagkagulat ng makitang ako ang nagdodoorbell.

Should I say surprise?tsk!wala ako sa mood para makipagbiruan sa kanya.Nandito ako para pauwiin na sya sa bahay.

It's almost a week since nong umalis sya sa bahay.Masyadong delikado kung wala sya sa pamamahay ko that's why gumawa ako nang paraan para hanapin sya.

Actually dapat nong unang araw palang hinanap ko na sya kaso nga lang busy ako sa opisina at ngayong may time na ako para hanapin sya e ito na nga sinusundo na sya.

Well madali ko lang namang nalaman tong address ng kaibigan nya. I have a lots of connection Kaya kahit san pa sya magpunta mahahanap at mahahanap ko sya.

"Anong ginagawa mo dito?"kunot-noong tanong nito sakin.

"Uuwi na tayo"sabi ko sabay hawak sa kamay nya na agad din naman nyang iwinaksi.

"No!hindi ako uuwi!"napakunot-noo ako dahil sa tono ng pananalita nya.

So hanggang ngayon galit pa rin sya sakin.tsk!

"Bess,sino ba yang kaaway mo?"sulpot naman ng isang babae mula sa likod ni Nicollete.Sya siguro si Kate.

"Bess sino yan?"pabulong nitong tanong kay Nicollete nang makita ako.

"I'm her..."

"Friend"dugtong naman nito sa sasabihin ko dapat.

So gumaganti sya sakin?Sabagay okay na rin yun.

"Alam mo ang mabuti pa ay umuwi kana kasi hindi rin naman ako sasama sayo"bat ba ang tigas ng ulo ng babaeng to,di nya ba alam na delikado ang buhay nya?.

"Bess,bat di mo kaya sya papasukin dito sa loob noh? uhmm,halika pasok ka dito sa loob"pagyayaya naman sakin ng kaibigan nya.

"No,uuwi na sya!"nauubusan na talaga ako ng pasensya sa babaeng to e.

"Please Nicollete umuwi kana,alam mo bang hinahanap kana ng parents mo sakin?ano nalang sasabihin ko sa kanila?"pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga sya hinahanap sakin.

Malaki talaga ang tiwala nila sakin na hindi ko papabayaan ang anak nila.Aissh!wala na kong maisip na ibang paraan para lang mapauwi sya.And I know na kapag usapang pamilya  na,she will do everything kahit nga ang magpakasal sa kapwa nya babae gagawin nya para lang sa pamilya nya knowing that she is a straight person.

Ganyan nya kamahal ang mga magulang nya.

Nakita ko namang biglang nagbago ang timpla ng mukha nito from angry face to worried face,see?she loves her parents so much.

She Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now