Hotdog

909 50 5
                                    

Chapter 5: Hotdog

"Hayssst!, panaginip lang ba yung nangyari kagabe?"
Muli kong pag-aalaala sa mga nang-yari pag-kagising ko sa kama. Agad naman akong tumayo at tiniklop ang aking hinigaan.

"Ate Liah baba ka na daw po kakain na"
pag-anyaya saakin ng kapatid ni Jacob. Agad naman akong bumaba at nadatnan si Jacob sa may Hapag-kainan.

"Ay wow ang sarap naman ng almusal si Jacob talaga alam talaga ni Mama este tita kung anong gusto ko"
sabi ko sa isipan ko habang nakatitig kay Jacob.

Agad akong naupo sa tabi niya

"Gandang umaga Liah, pero mas maganda ka"
pag bati ng baklang si Jacob. Hoy puta anong nakain nito?

"Tita ano pong pinakain nyo kay Jacob?"
Tanong ko sa nanay ni Jacob dahil sa pag-kabigla.

"Hotdog"
tanging sagot nito. Taray dapat siguro bumili nako ng Isang truck ng hotdog.

"Ma, ihahatid kolang si Liah"
pag-papaalam nito.

"Sige nak"
sagot ng kanyang ina sabay ngiti.

"Kuya ingatan mo Girl Friend mo"
pang-aasar ng kapatid ni Jacob. Agad naman akong tumingin sa ekspresyon ni Jacob ngunit parang hindi naman tulad ng dati na agad syang nandidiri. Napansin ko ang biglang pamumula ng pisngi niya.

Ponyeta tong baklang tohhh hindi ako papayag na makalamang to saken, hindi nako papayag na ako yung ma fall hindi sya
muli kong sabi sa isip ko habang nakatitig padin kay Jacob

"So, Liah mabigat bayang dala mo?, gusto mo ako na mag-dala?"
Hoy putaena bibili natalaga ako madaming hotdog mamaya.

Pagka hatid niya saakin ay agad siyang nagpaalam hindi pa nakakalayo ay lumingon muli siya saakin, bigla kong naalala ang lion fur design ng boser niya kaya imbis na ba-bye "RawRrrrRr!" Ang nasabi ko sabay kalmot sa hangin.

Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya kahit medyo malayo na sya saakin.

I'm IWMGBFWhere stories live. Discover now