the boy friend

643 28 1
                                    


Chapter 11: The boyfriend

2 weeks na ang nakalipas mula nang inamin ni Jacob ang nararamdamn niya para saakin. Sa ngayon ay Naglalakad kami ni Jacob sa may plaza ng magkahawak kamay. Nang may isang gwapong Binata ang dumaan sa aming tagiliran. Agad namang napalingon si Jacob.

"Sabi mo ako lang?"
Sabi ko habang pinipihit ang ulo niya patingin saakin.

"Oo, ikaw lang kaso ang Pogi talaga"
sagot nito.

"Gaga!"
Wika ko.

"Pero mahal naman kita"
agad naman niyang bawi.

"Yieeee"
imik ko.

"Kaso pogi talaga eh!"
Sambit muli nito.

"Haysst! Jacob tara na nga iayos na natin yung mga gamit mo sa  magiging apartment mo"
Wika ko sabay hatak ng kanyang kamay.

Makalipas ang ilang Oras--

"J-jacob sigi i-ipasok mo"
hingal na pagsasalita ni Liah

"Kaya mo paba?"
Tanong ni jacob

"Oo, medyo mabigat lang tong dala ko"
wika ni Liah.

"Tulungan na kita diyan, ibababa kolang tong dala dala ko"
ani ni Jacob.

"Sigi salamat"
Ani ko sabay ngiti sakanya.

"Knock, knock!"
Nakarinig kami ng katok mula sa pinto.

"Liah, ikaw na tumingin mag C-cr lang ako"
sambit ni Jacob sabay lakad niyo tungo sa palikuran.

"Sigi"
maikli kong sagot sabay bukas ng pinto. nagulat ako ng makita ang Gwapong binata kanina na nakita namin sa may plaza.

"Sino po sila?"
Tanong ko. Kasabay ng pag bukas ng pinto.

"Si Jacob? Nandiyan poba"
sagot nito, grabe yung boses beh ang gwapo pakengshet!.

"Bakit po?, anong kailangan nyo?"
Tanong ko pabalik.

"Bf ako ni Jacob, ako si Koby nandiyan ba sya?"
Ani nito. Nakaramdam ako ng lungkot nung mga oras na iyon.

"B-bf po?"
Nauutal kong pagsasalita.

"Oo 3years nadin nung iwan ko sya para mag-aral sa ibang bansa, at sa pagkakatanda ko hindi naman kami nag break"
sagot nito.

"W-wala po siya! Balik nalang po kayo sa susunod"
ani ko, agad naman siyang naniwala kaya agad ding umalis.

"Sino yon?"
Tanong ni Jacob na nasa likuran ko pala.

"W-wala lang yon"
malungkot kong sambit.

"Ahhh lika na kumain muna tayo nakangiti nitong pagyayakag.

"J-jacob may tanong ako"
kinakabahan kong pag-sasalita.

"Ano yon?"
Mabilis nitong sagot.

"S-sino si Koby?"
Natahimik siya sa tanong ko.

"W-wala ex BF ko iniwan ako para mag aral sa ibang bansa, bakit mo naman na itanong?"
Tanong niya pabalik.

"W-wala lang kwento kasi saakin ng mga kaibigan mo"
pag-papalusot ko.

P-pano pag bumalik ang unang lalaking minahal at nag-paramdam kay Jacob na ispesyal siya. May laban ba ako? Ako padin kaya ang pipiliin nya?

I'm IWMGBFWhere stories live. Discover now