Chapter Nine

3.5K 92 2
                                    

Nang mga sumunod na araw ay laman ng pahayagan at telebisyon ang pagpapakita sa publiko ni Jared Francisco. Everyone was taken aback by the handsome face behind the beautiful voice. Tingin ng lahat dito ay anghel na basta na lang bumaba sa lupa. Hindi na nabigla si Nikki. Jared Francisco was indeed one of the most beautiful species that walked the country.

Ang hindi niya inaasahan ay ang pagtangkilik ng publiko sa manager ni Lex. Ito ay dahil na rin si Matt ang sumasagot sa halos lahat ng tanong patungkol kay Lex. Matt looked so handsome and regal beside Lex during their press conferences. He was somewhere between approachable and aloof, na nakadagdag lang lalo sa charm nito. Hindi din ito nakaligtas sa mga tanong ng mga press people tungkol sa personal nitong buhay. Inamin nito na may kasintahan na ito, sa panghihinayang ng lahat.

Sa tuwing nakikita ni Nikki si Matt sa telebisyon ay hindi niya mapigilan ang sariling masaktan. Parang ang layo-layo na kasi ni Matt sa kaniya. Idagdag pa na kasintahan ito ng matalik niyang kaibigan. Mali ba siya ng ginawa dati? Dapat ba ay hinayaan na lang niya si Ryan sa gusto nitong gawin?

She vanquished the thought mentally. Kahit anong man mangyari, she would never regret that she protected him, even if it meant losing him in the process. Sapat na sa kaniya na makitang nagtagumpay ito.

***

Pagdating ng sumunod na Lunes ay inabala ni Nikki ang sarili sa mga naiwang trabaho. Si Lex at Matt naman ay nalaman niyang kung saan-saan nagpupunta para sa mga shooting locations. Mabuti na rin siguro na hindi niya nakikita si Matt dahil hindi na niya alam kung paano ito papakiharapan ngayon.

Pasado alas-sais na nang matapos siya sa trabaho. Dumiretso siya sa parking lot sa tapat ng building at sumakay sa kotse na ipinahiram sa kanya ng kumpanya para sa mas madaling coordination. She started the ignition, pero ayaw kumagat ng makina. Kumunot ang noo niya habang paulit ulit niyang pinipilit paandarin ang sasakyan.

Lumabas siya ng sasakyan at sinipa ang gulong. Great! Nastranded sa elevator, pagkatapos ay nasiraan naman siya ng sasakyan. Bakit ba ang malas-malas niya ngayon?

"Need help?"

Lumingon si Nikki sa pinanggalingan ng tinig. Nasa loob ng kotse nito si Lex at dumukwang sa kanya. He looked amused as he looked at her and her car.

"Ayaw mag-start ng makina," nahihiyang sabi niya dito.

Nakita niya nang bumaba ito at nagtangkang pumasok sa sasakyan niya. Pinihit din nito ang ignition pero ayaw kumagat ng makina. Nang magtangka itong itaas ang hood niya ay sinubukan niyang pigilin ito. Nakakahiya naman. The international singer was fixing cars? The thought was ridiculous.

"Naku, 'wag na," agap niya dito. "Iiwan ko na lang 'yan dito."

"Are you sure?"

Tumango siya. Nagpaubaya naman ito. Pagkatapos ay tumalikod ito sa kanya at may tinawagan. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.

"Miss Dominique!" Narinig niyang sigaw ni Lex.

Tumigil si Nikki sa paglalakad at hinarap ito. Lumapit ito sa kanya.

"Call me Nikki."

"Nikki, I can't take you home. May pupuntahan pa kasi akong dinner with the sponsors," tila nahihiyang sabi nito sa kanya.

Lumapad ang ngiti niya. Siya na nga ang hihingi ng tulong pero ito pa ang hiyang-hiya sa kaniya.

"No, it's okay. I can go—"

"But someone will pick you up instead," agap nito sa sasabihin niya.

Magtatanong pa sana siya nang may isang sasakyan ang tumigil malapit sa kanila. Ibinaba ng kung sino mang nasa loob ng kotse ang bintana. Nag-sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya nang makita na si Matt ang bumaba.

To Find You Once AgainWhere stories live. Discover now