Chapter Eleven

3.6K 84 5
                                    

Inunahan na ni Nikki si Lex sa venue kahit na sinabi nito na susunduin siya. Pinaniwala niya na nasa bahay pa siya, para wala itong maabutan sa apartment niya. That would be her revenge on Lex purposely dragging her to the event.

Wala naman siyang kakilala sa mga tao sa venue dahil panay producers ang mga ito from I-Productions. Lahat ng mga ito ay mga bago pa at nag-invest ng malaki para sa pelikula na gaganapin ng isa sa mga pinaka-sikat na tao ngayon sa bansa. Nagtuloy-tuloy si Nikki sa bar at doon umupo. Pagkatapos ay um-order siya ng light drink.

The venue was filled with Lex's music. Ipinapatugtog ang mga kanta nito from the first album. Hearing Lex's songs made her so proud of Matt. Alam niyang karamihan sa mga kanta ni Lex ay ito ang nag-compose. The songs had Matt's distinct brand. The dim lights added a nostalgic effect to the songs playing.

May ilang sandali pa ay nakita ni Nikki si Lex na pumasok. Kasunod ng binate ang maraming reporters na hindi naman pinapasok sa loob. Dumiretso si Lex sa bar at tumabi sa kanya. Akala ni Nikki ay magagalit ito, pero pansin niya na ngingiti-ngiti pa rin si Lex. Nagtaka man siya ay hindi na siya umimik. Mga ilang segundo pa ay dumating na rin si Matt kasama si Erica. Naka-krus ang mga braso si Erica sa mga braso ng huli.

Matt was very handsome as he glided across the room. Hindi nakaligtas kay Nikki ang mga babaeng mukhang na-i-inggit kay Erica habang pinagmamasdan si Matt na naglalakad. He seemed unaware of everyone. Dinadaan lang nito ng tingin ang lahat ng tao na dinadaanan nito. He walked as if he was a god walking in front of his minions. Gwapo din si Lex, at nakukuha din nito ang atensyon ng lahat because he was the artist. But Matt had his own way with the crowd. Walang kahirap-hirap nitong nagagawang pukawin ang atensyon ng lahat.

Nang gumawi ang mga mata ni Matt sa bar ay nagtama ang mga mata nila. He was standing at the far end of the room, pero pakiramdam ni Nikki ay tila kay lapit-lapit nito sa kanya. Those dark eyes that were looking straight at her were unblinking. Tila hinahamon siya na maunang magbaba ng tingin. Ngunit ni hindi magawa ni Nikki na lubayan ng tingin si Matt. Not if her life depended on it.

Kung hindi pa hinila ni Erica si Matt ay hindi pa sila maghihiwalay ng tingin. May panghihinayang na inikot niya ang stool at nag-concentrate sa pag-inom. She didn't care if she looked like some alcoholic. Eversince Matt came back, dito na lang umikot ang buong pag-iisip niya. Kahit ano'ng gawin niyang paglayo dito, tila kay hirap na tuluyang layuan ito. Kung hindi siya, ibang tao ang gagawa ng paraan.

Nakalimutan niya na nga na nasa tabi pa rin pala niya si Lex na lalong lumapad ang pagkakangiti. No'ng una, akala niya ay matino ito. Pero mas malakas pa pala itong mang-asar kaysa kay Matt.

"Lagot ka." There was a playful twang in Lex's voice.

"Bakit naman?" she asked without looking at him.

"Pinaghintay mo si Matt sa wala. Alam mo bang siya dapat ang susundo sa iyo ngayon?" ngingiti-ngiti nitong sabi.

Pinandilatan ito ni Nikki ng mga mata. "Akala ko ba, ikaw ang susundo?"

"He-he. Gawa-gawa ko lang 'yon. Malay ko ba na may plano kang paputiin ang mga mata ko?"

Sa inis ni Nikki ay hindi na niya nagawang magsalita. Siraulo din 'tong Lex na 'to. Sino kayang malas na babae ang na-inlove dito?

Maya-maya ay nagsalita ulit si Lex.

"I saw something..." He sang the words. "Matt's looking here right now."

"Eh, ano naman?" masungit niyang gagad.

"I saw you staring at him a while ago. No, let me rephrase that. Hindi mo pa siya nilulubayan ng tingin simula nang dumating siya."

To Find You Once AgainWhere stories live. Discover now