ZIKA VIRUS

1K 1 0
                                    

"Aasa ka pa ba sa wala?"

         Maraming oras, araw, buwan at taon na ang lumipas, kasabay nito ang pagdami ng iba't ibang sakit na kumakalat na hindi nagagamot at walang lunas. Isang halimbawa nito ay ang Zika Virus, nanggaling sa Zika Forest, na may masamang epekto hindi lamang sa mga biktima kundi pati na rin sa mga batang nasa sinapupunan ng mga biktimang buntis.  Maaaring maipasa ng mga biktimang buntis ang Zika Virus sa kanilang magiging anak na nasa sinapupunan nila na magiging dahilan ng pagkakaroon nito ng sakit na Microcephaly o isang sakit na pagliit ng ulo at utak. Isa na ang Zika Virus sa mga sakitna naikalat na ng mga lamok na kalapit-bayan ng Miami at ito rin ang kailangang iwasan ng mga tao dahil hindi nila agad malalaman kung nadapuan sila ng Zika Virus sapagkat hindi malala ang mga sintomas nito kagaya ng lagnat, pananakit ng kasu-kasuan, pangangati at pamumula ng mata, at pagsakitng ulo. Kaya mas mabuting iwasan natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo ng mga eksperto na gumamit ng mga damit na mahahaba, gumamit ng insect repellent, at proteksyon kapag nakikipagtalik.
          Una, maiiwasan ang Zika Virus sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo ng mga eksperto na gumamit ng mga mahahabang damit upang hindi makagat ng mga lamok na may dalang Zika Virus.
          Pangalawa, maiiwasan ang Zika Virus sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo ng mga eksperto na gumamit ng Insect Repellent upang mapalayas ang mga lamok na may dalang Zika Virus at para hindi makalapit ang mga lamok.
          Panghuli, maiiwasan ang Zika Virus sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo ng mga eksperto na gumamit ng proteksyon sa pakikipagtalik kagaya ng condoms para masiguradong hindi maisalin ang Zika Virus o kaya ay mas magandang huwag makipagtalik sa taong may Zika Virus.
          Kaya mas mabuting alamin kung ano ang mga paraan at mga dapat gawin upang maiwasan ang pagkalat ng Zika Virus kagaya ng pagsunod sa mga payo ng mga eksperto na gumamit ng mahahabang damit, insect repellent, at proteksyon kapag nakikipagtalik dahil mas mainam itong gawin kaysa umasa na may gamot ang mga sakit na sa huli'y malalaman mong wala pala itong lunas.

Sanaysay (Essays) English & TagalogOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz