<1> What is Prologue?

86 4 5
                                    

•1•

      Ang nakakahalinang halimuyak ng rosas ang gumising sa akin at panandaliang na paralisa ang aking katawan ng maramdaman kong may kasama ako sa aking silid. Inilibot ko ang aking mata sa bung kwarto at nakita ko si Marcus, ang nakatatanda kong kapatid na may hawak na isang boquet ng pink at puting rosas sa bedside table ko, mukhang inalitan niya nanaman ang bulaklak nan aka lagay sa vase. After months of waking up to the same scene tila di pa rin ako sanay na makita ang kapatid ko na uma-akto ng ganito. Mas sanay ako na sakit ang sa katawan ang gumigising sa akin mula sa kamao ng sarili kong kapatid. 

    “Wth Marcus, why are you inside my room—“ I glanced at my wall clock at nakitang alas kwatro pa lang ng umaga, “—this freaking 4 am?” hindi ko mapigilang mapamura,

    Tila nakalimutan kong kasama ko si Kuya sa kwarto, huli na ng ma-realize ko na nagmura ako sa harap niya. Napatakip ako ng bibig ng makita ang nakamamatay niyang tingin, his crimson eyes are staring directly at my shivering form na parang isang lion na handing lapain ang isang tupa. Agad akong napatalukbong ng kumot ng humakbang papalapit si kuya sa kama. I heard him sigh bago ito magsalita,

    “It’s time to wake up. It’s our first day of our class remember?” nakahinga ako nang  maluwag ng marinig kong lumabas na si kuya mula sa aking silid. I waited for a few minutes hanggang sure na akong bumalik na siya sa sarili niyang silid bago tumayo mula sa aking kama. I’m not really used to this.   

    My older brother used to hate me—to the point na muntik na niya akong patayin nang isang beses. I don’t know what I did wrong, basta alam ko simula nung gradeschool pa lang ako tila araw araw na pangugulpi ang inaabot ko tuwing may konting mali lang akong nagagawa.                    I have thin white lines of scars on my body as a proof of that. Of course, my brother always made sure to hide his abuse to my body, palagi niyang sinisiguradong sa parteng hindi makikita ni Papa niya lang ako tinatamaan. At ang pagiging half-vampyre ko ay di rin nakakatulong dahil mabilis gumaling ang mga sugat ko.

    I tried to tell Papa about it pero palagi na lang siyang wala. He’s always on business trips at malimit lang kung umuwi sa bahay. Hindi rin naman ako pwedeng magsumbong kay Maria, my older brother’s mother dahil alam kong ang anak niya ang una niyang kakampihan. At isa pa I know Maria also hates me, she’s not really fond of the fact that her husband had a bastard son with a human. 

    Nakaya ko namang tiisin lahat. I don’t want to admit it but I got used to it. Akala ko magiging ganito na ang setup ng buhay ko hanggang dumating ang araw na makaka-ipon ako ng pera at lalayas mula sa puder ng pamilya ko. Pero nagbago ang lahat ng mamatay si Papa six months ago. 

    Nagabago ang pakikitungo ni Marcus sa akin, nagsimula ang lahat ng mag-usap si Papa at Marcus sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-usapan, bagama’t na-kyu-kyuryos ako takot din naman akong magtanong kay Marcus. After the death of his husband Maria decided to go back to their home in Japan to take care of the business empire na naiwan ni Papa. She said she doesn’t want to be saddled with the responsibility of taking care of two teens, a life that she never wanted in the first place. Pero hindi niya naman kami pinabayaan, consistent itong nagapapadala ng pera para sa living expenses at school fees.   

    As the eldest, Marcus had taken the role of becoming my guardian. Naging overprotective ito at tila daig pa ang isang inahing manok kung mag-alaga sa akin. I’d definitely say that our relationship completely turned 180 degrees. Gusto kong tanungin si Marcus kung bakit biglaan na lang siyang naging mabait pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka ma trigger siya at bumalik nanaman sa dati ang kanyang ugali. 

    Maraming nagbago sa relasyon naming magkapatid. Pero ang takot ko sa kanya ay isa sa mga bagay na hindi mawala-wala. I don’t know if I’ll ever recover from it.

Art Deco √bxbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon