<6>

24 0 0
                                    

(6)

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kotse, pagkaggising ko ay nasa bahay na ako at nakahiga sa sa couch na nasa living room. I checked my phone at 7 pm na pala mukhang napahaba ang tulog ko.

Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina, paglapit ko sa refrigerator may nakita akong sticky note na nakadikit sa ref, binasa ko ang nakasulat:

Sage,
May pinuntahan lang ako. Don’t wait for me.
-Marcus

Napakunot naman ang noo ko ng marealize na baka nag-night out si kuya Marcus. Hindi ko talaga gusto pag-umaalis ito sa bahay, lalo na’t ako lang naiiwan mag-isa. Marcus and I don’t talk much pag nandito kami sa bahay most of time kasi nasa kwarto lang ako o di kaya nasa lumang study ni Papa, pero comforting kasi para sa akin yung thought na kahit di kami nag-uusap alam kong nandito lang siya sa bahay at hindi ako nag-iisa.

Hindi naman ako ganito dati, kung tuusin nga ay halos lumayas na ako dati dito sa bahay pag-nandito siya, pero simula nung nawala na si Papa at na realize kong si kuya na lang ang natitirang pamilya ko, naging anxious na ako na maiwang mag-isa.

”Fck.” Napamura ako ng biglang nag-ring ang phone ko. Tinignan ko ang screen at nakita ko ang pangalan ni Lucian, I swiped the accept button and his face appeared.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya, base sa background na nakikita mukhang nasa kanyang kwarto siya,

“Wala. Kakagising ko lang. Napatawag ka?”

“hehe magpapatulong sana ako.” Napahinga ako ng malalim, alam ko na kung ano ‘to,

“—hindi ko kasi masagutan yung third activity na ina-“

“Ok fine.” hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lucian, expected ko na kasing magpapaturo siya paano kasi ay tulog ito kaninang nag-di-discuss yung teacher namin sa math.

“Let me change first,” hindi ko na dinrop ang phone ko, mabilis naman akong magbihis I chose to wear the old PE tshirt of Marcus na inarbor ko sa kanya last week. Napakalaki ng tshirt, abot hanggang taas ng tuhod ko ang laylayan nito kaya di na ako nag  suot ng shorts.

“Diyan ka pa?” tanong ko pagkabalik ko sa phone ko. Sinet-up ko yung phone sa taas ng study table ko at inilabas ang assignment na sinagutan ko kanina. Buti na lang tinapos ko ang lahat ng assignments ko kaninang morning at afternoon break kaya di ko na kailangang gawin yung assignments ko tonight.

“Yes sir.” Maypa yes sir pang nalalaman ang isang ‘to. Haynako.

At nagsimula na kaming mag-discuss ni Lucian ng mga sagot namin. Pagkatapos ni Lucian na sagutan ang mga assingments ay nag-aya itong maglaro ng battle royal at dahil wala rin naman akong magawa pumayag na lang din ako. Since wala akong sariling gaming console naisipan kong gamitin yung console ni kuya na nasa kwarto niya. He actually gave it to me pero dahil walang pang space hindi pa nalilipat yung xbox sa kwarto ko.

I grabbed the spare key to my brother’s room and went to his bedroom. Tulad ng dati ay napaka-linis pa rin ng kwarto ni kuya. Walang makikitang kalat o dumi sa kwarto niya. I turned on the Flat Screen at yung gaming console. Habang naghihintay ako na mag-load yung game nag-iisip ako kung itetext ko pa si kuya o hindi na. Tinignan ko ang oras at nakitang 9 pm na. I don’t really know how party/night out works pero base sa mga movie na napanood ko past midnight na usually umuuwi yung mga characters sa movie. So he might be home late.

We spent hours playing, natapos lang yung paglalaro naming ng inantok na kami ni Lucian. I don’t remember falling asleep in my brother’s bed nagulat na lang ako ng maramdaman kong gumalaw ang kama. With my left eye still closed I peeked at the other side of the bed at nakita ko si kuya na walang suot ng pang-itaas at nakahiga sa tabi ko. Ngumiti ito ng napansin niyang gising ako.

“Sleep.” Bulong niya. Dahil sa antok naramdaman kong unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko at tuluyang nilamon ng kadiliman ang aking diwa.

Art Deco √bxbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon