☆CHAPTER 10☆

318 10 0
                                    

Ppj's POV

Matagal tagal din kaming hindi nag usap ni kara kadahilanan ng hindi ko pag pansin sa kanya.Naguiguilty narin ako kase di ko rin talaga sanay na di ko siya nakakausap.Sa lahat ng mga nakakaway ko sa kanya lang ako nakakaramdam ng guilt balak ko na siyang pansinin today kasi di ko narin kaya at may gnun din kami hindi ko rin kayang magkasama kami sa programa ng hindi kami okay...

Pumunta muna ako ng starbucks at bumili ng kape niya at kape ko bilang peace offering.

Pagpasok ko ng starbucks ayy nakita ko ang EX!ni kara na niloko siya,at ng tignan ko kung sino ang kausap nito ayy nakilala ko agad dahil sa tindig at pananamit at hugis ng katawan niya.SI KARA!agad ko itong nilapitan habang di pa ako masyadong malapit sa kanila ay nagtanong ang ex ni kara kung hinihintay ba nito ang bf niya.

Mas binilisan ko ang lakad at agad agad kong hinawakan si kara sa bewang niya at hinalikan sa noo.

Babe andito kalang pala kanina pa kita hinahanap-sabi ko sa kanya at bakas sa muka nito ang pagkagulat

Nagpakilala ako sa ex ni kara na boyfriend niya ako at inaya naring umalis si kara kasi alam kong di pa siya ready na makita ulit ang ex niya.
Paglabas namin ng starbucks ay dumeretsyo kami ng parking lot ng biglang huminto si kara sa paglalakad at humagulgol sa iyak.

Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya...Ayoko siyang nakikitang umiyak dahil lang sa ex niya!inaya ko siyang sumakay at may pupuntahan kami tutulungan ko siyang makalimutan ang ex niya!

Habang humahagulgol si kara sa iyak ayy nag book nako ng hotel sa bagyo para pag dating namin don ay magpapahinga nalang kami tinext ko narin ang boss namin na mag leleave kami ng 1 week sinabihan ko narin si almira oara hindi siya mag alala.

Habang nag dridrive ay huminto muna ako sa mercury drugs at bumili ng pansamantalang pagkain at mga gamot pang emergency at pangkain sa byahe.Nag withdraw narin ako sakto may katabi itong Atm machine.

Pagpasok ko ng kotse tulog na si kara sa sobrang pagod at tagal niya ring umiyak.

Sakto may binigay si tresha kanina na dalawang cold jacket for me and kara.Dadaan lang ako sa bahay saglit at kumuha ng kumot para hindi ginawin si kara.

Pagdating ng bahay bumaba ako ng kotse at kinuha ang kumot pagbalik ko ng kotse gising na si kara!

Oh bat gising kana?

San tayo pupunta?

Basta,matulog kana muna dyan eto oh kumot para dika lamigin.

Kakagising ko lang papatulugin moko ulit?salamat mamaya ko na gagamitin di pa naman ulit ako matutulog.

Baka kasi maboring ka sa byahe eh

San ba punta natin?

Secret Hahaha

Eto pasecresecreto pa eh

Para masaya ;>

Syanga pala thankyou nga pala

Thankyou saan?

Sa pagligtas mo saken

Ahh yun ba?wala yun :>

Mag dridrive na sana ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko

Thankyou talaga at naging kaibigan kita andyan ka lagi para sakin through ups and downs.-kara

Pinatong ko naman ang kamay ko sa kamay niya.

Wala yon,ano paba at naging superman moko kung di rin kita tutulungan diba?sige na magpahinga kana at mahaba haba ang byahe natin.

Inalis niya ang kamay niya at ihiniga ang inuupuan niya.
Nagsimula nakong mag drive
After 2 hours nakaramdam ako ng antok kaya nag park muna ako sa isang gilid para umidlip.Iidlip nako ng mahagip ng paningin ko si kara.Napatitig nanaman ako sa mala anghel niyang mukha!Di magandang lumuluha siya sa maling tao.
Iniangat ko ang kumot neto at hinalikan siya sa noo at tuluyan ng umidlip.

After 10 to 20 mins gumising ulit ako para mag drive isang oras nalang at makakarating narin kami sa Baguio.
Time check 10:45 pm

Nakarating na kami sa baguio at dumeretsyo kung saan ako nag book ng hotel pagkarating namin sa hotel ay ginising ko na si kara.

Kara?gising na andito na tayo

A-hmm a-asan tayo?

BAGUIO

Bumangon ito ng mabilis at gulat na tumingin sakin hinaoas din niya ako sa braso

Baguio?!?!May work tayo ngayon!papagalitan tayo ni maam becca saka ang layo neto pano si almira?

Ohh kalma naayos ko na lahat ng yan bago tayo umalis okay?Si almira tinext ko na si maam becca naman nag file ako ng 1 week leave nating dalawa at pumayag naman siya.

Jussko pinakaba moko dun saka ano bang ginagawa naten dito?Wala akong dalang damit

Para tuluyan kanang makalimot diba sabi ko naman sayo ill help u to forget him?dont worry about ur clothes maraming mapagbibilhan dyan.

P-pano

Di kona pinatuloy ang sinasabi niya at bumaba na ng kotse pinagbuksan ko naman siya ng pinto at bumaba narin siya pumunta na kami sa information lounge at kinuha ang card namin.

Pagpasok namin ng kwarto ay ang laki neto pero iisa lang ang kama at may terrace din ito para sa overview...Pagpasok namin ay niyaya ko sa baba si kara para kumain dahil nakaramdam narin ako ng gutom.Ibinaba niya naman ang mga gamit niya at bumaba narin kami sa restaurant ng hotel.

Pagkatapos naming kumain nagyaya na umakyat sa kwarto si kara at sinunod ko nalang ito.

Pagdating sa kwarto ayy kinuha ko ang laptop ko at may aayusin pakong file at si kara naman pumunta sa terrace

After 30 mins natapos ko na yung file at nandun parin si kara sa terrace...Malayo ang tingin at tila malalim ang iniisip.

Niyakap ko naman ito habang nakatalikod siya at nagulat siya sa ginawa ko

Ayy naknampusa huwag kang nanggugulat! -kara

Eh bat ba kase ang lalim lalim ng iniisip mo dyan?

Naalala ko lang kasi yung nangyare kanina.- kara

Huwag mo na alalahanin yun okay?past is past remember?

Humarap siya sakin at napatitig ako sa muka at lalo na sa labi niya!

Kaya nga p-pero-kara

Hindi niya natapos ang sinabi niya ng bigla ko siyang halikan sa labi.SORRY I CANT HELP IT!!!
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi habang hinahalikan ko siya sa labi niya wala narin itong nagawa at hinalikan narin ako pabalik dahan dahan ko siyang ipinasok sa kwarto at inihiga sa kama itinigil ko ang paghahalik ko sa labi niya ng bigla siyang umiyak.

Sorry john i cant do this right now. -kara

I understand di naman kita pinipilit pero sana dumating yung time na makalimutan mo na siya at matuto kanang i appreciate yung iba okay?-ako at niyakap siya at yumakap nalang din ito pabalik,isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko at natulog na kami ng mahimbing dahil pareho kaming pagod sa byahe at pagod sa lahat ng nangyare.





(*medyo di maganda pakiramdam ko ngayon sorry bitin muna ha?lovelots*)

°☆My Superman☆Donde viven las historias. Descúbrelo ahora