Prologue

19 0 0
                                    

"Bat ganon? Ang sakit, pakshet. Nagmamahal lang naman ako pero anak ng tae halos mamatay ako" sambit ko sa sarili habang tinitingnan ko siya palayo sakin. Paalis. At walang kasiguraduhan kung babalik pa.

Isang masamang panaginip ang turing ko sa nangyari noon. Isang masakit na panaginip na parang pwede na akong mamatay. Sa katotohanang lahat ng saya ay bubugbugin ka ng sakit sa huli.

Pero kahit ganoon, mahal ko parin siya. Pangarap ko siya, kaya kahit mahirap patuloy ko padin siyang aabutin.

"Nako hija alam ko kung gaano kasakit ang naramdaman mo, pero alam kong lahat ng ito ay may rason. Alam kong may mas masayang ala-ala ang darating sayo. Sa panahong natin ngayon masyado ka pang bata para sumuko. Wag kang mag alala, sa pag papatuloy mo sa buhay, ipagdadasal kita." Napaluha ako sa sinabi ng ginang. Parang naging gamot ang kanyang mga sinabi sa aking nararamdaman. Para itong nagbigay ng pag-asa para makapiling ko siya. Ulit.

Sa bawat tawa, ngiti, halik at yakap na binigay niya sakin. Sobrang hirap akong kalimutan siya. Sa bawat ala alang iniwan niya sakin. Pinipilit kong wag nang balikan pero tila nahihibang ang pagkatao ko, pilit paring iniisip ang lahat ng iyon. Di alintana ang luhang umaagos pilit lang alalahanin lahat ng yon.

"Gustong gusto ko ang ngiti mo mahal. Kapag nakikita ko palang buo na ang araw ko, pero minsan nakakasawa narin haha- a-ray! Ouch! Fu-" talo ko pa si flash dahil sa bilis ng pagbatok ko sa kanya. Ang walang hiya pinagsasawaan ako?.

"Alam mo malapit na talaga ako makipaghiwalay sayo, konting konti nalang!" Hasik ko sa kanya, at ang mokong tawa lang ng tawa. Kapal pa talaga ng mukhang humilig sa balikat ko.

"Alam mo para mawala ang inis mo, mamasyal tayo. Ipaparamdam ko sayo kung bakit napakalaking pagkakamali ang pakikipaghiwalay mo sakin hahaha" at bigla siyang tumayo at hinigit ang kamay.

Mga ala-alang dapat nang kalimutan pero matuloy ko pading pinakikinggan sa isip ko

.

Patuloy padin ang pag agos ng luha ko ng may kumatok sa pinto. Pinunasan ko muna ang luha ko at hinayaan ang taong kumatok lang roon. Makakapaghintay siya, pakshet siya.

Hindi ko kayang kalimutan iyon. Pero hindi ako babalik. Maghihintay ako ng sagot. Dahil gusto kong malaman kung bakit niya yon ginawa, at kung bakit niya yon nagawa sa araw na iyon.

~to be continued~

What's that thing called LOVE? (Mili SERIES 1)Where stories live. Discover now