Chapter 1

21 0 0
                                    

Miranda's POV

"Miranda!" anak ng, Kay aga aga, may naririnig na naman akong tumatawag sa napakaganda kong pangalan.

Bumangon ako at sumilip sa bintana, para tignan kung kanino galing ang nakakairitang boses na iyon.

Sahar?? Anak ng, kay aga aga akong mabubwesit.

"Anak ka ng tokwa sahar, anong ginagawa mo dito at nambubulabog ka?" Iritado kong sambit ng nadatnang siyang nakangisi sa baba.

Parang tanga...

"DI MO MAN LANG BAKO PAPAPASUKIN?!! Ganyan ka na pala trumato ngg TUNAY na kaibigan" sambit niya dinidiinan ang salitang tunay. Pssh. Plastik din naman minsan.

Pinanglakihan ko siya ng mata ng bigla siyang pumasok sa loob ng bahay. Letse baka maubos lahat ng chibog ko nito delikado.

Dali dali akong nagsuot ng pajama at bumaba. Tamang tama naman at nakita ko siyang nanghahalungkat ng pagkain sa ref, alang naman sa sahig diba. Char.

"Grabe, nasobrahan kana ata sa kakapalan ng mukha pati mga chibog ko dinedekwat mo ah" kumuha ako ng tasa para ipagtimpla kami ng kape, oo share kami sa isang tasa. Joke common sense kasi , dalawa talaga kinuha ko.

Humarap siya sakin na ngumunguya na ng kung anong nadekwat niya.

"O-okay l-lang yann. F-family member niyo nam-man ako di na to nakakapanibago" hirap niyang salita dahil sa punong puno ang bibig niya.

Sobrang takaw mabulunan sana..

"O-Ojsjdjw" tinupad nga ni satanas ang hiling ko at ang gaga ay nabulunan, sunod sunod ang ubo niya kaya hinampas ko malakas ang likod niya, e yun nakikita ko sa palabas e.

"PAK"

Agad niyang naibuga ang piraso ng ubas at muling umubo.

"Ayan, ayan ang napapala mo kakadekwat mo sa chibog ko, bakit kasi di ka maalagaan sa inyo?" sarkastikong tanong ko at binigyan siya ng tubig. Walang softdrink mahal na masyado.

"Eh kasi naman di nako nag-agahan mapuntahan kalang no. Alam mo namang first day ngayon. Gusto na agad kitang makasama. Yie" sabay sundot sa tagiliran ko. Nilapag ko naman ang kape niya at tiningnan siya ng masama.

"Eh kung ikaw ang sapakin ko?" nawala ang nakakalokong ngisi niya at kinuha ang kapeng tinimpla ko at sinimulang uminom.

Buti naman natahimik ang bruha.

Dala dala ang kape ay pumunta ako sa gilid ng bintana para matanaw ang mgga estudyanteng maagang pumapasok at ang estrangherong naglalaro ng pandesal.

Hihigop na sana ako ng kape ng nagsalita na naman ang bruha.

"Buti pa dito sa inyo maganda ang view noh? Samin kasi ako lang......" tiningnan niya na naman ako ng may halong ngisi at, "ako lang kasi yung maganda samin." Anak ngg tae.

Dali dali ko siyang binato ng tsinelas na suot ko sabay pag-akyat niya sa kwarto habang tumatawa.

"HAHAHA Maligo kana Miranda, lovesick lang yan, haharot kapa uli mamaya" pahabol niya pa at narinig ko na ang pagsara ng kwarto ko. "KO"

Masyado nang makapal ang mukha ng babaeng yon kaya wala na siyang hiya.

Tumingin ako sa orasan at nakitang 7:21 na. Tss. 8:30 ang pasok ko. Dali kong inihipan ang kape ko at uminom.

Kumuha ako ng panloob at kinuha ko narin ang sepilyo ko dahil nga sa nagmamadali nako, magtotoothbath tayo hehe.

Sahar's POV

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What's that thing called LOVE? (Mili SERIES 1)Where stories live. Discover now