CHAPTER 2: FAKE GIRLFRIEND

14 2 0
                                    


DRAKE'S POV

Andito kami ngayong dalawa ni Ethan sa loob ng bar kung saan niya ako niyaya para .. uminom..dahil nga raw sa gusto niyang panandaliang makalimot sa ginawa sa kaniya ni Ashley kanina.. iwan ko ba .. sa lahat ng breakups nitong kaibigan ko ngayon ko lang talaga nakita itong naglasing ng ganito..
Nakaupo lang kami dito sa May harap ng bartender na noo'y abala sa pag gawa ng mga alak na ino order ni Ethan

"Bigyan mo pa ako isa" narinig kung utos nito sa isang bartender.
Maraming  baso  na ang naubos nito.. at halatang lasing na ang kaibigan ko tumayo ako para yayain na itong umuwi.

"Ethan , tol .. lasing ka na .. tama na yan "

"Hindi .. pa ako lasing tol ano ka ba.. " rason nito na noo'y halos hindi na makapagsalita ng maayos sa kalasingan.

"Ano ka ba.. halos matumba ka na nga Jan .. tapos sasabihin mo pang hindi ka pa lasing"
Sabay hawak ko sa kamay nito tsaka .. ipina akbay sa balikat ko..

"Umuwi na tayo.. tama na yan.. babae lang yan huwag kang maglasing dahil lang sa ganyan " at inalalayan ko na ito palabas ng bar.

Dahan-dahan kung ipinasok si Ethan sa kotse ko.. at pagkatapos sumakay Nadin ako sa driver seat..
"Ilagay mo yung seatbelt mo Ethan "
Ngunit nakita kung .  Tulog na ito.. sa subrang kalasingan..
Kaya ako na mismo ang kumuha ng seatbelt tsaka dahan-dahan iyong ikinabit..
Napatigil ako ng biglang gumalaw ang ulo nito na  noo'y halos .. dumikit na sa mukha ko..napatingin ako sa mga namumulang labi , at gwapong mukha ni Ethan. Hindi ako magtataka kung bakit noon pamay nahulog na ako sa mokong to.
Pagkatapos Agad naman akong umayos sa pagkakaupo nang mamaramdamn ko itong nagsalita..
"Uwi na tayo Drake" sabi nito habang nakapikit..

Nag drive na ako upang ihatid ito sa bahay nila.. ilang minuto lang .. at nakarating na kami
Dinala ko si Ethan sa kwarto niya.
"Saan na yung susi ng kwarto mo, ibigay mo sakin" tanong ko sa kaniya habang .. kinakap kap ang bawat bulsa ng pantalon niya..

Pagkatapos .. binuksan ko yung pinto.. tsaka.. inihiga ito sa kama..
"Ethan.. Ethan.... Hoy!!!..tumayo ka muna jan .. at mag shower bago matulog" utos ko  habang Tina tapik² ito sa mukha para magising..

"Ahhhhhh.. matutulog na ako" reklamo naman nito.

Hinubad ko yung sapatos at medyas niya.. pagkatapos inayos ito sa pagkakahiga..

"Ethan..  alis na ako ha.." paalam Ko tsaka tumayo..
Ngunit sandaling napatigil ako ng maramdaman kung hinawakan ako  sa kamay ko si Ethan.

"Drake ... Dito ka lang please huwag mo muna akong iwan" rinig kung sabi nito habang natutulog at nakahawak sa kamay ko.

Agad naman akong lumapit at nahiga sa tabi niya..

"Uhh.. o sigi.. .. matulog ka na.. dito lang ako"
"Drake .. salamat ha.. dahil andito ka palagi sa tabi ko.....your the best of all bestfriend" sabi pa niya tsaka tuluyan nang nakatulog.

"Syempre naman.. mahalaga ka sa akin euh.. kung alam mo lang" bulong ko sa natutulog na si Ethan
Pagkatapos niyakap ko ito at  ipinikit ko na rin yung mga mata ko..

Kinaumagahan .. maaga akong gumising para umuwi ng bahay dahil kailangan kung pumasok .. hindi  ko na ginising si Ethan  na noo'y .. mahimbing paring natutulog..
Pagkatapos ko itong kumutan.. umalis na ako ng bahay tsaka nag drive pauwi.

•@ Harvard university••

Andito ako ngayon nakaupo sa ilalim ng puno malapit sa May canteen habang  nag iisip.
"You want some?" Rinig kung  tanong ni Andrea na nooy hawak-hawak ang isang lemon juice.

The KINGS of HARVARDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin