Chapter 8: Pilipinas / arrival

6 0 0
                                    


DRAKE'S POV

Pagkauwi ko galing sa lugar ng lola ni Ethan dumiretso ako sa bahay habang dala2 ang sakit sa loob ko.
Pagkapasok ko ng bahay agad kung niyakap ng mahigpit si mama

"Ohhh anak what happened?" mama said while tapping my back.

Hindi ako sumgot sa halip umiyak lang ako ng umiyak sa balikat ni mama.
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay mama tsaka saglit na tumingin sa kanilang dalawa ni papa
"Ma, Pa, pwedi po bang doon muna ako kina lolo sa Pilipinas?"

"Huh?? Bakit biglaan naman ata ang desisyon mo  anak" tanong ni papa

"Hmmm gusto ko lang po munang mapag isa at lumayo muna po dito"

"Auh ok.. kung yan ang gusto ..then .. spend your vacation with your grandpa don sa Pinas." Then papa hugged me.

Pumasok ako ng kwarto ko para mag impaki pabalik ng Pilipinas.. hindi ko alam ang gagawin ko basta ito lang ang naisipan ko.. ang lumayo at makapag isip.

It's 2pm na at handa na akong lumipad papuntang Pilipinas .. hinatid ako Nina mama at papa sa airport..
Nging biglaan ang desisyon ko..kaya hindi na ako nakapag paalam pa kina Andrea .pagkababa ko ng kotse kinausap ko saglit sina papa at mama bago pumasok sa loob ng eroplano..

Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng eroplano ng maramdaman kung tumulo na naman ang mga luha ko sa mata.. saglit na pinunasan ko ito para itago sa mga ibang pasahero na andon.

Hindi ko alam .. kung ito ba talaga ang tamang paraan ang takasan ang problema ko.  Pero sana nga mahanap ko yung sagot don sa pupuntahan ko .

Nagsimula ng pumaibabaw ang sinasakyan kung eroplano.. at kasama sa paglipad nito ang  mga luhang umaagos mula sa magkabilang mata ko..

ETHAN'S POV

Pagkatapos kung mag-isip sa mga anong pwedi kung gawin .. ito na ako pabalik na.. para habulin at kausapin ang kaibigan kung si Drake.
Dumiretso ako sa bahay nila dahil alam ko andon siya.. pagkapasok ko ng bahay nila wala akong inabutan kundi ang kapatid nitong si Adrian.

"Ohhh kuya .. Ethan  " bati nito

"Si Drake nasaan?" Hingal na tanong ko

"Ayy umalis na po.." sagot nito habang nagkakamot sa ulo.

"Huh!!! Saan papunta?"

"Kina lolo , sa Pilipinas"

"Huh??!! Ano oras siya umalis?" Gulat na tanong ko.

"More than Half I guess"  hindi na ako nag usisa pa kay Adrian. Agad na sumakay ako sa kotse ko para habulin si Drake sa airport.. I don't know Kung maabutan ko pa siya pero all I need to do now is to try . 
Subrang bilis nang pagpapatakbo .. ko. Ng sasakyan.. and after 30 minutes narating ko na ang airport..tumakbo ako papasok para hanapin si Drake, nakailang ikot na ako sa loob .. ngunit walang Drake akong nakita ni isa. Tinatawagan ko ito pero hindi ko na ito makuntak... Nakita ko ang paglipad ng isang eroplano.. malamang yun ang eroplanong sinasakyan ni Drake.
Hingal akong Napaupo  sa isang upuan, hindi ko alam.. pero halo-halo ang nararamdaman ko . May namumuong galit ako sa sarili ko at mayroon ding paghihinayang dahil sa hindi ko na inabutan ang kaibigan ko.. naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko sa magkabilang mata ko.. at malungkot na umuwi ako sa bahay.
___________

Tatlong araw na ang nakalipas mula noong umalis si Drake papuntang Pilipinas.. pero hanggang ngayon ni isang text o tawag  euh wala akong natanggap mula sa kaniya.. naisip ko tuloy.. bakit hindi ko manlang napansin at naramdaman na ganon pala ang dinaramdam ng kaibigan ko.. siguro ganon na talaga ako ka selfish dahil mukhang sarili ko lang ang iniisip ko all this years..
Hindi ko alam na sa kabila ng kasiyahan ko sa piling ng mga babae ko euh nasasaktan ko na pala ang bestfriend ko.. subrang pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon....

The KINGS of HARVARDWhere stories live. Discover now