Chapter 18 - Overtime

2K 38 1
                                    

"Savannah, I am so sorry sa nangyari." Humihingi ng pasensya si sir Cris, ang Creative Team Manager namin. Pinatawag ako sa office niya bago pa man ako nakapagsimula ng araw ko.

"I am so disappointed in Trevor." Dagdag niya.

"Nako sir, okay lang po. Mali-mali naman po talaga ang mga nagawa ko. Tama lang na pinagsabihan ako ni Trevor." Ipinaliwanag ko.

"No Savannah, hindi tama ang ginawa niya. Yes, may mali ka dito, pero sino bang perpektong tao ang hindi nagkakamali sa kanilang unang linggo sa trabaho? We already anticipated that. No one masters anything in such a short time. Some employees even take months para maka-adjust sa trabaho. That's why we conduct monthly assessment and evaluation, so we can track the progress of our employees' learning curve dito sa kumpanya." Sabi niya. Tahamik lang ako sa upuan ko.

"Okay lang naman na pagsabihin kapag nagkamali eh, but the way he did it? Humiliating you in front of everybody? Tapos sinumbat pa niya sa'yo ang pagiging cum laude mo? He's indirectly implying how incompetent you are! Wala siyang respeto! We don't raise leaders like that in this company!"

Bumalik na ako sa aking work station pagkatapos akong pinatawag sa office ni sir Cris. Kasunod na pinatawag si Trevor. Hindi ko na 'yun inalala.

I promised myself na from now on, hindi na ako mahihiyang magtanong kapag wala akong naiintindihan. Kung ano man ang naging past namin ni Trevor, hindi na ako magpapaapekto. We need to bury our differences so it won't interfere with our work. We don't have to be friends, we just need to work together.

I had to redo all the projects I submitted. Madami nga akong mali. Humihingi na ako ng tulong sa mga teammates ko kapag may hindi ako naintindihan. Para na rin mas makilala ko sila ng mabuti.

Madami akong kinain nung lunch because I know I will be working overtime today. I have to get everything done by the end of the shift and I have to make sure na wala na akong mali this time.

6:30PM na. Wala na masyadong tao sa production floor. Pinatay na rin ang ibang ilaw sa workspaces na wala nang nagtatrabaho. Ako nalang ang natira sa team namin although nandito pa naman si Trevor.

"Trev, pwede patulong?" Tinawag ko siya sa desk niya. Lumapit siya sa akin at yumuko para tingnan ang monitor ko. "Paano ba 'to?" Tanong ko.

He half knelt next to me at kinuha ang mouse sa kamay ko. Ipinaliwanag niya sa akin kung paano iyon gagawin. Nakuha ko naman kaagad.

"Ah, nakuha ko na." Kinuha ko na ulit ang mouse sa kamay niya. "Sige Trev, okay na ako dito. Umuwi ka na, malapit nang mag alas-syete."

"Hindi pa ako pwedeng umuwi kapag may natira pa akong team members dito sa office." Sabi niya.

"What?" Tumingin ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin. Binalik ko ang atensyon ko sa monitor, "Oh my god! Were you waiting for me? Nako sorry, bibilisan ko nalang. Bumalik ka nalang sa table mo para matapos ko na 'to agad."

Hindi siya tumayo, nananatili parin siyang nakaluhod sa tabi ko. His right arm is resting at the back of my chair. Tahimik niyang pinanood ang tinatrabaho ko. 

Tahimik ang buong office, kami nalang yata ang nasa production floor. Tunog ng keyboard at click ng mouse nalang ang nagsisilbing ingay sa lugar. 

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos kung nandito lang siya sa tabi ko. Masyadong awkward. Hindi niya siguro narinig ang sinabi ko kanina. "Trev, 'dun ka nalang maghintay sa table mo. Malapit na 'to matapos." Sabi ko.

Hindi parin siya tumatayo. "Savannah," Nagsalita siya ng mahina, "sorry."

"Huh? Para 'san?"

"Para dun sa ginawa ko last week." Sabi niya, "Nung pinagalitan kita."

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Where stories live. Discover now