Chapter 19 - Commute

1.9K 27 0
                                    

"Nagco-commute ka parin pala? 'Di ba may sasakyan ka?" Tanong ko kay Trevor. Nagpunta na kami sa bus stop pagkatapos kumain sa 7-Eleven.

"Minsan ko lang ginagamit ang car ko," Sagot niya, "Mostly kapag may team celebrations lang o pag may event sa kumpanya. Besides, mas madali kasi kapag nagbu-bus ako. May bus stop naman sa tapat ng condo."

Sumakay na kami ng bus. Naghanap ako ng ma-upuan sa likod. Tatabi ba ako sa kanya? 

Pumunta ako sa dalawang bakanteng upuan. Umupo ako sa seat katabi ng aisle sa halip ng sa may bintana para hindi siya makatabi sa akin.

"Umusog ka." Sabi niya.

"Dun ka nalang." Tinuro ko ang ibang upuan.

"Sige na, tabi na tayo." 

Umusog na ako sa upuang katabi ng bintana, umupo siya sa tabi ko.

"Ba't ayaw mong magpahatid sa unit mo?" Nagsimula siyang magsalita.

"Ha? What do you mean?"

"'Di ba, nung tinulungan kita nun. Nung nagkasalubong tayo sa elevator lobby tapos andami mong dala."

"Ahh, 'yun? Galit pa kasi ako sa'yo nun." Sabi ko.

Hindi siya agad nagsalita. "Sav, sorry na kasi." Naglalambing na naman siya.

"Oo na nga, ang kulit mo!" Umirap ako.

"Akala ko ayaw mong magpahatid kasi baka makita ako ng parents mo. Kasama mo ba sila sa condo? Kukumustahin ko sana ang papa mo, sarap niya kasing kausap."

Lumingon ako sa kanya, "Hindi mo pa alam?"

"Ha? Ang alin?"

"Wala na si Dad." Sabi ko at tumingin ulit sa labas ng bintana.

"What? Kailan pa?"

"Inatake siya ng stroke nung graduating na ako. Umuwi siya ng Germany and died few years after."

"So nasa Germany ang puntod niya?" Tanong niya. Tumango ako. "I'll probably visit his grave sometime, para makapagkwentuhan ulit kami." Sabi niya. Hindi na ako nagsalita. Bigla ko kasing naalala ang dad ko at ang ginawa ng mom sa Germany.

Sumakay na kami ng elevator paakyat sa condo units namin. Pinindot ko ang 7, pinindot niya naman ang 16.

"Kasama mo ba ang mama mo sa condo?" Tanong ni Trevor.

"Ako lang mag-isa sa condo," Sagot ko, "Tsaka sa Germany na nakatira si Mom." Ang kulit naman netong si Trevor, hindi ko tuloy maalis sa isip ko ang nangyari sa Germany. Iyon nalang ang huli naming pinag-usupan bago kami umuwi sa kanya-kanyang condo.

--

"Good morning." Bati ko kay Trevor.

"Morning," Bati niya habang umiinom ng kape. Hindi siya tumingin sa akin dahil mukhang busy na siya sa desk niya. Hindi ko nalang dinisturbo.

Wala na akong backlogs today so hindi na ako mag-oovertime. Tumambay ako sa 7-Eleven para maghintay kay Trevor. Balak ko sanang makasabay siyang umuwi. Mukhang araw-araw talaga siyang nag-oovertime. Alas syete na at hindi parin siya lumalabas ng building. Sumuko na ako at umuwi nalang.

Palaging maaga si Trevor sa trabaho kaya sinubakan kong mag-antay ng bus ng maaga. Baka sakaling magkasabay kami sa bus. Hindi ko siya nakita. Dumating ako sa opisina ng alas-otso. Nandun na siya sa desk niya.

"Good morning." Bati ko.

"Morning."

Hindi parin kami nagkausap mula pa noong isang gabi. Marami ba talaga siyang ginagawa? 

Tumambay ulit ako sa 7-Eleven para hintayin siya. Nakita ko siyang lumabas, alas sais imedya na. Pupunta na sana ako sa kanya pero nakita kong nakasunod sa kanya si sir Cris. Mukhang may lakad sila. Hindi ko na nilapitan si Trevor at diretso na akong umuwi.

Eksaktong alas-syete ng umaga ako nag-antay ng bus, mas maaga pa kahapon. Baka this time, magkasabay na kami. Hindi ko parin siya nakita sa bus. 7:30AM ako dumating sa opisina. Hindi pa siya dumating. Umupo nalang ako sa table ko at nagkape.

"Oh, ang aga natin ngayon ah?" Sabi ni Trevor. He arrived just a few minutes after me. Sayang, malapit na sana.

"Marami kasi akong projects today." Sabi ko, kahit wala naman talaga akong masyadong projects. "Good morning pala." Dagdag ko.

"Good morning." Bati niya. Pumunta muna siya ng pantry para magtimpla ng kape. Baka pagbalik niya pwede na kaming magkwentuhan.

Pagbalik niya sa station niya ay may suot na siyang earphones. Sinimulan na niya agad ang pagtrabaho. Naalala ko ang sinabi niya noon, he wears earphones kapag ayaw niyang magpa-istorbo. Hindi ko na siya linapitan. Nandito naman talaga kami para magtrabaho, hindi para magkwentuhan.

 Tumambay na naman ako sa 7-Eleven, hinihintay siyang lumabas ng building.

"Ikaw lang 'ata ngayon, ate. Nasaan si kuyang pogi? Nagbreak ba kayo?" May nagtanong sa likod habang nakaupo ako sa high table. It's that nosy cashier again. Shift niya pala ngayon.

"Hindi kami nagbreak, hindi ko 'yun boyfriend." Sagot ko.

Napa-isip ako sa sinabi ko. Hindi ko nga siya boyfriend, kaya bakit ko ba siya hinihintay araw-araw? Ba't ba nag-ieffort ako araw-araw na alamin kung anong oras siya sumasakay ng bus sa umaga? Ba't ko ba siya gustong makasabay sa bus? Nagmumukha na akong naghahabol sa kanya⁠—nagmumukha na akong desparada.

Umalis na ako at umuwi. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Siguro sabik lang akong may makausap, miss ko na kasing may matalik na kaibigan na masasandalan. Yan lang ang naisip ko na posibleng rason kong bakit ako naghahabol sa kanya.

Hindi na ako maagang nag-antay ng bus sa sumunod na araw. 8:30 AM ako sumakay. Rush hour kaya madami akong nakasabay. Wala ng ma-uupuan sa bus kaya tumayo nalang ako at humawak sa hand railing. Nagsisiksikan ang mga tao, nanunulak ang iba. May tumapak pa sa paa ko. Tang-inang buhay 'to oh!

Nakabukas pa rin ang pintuan ng bus. Kuyang driver, hello? Ang puno na kaya dito? Tumingin ako sa orasan. Pumikit ako at nagdasal na sana 'wag akong ma-late sa trabaho. May kaunting pang sumukay at nakipagsiksikan. Nasarado na ang pintuan ng bus at umundar na ito. Finally!

I suddenly smelled a familiar scent. Lumingon ako at nakita si Trevor sa likod ko, nakahawak din siya sa hand rail.

"Hi." Bati niya, ang lapit ng buong katawan namin.

"Hi." Ngumiti ako ng maliit at pumakawala agad sa kanyang tingin. Medyo na-off balance ako paghinto ng bus. Natulak ko ang lalaki na nakaupo.  

"Aray miss, mag-ingat ka naman!"

"Sorry." Sabi ko. Tumalikod na ako sa mga upuan para wala na akong matulak. Nakaharap ko si Trevor. Nakahawak parin siya sa hand rail. Medyo na-off balance na naman ako ng biglang huminto ang bus. Hinawakan  ni Trevor ang aking bewang para suportaan ako. 

"Careful," Bulong niya. Hindi ako tumingin sa kanya. Napahigpit ang kapit niya sa bewang ko ng ng tumigil na naman ang bus. Mas napaglapit ang mga katawan namin. Napakawalan ko ang hand rail dahil ang sikip-sikip na. Napakapit nalang ako sa balikat niya. Ganoon lang ang posiyon namin sa bus sa buong biyahe.  

Ewan ko ba't ang hirap-hirap ng sitwasyon namin sa bus pero ang saya-saya parin ng pakiramdam ko na nagkasabay kami at ganoon pa yung nangyari. It would've been different five years ago. Baka nasuka na ako at nagwala sa inis. Pero that was the past, iba na ngayon. It feels weird, it feels...different.

𝐅𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐋𝐀𝐓𝐄 (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz