Chapter 28

9K 368 60
                                    

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Evan habang nagmamaneho sya. Pauwi na kami sa bahay at mukhang napansin nya na nga ang pagiging tahimik ko at dahil iyon sa pag-uusap namin ni Zion.

"O-okay lang." Tipid kong tugon.

"You're not okay." Aniya. "What's wrong hon? You can tell me your problem. Boyfriend mo na ako, kaya pwede mo ng sabihin sa akin ang lahat at mag-open up sa akin." Dagdag nya pa sabay ngiti.

Gusto kong sabihin sa kanya na nag-usap kami ni Zion, pero may parte sa akin na ayaw dahil baka gawin na naman nyang big deal iyon dahil ayaw na ayaw nyang lumalapit ako kay Zion.
But he is right! Boyfriend ko na sya, and he need to know what happened.

"Hon ka-kasi...nag-usap kami ni Zion." Panimula ko. Bigla nyang hininto ang sasakyan. Napahawak ako sa dibdib ko sa labis na gulat sa biglaan nyang pagpreno.

"What?!" Galit na sigaw nya. "Bakit kayo nag-usap?" Tanong nya pa.

"Inayos ko lang yung problema namin hon. Alam mo naman na umamin sya sa akin and I walked away after he confessed his feelings at sobrang nasaktan sya sa ginawa ko." Paliwanag ko.

He became calm after that. Muli nyang binuhay ang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Alam mo naman na sya lang ang kaibigan ko simula pagkabata, kaya inayos ko lang yung problema namin dahil ayokong mawala yung pagkakaibigan na meron kami." Pagpapatuloy ko. "At isa pa, he already knew."

"Knew what?" Kunot noong tanong nya.

"He followed me on the beach noong sinundan kita. He heard us, nalaman nya, na ikaw ang gusto ko at....at yung panananamantala mo sa akin. Alam na din nya." Tinignan ko sya at nakatuon lang ang atensyon nya sa daan. I saw that he became uneasy, hindi sya mapalagay.

"W-what happened then?" He asked after he cleared his throat.

"O-okay na kami. But he want space. Kapag okay na daw sya, sya na mismo ang lalapit sa akin." Sagot ko.

"Ma-mabuti naman." Sabi nya. "Mukhang maaga pa hon, wanna go somewhere?" Nakangiting suhestyon nya.

Tumingin ako sa orasan at mag-aalas tres palang ng hapon. Maaga kaming umuwi dahil biglaang sinugot sa clinic ang last professor namin dahil sa allergy.

"Oo nga. I-ikaw bahala." Pagsang-ayon ko sabay ngiti.

"Great!" Masayang sabi nya "Let's see, saan ba pwedeng pumunta.hmmm." Aniya habang may kinakalikot sa telepono nya at nang may makita na syang magandang destinasyon na hindi ko alam binilisan nya ang pagmamaneho patungo sa kabilang daan.

*****

Harry's Pottery

Yan ang karatolang nakikita ko ngayon sa harap ng pottery shop na ito. The name sounds cute and funny dahil mukhang hinango ito kay Harry Potter. Napatawa ako ng palihim.

Pero hindi ko in-expect na dito ako dadalhin ni Evan. Marunong ba syang mag mold at gumawa ng mga paso at palayok? At hindi ko alam na may hilig pala sya sa ganito. I'm starting to know him more and it interests me, really.

"Let's go." Nakangiting pagyaya nya at naglakad na kami papasok sa loob.

When we entered the shop, there's a lot of vases and stuffs that are made of clay. Hindi lang vase, meron ding mga pot, plate, figurine at statue. It really amazes me on how these things are made in perfect way using only the potter's hands. Nakakamangha.

"Good Afternoon po Sir, Ma'am" Pagbati sa amin ng may edad ng lalaki na nakasalamin.

"Good afternoon po." Tugon ko.

The Devil's AngelWhere stories live. Discover now