AkopoSiPinkRose1112
REGAL ACADEMY
Sa mundong nahahati sa mahika, kaharian, at tadhana, iisa lamang ang paaralang humuhubog sa mga susunod na tagapagmana ng kapangyarihan-ang Regal Academy.
Isang gabi, ang ordinaryong buhay ni Aerin Kate Sandoval-isang Gen Z na bakla/trans na lumaki sa mundo ng tao-ay tuluyang magbabago nang siya'y madala sa Encantasia. Hindi niya alam na ang dugong dumadaloy sa kanya ay dugo ng hari, at siya pala ang nawawalang tagapagmana ng Kaharian ng Aerilon, ang tagapangalaga ng Air Gem-isa sa apat na hiyas na nagpapanatili ng balanse ng mundo.
Sa Regal Academy, makikilala niya si Prince Kael Ignatius Valenroth, ang makisig at hinahangaan ng lahat na prinsipe ng Pyrathia, tagapangalaga ng Fire Gem. Isang lalaking tuwid, disiplinado, at sinanay na unahin ang tungkulin kaysa damdamin-ngunit nagtatago ng pusong mas mabait kaysa sa ipinapakita niya sa mundo.
Habang unti-unting nagigising ang kapangyarihan ni Aerin, at habang mas lumalapit ang kanilang mga landas, mas nagiging delikado ang katotohanan. Sapagkat sa Encantasia, ang pag-ibig ay may hangganan, ang mga hiyas ay may pinipili, at ang tadhana ay walang pakialam sa batas ng mga kaharian.
Sa pagitan ng apoy at hangin, ng korona at pagkatao, ng tungkulin at damdaming hindi dapat umusbong-
handang bang ipaglaban ang isang pag-ibig na hindi kailanman pinayagan ng mundo?