Untitled Part 32

9 0 0
                                    

Pagkakita ko sa bagay na yun, nanlumo ako, lahat ng saya at excitement ko sa katawan nalaglag sa talampakan ko. Nakatitig lang ako sa screen. April 1 ngayon, April Fools Day, Monthsary namin, pangatlong buwan.

Baby! We did it again! Kahit na sobrang unstable we did it! Nakapagtyaga ka, nakapaghintay ako. You know how much this means to me and sana sayo rin. 

3 AM at hindi pa rin ako tulog, nakatitig lang ako sa kisame habang nagtatakbuhan sa isip ko yung mga bagay bagay hanggang sa napalingon ako sa kalendaryong ginawa ko. 

Auno

Napaupo ako bigla, napangiti, kinilig, hindi makapaniwala. Tangina, tatlong buwan na simula nung tinanong mo ko "Can you be my girl" Pucha Klix, di ko malimutan, hanggang ngayon yung apoy na sinindihan mo bagang baga pa, kaya pa pumukaw ng isang baranggay. 

Pagulong gulong ako sa kama, gusto kong matulog pero di ko magawa. Simpleng auno lang dapat ito, sa gitna ng crisis na nararanasan ng mundo narito ako nakangiti, iniisip kung anong mensahe ang sasabihin ko pagsikat ng araw. Hindi na ako makapaghintay gusto ko na sungkitin ang araw at mabuksan ang aparato na magsisilbing daan para masabi ko sayong mahal kita at masabi ang mga pagpapasalamat ko.

9:52, lumipas ang 30 minuto matapos akong magising. Late pa ko nagising tangina naman. Dali dali kong nilog in yung account ko, nasabi ko na bang tuwing bubuksan ko ang account na 'to ay kabadong kabado ako. Hindi ko kasi alam kung anong mensahe ang aking madadatnan. Maaring ikatuwa ko o ikalugkot.

Kaso mukhang malas ata e. Di ko alam kung prank o totoo. Ilang pikit din ang nagawa ko, animo'y nabebeautiful eyes pa nga. 

"Tangina"

Umagang umaga, ngiting ngiti ang araw pero masamang salita ang unang lumabas sa bibig ko.

Nakailang pikit dilat pa ulit bago ko muling binasa ang mensahe mula sayo.

"Im breaking up with you."

Nalulungkot ako pero di ako naiiyak. Sa oras na magsink in sakin lahat, agad nabuo ang mga walang humpay na tanong. Bakit? Paano? Ha? Ano bang nagawa ko? Mali ba ko? Nagkulang siguro? Sumobra? Saan? Putangina. 

Agad akong naghanap ng kakampi, Rheam? Vhal? Wala. Sige oras na siguro para umiyak? Pero walang luha. Mainis siguro? Hindi e, hindi ko magawang mainis o kahit galit ay hindi ko maramdaman. Teka iinom ako ng tubig, baka kasi panaginip? O baka malikmata? Nakakatanga naman. 

Habang nagiisip at nakatitig sa mensahe mo, nakita ko ang pangalan ni Silas, may mensahe mula sa kanya.

"Nagusap na kayo?" 

Agad akong sumagot, nagkwento na rin ng kaunti. "Minsan kailangan mo rin talaga bumitaw". 

Natulala ako, nagtipa ng sagot mula sa totoong nararamdaman ng puso ko.

"pano ko bibitaw silas, di ko naman alam in the first place kung bakit sya nakikipagbreak"

"nangangapa ako dun sa bagay na wala naman akong makapa at all"

"gigising ako tas ang message nya lang "im breaking up with you."

Ni hindi man lang ako nakatanggap ng paliwanag kaya nakakapagtaka. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan hanapin yung mga sagot sa tanong ko kasi kulang, kulang yung impormasyon na mayroon ako, na hawak ko.

Iba't ibang tanong pa ang binato ni Silas sakin. Hanggang sa "Gusto mo ba makausap? Tatawagan ko" sanhi na rin ng udyok ng mga malilikot na elemento sa utak ko, umoo ako agad, walang ano ano mukhang desperada pa yata ang tono ko. "Gustong gusto, sige pakisubukan".

Mukhang nakuha mo ang mensahe n'ya, ano? At least kahit papaano alam ko kung bakit natapos yung relasyon na akala ko huli ko na. Oras. Yun pala. Siguro hindi sapat, kinulang, short, maikli, ano pa ba? 

Sa muli nakausap kita kaso hindi na maganda ang paksang pinaguusapan kasi ito yung paguusap na mayroon na tayong winawakasan. 

Love, KaliWhere stories live. Discover now