Letter

12 0 0
                                    

Babe! Kamusta? Lagi ka magiging safe dyan ha, tigas pa naman ulo mo. Sana lagi mo ng ugaliing uminom ng tubig para rin naman sa katawan mo yan e. Ang cliche kung puro pasasalamat magiging laman nitong huling liham ko diba. Pero kung may isa akong pasasalamat sa lahat, salamat kasi dumanting ka. Biruin mo yun nagumpisa lang naman tayo dyan sa puting van na yan e. Kung hindi pa ko naglakad loob na daldalin ka baka hindi naman tayo magkaibigan at baka hindi rin tayo nagkatuluyan. 

Alam ko marami kang ginagawa pero sobrang proud ako sayo kasi biruin mo napagsasabay mo lahat. Yang personal na nararamdaman mo, yung realidad ng schoolworks na naghihintay sayo, yang pagintindi mo sa pamilya mo, sa kapatid mo, sa mom mo at sa tatay mo lalo na sa kapatid mo. Nakilala kita bilang isang sobrang responsableng anak at kuya kaya hanga ako sayo roon. 

Ayokong magtunog liham ng pamamaalam ito dahil hiling ko pa rin naman na maging kaibigan ka pero kung hindi, edi wag. Chour HAHAHHAHA.

Maraming salamat sa lahat ng kilig at tawa. Sa pribelehiyong makausap ang totoong may ari ng account mo. Sa lahat ng worries at luha ko na pinigilan mo. Ang laki ng puwang mo sakin, saved up para sayo. Alam mo naman na kung gaano kita kamahal e, sana doon sa tatlong buwan naramdaman mo. 

Siguro eto na yung sitwasyon na binigay mo, halos lahat ng sitwasyon na sinabi mo nangyari, lahat ng kinakatakot ko, eto na, nakahain na sa harap ko. Pero ngayon hindi ko magawang maging duwag kasi alam ko sa sarili ko na kailangan mo tong break up na to. Siguro para mabawasan iniisip mo, mabawasan iintindihin mo. 

Salamat sa pagbabahagi mo sakin ng skills mo sa keyboard, alam ni Vhal kung paano ako umiiyak tuwing maririnig ko yun. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Sa lahat ng efforts salamat, sobra. Sa uulitin? Charot lang. 

Tama na siguro 'to? Laman naman ng libro yung bawat nararamdaman ko para sayo. Gusto ko lang sabihin na "Ikaw yung unforgettable Ex ko, naparamdam mo sakin yung pagmamahal mo. Paalam at Mahal kita". Sinagot ko na yung tanong sa isipan mo, balikan mo ang pang ilang pahina ng librong to kung hindi mo matandaan yung tanong mo kung sakaling maghihiwalay tayo. 

Lastly, Happy 3rd Monthsary. I love you, alam mo yan. Sayang hindi tayo umabot ng birthday ko HAHAHA. 

Kali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, KaliWhere stories live. Discover now