Kabanata 2

53 27 5
                                    

Napabuntong hininga na lang ako habang nagaayos ng mga gamit. Matapos makipagusap ni Auntie sa Headmaster ay hinatid nako nito sa dorm. Mabuti na lang at may entrance sa dormitory na katapat ng main building. Kung hindi ay mahihirapan pa kami sa dami kong dala na gamit. Agad ko ng pinaalis si Auntie dahil hapon na din. Nung una ay ayaw niya pa dahil ang dami niyang bilin. Pero nakumbinsi ko siya na umalis na at gagabihin na din siya. Isa pa, pwede naman daw umuwi kapag weekend. Magpapaalam ka lang sa faculty.





Nilibot ko ang mata sa kwarto na titigilan ko. Ang kwarto ay para sa dalawang tao lang. It has two beds with cabinet at isang cr. Sakto lang naman ang space ng lugar para sa dalawang tao. May maliit din itong veranda na kita ang field at main building. I decided to take a nap since napagod ako magligpit ng gamit. Naalimpungatan nalang ako ng makarinig ng mga kaluskos.





"Sorry. Did I wake you up?" Bungad sakin ng isang babae, na nilalapag ang gamit sa kama na niya. Hindi ako nakasagot sa tanong niya at naginat muna ako.






"Ikaw yung bago kong roommate 'di ba? Im Cassandra pala." Pakilala nito sabay abot ng kamay na kinuha ko naman at nakipagkamay sa kanya.




"I'm Thalya."




"Sorry, nagising kita."




"Ah, okay lang. Buti nga nagising mo ko. 'Di pa kasi ako tapos magayos." sagot ko tsaka kinuha yung isang bag para sa simulan uli maglipat ng gamit.



"Kumain ka na ng dinner?" tanong nito na nahihiya pa nung una. Umiling ako. Atsaka ko lang din napansin na gabi na pala. Napatingin ako sa relo ko it's 7:45 pm. I sleep for about two hours. Wow.




Nakaramdam na din ako ng gutom kaya sumama na ako kay Cassandra. Siya daw ang magiging tour guide ko ngayon dahil first time ko. Dumaan kami sa hallway na naikwento ni Sir Edgar papunta sa Cafeteria. Pagpasok ay bumungad sakin ang malawak na space nito at magandang interior. High ceiling ang Cafetia pati ang bintana na ceiling height din, may chandelier pa. Pansin ko din na may kaingayan sa Cafeteria dahil sa dami ng tao. Dinner time na din kasi. Bigla namang pumasok sa isip ko yung library. Rinig kaya yung ingay don? Hindi naman sa mahilig ako magbasa. Inaalala ko lang paano ako makakatulog sa library kapag rinig ang ingay ng Cafeteria. Sumunod lang ako kay Cassandra hanggang sa makakuha ng pagkain. Pumwesto naman kami malayo sa counter.





"Eat well, Thalya! Ito first day mo dito." biro nito. At nagsimula na kaming kumain.




Nung una ay nagkakahiyaan pa kaming dalawa pero nagsimula na din kaming magkwento sa isa't isa. Hindi naman ako nahirapan na maging ka-close siya dahil mukha naman siyang friendly. Her name is Cassandra Bartolome, a 3rd year student. Ever since first year daw ay nandito na siya. Nakwento niya din ang mga lugar na magandang puntahan sa loob ng campus. Pinakagusto niya raw sa rooftop ng main building. Tanaw mo daw kasi ang buong landscape ng campus dahil nga five-storey building yon. Nakwento ko na din na galing ako sa states at kauuwi lang para dito pumasok.





Hindi namin namalayan na naubos na namin ang pagkain kaya umalis na kami. Napatigil pa nga ako sa paglalakad ng nagkagulo ang mga tao sa Cafeteria. Sisilipin ko na sana yon para makiusyoso ng tawagin ako ni Cassandra. Ano ba yan! First day ko sa campus ay nakikiusyoso na agad ako.




Hindi naman matapos tapos ang kwento ni Cassandra habang naglalakad papunta ng dorm. In fact marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Nalulungkot daw siya dati kasi wala siyang kasama kumain sa cafeteria. Pero ayaw naman daw niya makipagsocialize sa iba. Natuwa naman ako sa mga kinukwento niya. Syempre makakasama ko siya ng buong school year.


Risk it AllWhere stories live. Discover now