Kabanata 7

14 5 0
                                    




"I'm sorry. I can't get you out of here."



Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Pagkatapos kong maipaliwanag lahat sa kanya ay yun lang ang masasabi niya.




"Why?" tanong ko ng nakakunot ang noo.




"If you're thinking na mailalabas kita sa campus na 'to dahil sa council president ako, nagkakamali." He crossed his arms. At nakatingin pa siya sa'kin ng poker face. Para bang nababagot siya sa nangyayari.


"Bakit nga!?"

"I said I can't get you out of here." ulit din niya na mukhang naiinis na.

"I said bakit nga 'di ba!? Bakit hindi mo ako matutulungan!?" I gritted my teeth. Kung kanina ay pinipigilan kong mainis sa kanya, ngayon ay hindi na. Why can't he just answer the damn question!? Argh. Mahirap bang sagutin ang tanong ko? Hindi naman 'di ba? I already told him na wala akong alam sa lugar na 'to. Na wala akong alam nangyayari at hindi ako marunong lumaban.


"Oh, come on! Ikaw ang pumasok sa lugar na 'to. Ngayon problema mo na kung paano lumabas dito." Aniya.


Nalaglag ang panga ko sa sagot niya. Jeez! This man is unbelievable! Tinatamad pa siyang tumingin sa'kin. Council president ba talaga 'to? Itong ganto? Iyong walang pakialam sa eatudyante? Really!?


"What!? So you would just let one of your fellow student die?"


"Well, I don't care." kibit balikat niyang sagot sa'kin.


"Tingnan mo, ni hindi nga din ako nainform na asshole ang student council president dito." singhal ko sa kanya. Sinadya kong laksan ang boses ko kaya tiningnan niya ako ng matalim.

"Sir Leon?"


Napalingon ako sa nagsalitang boses at ganon din siya. Sa 'di kaluyan ay may isang babae na naglalakad papunta sa direksyon namin. Maiksi ang buhok niya at nakasuot ng black tracksuit. Malamang ay 4th year siya. Napatingin naman ako sa bitbit niya. Kasi buhat buhat niya yung aso na kumuha ng long sleeve ko. Hindi ko na tuloy naalis ang tingin ko sa long sleeve na nakasabit sa balikat niya. Mukhang napansin niya ata ang pagtitig ko.

"Sayo 'to?" tanong niya sabay angat ng damit. Halata naman siguro na akin yon dahil red yun na katerno ng pants ko. Tumango na lang ako. Lumapit siya sa'kin para iabot 'yon.

"Thank you." Agad ko namang kinuha ang damit. Ngumiti muna ang babae sa'kin bago bumaling kay Leon.

"Pinapatawag ka na ni Headmaster." usal nito kay Leon. Hindi pa man nakakatapos magsalita ang babae ay umalis na agad si Leon. Gusto ko sana siyang pigilin dahil wala pa siyang sagot sa tanong ko. Napagtanto ko na hayaan na lang dahil hindi din naman siya interesadong tumulong.

"Naistorbo ko ba kayo?" tanong niya tsaka binaba ang aso sa damuhan. Inayos inayos pa niya ang leash nito. Tumingala siya sa'kin, nagaantay ng sagot.

"Hindi. Nakasalubong ko lang siya. Hinahanap ko kasi yung damit ko na..." Napatingin naman ako sa aso. Mukhang naintindihan niya yon at bahagyang natawa.

"Kinuha ni Snowball?" tukoy niya sa aso na ngayon ay may inaamoy amoy na sa paligid.

"Pasensya ka na ha? Nakatakas kasi sa'kin kanina, hindi ko namalayan. By the way I'm Chelsea, Student Council Secretary." Itinaas niya ang kamay niya kaya kinuha ko naman yon. Napansin ko na napatingin siya sa labi ko.

"I'm Thalya." Maiksi kong sagot. Napahawak naman ako sa labi dahil sa ginawa niyang pagtingin. Nagdudugo na naman ba kaya napatingin si Chelsea? Sumilay naman ang ngisi niya sa ginawa ko. Teka, iba ata ang naiisip niya ah. Gusto ko sanang umirap sa kanya pero di ko magawa.

"Nice meeting you, Thalya. Mauna na ako sayo. Pasensya ka na ulit kay Snowball." Ngiti ulit niya sa'kin bago tumalikod iginaya si Snowball.

Naiwan naman akong tulala. Hindi dahil sa nastar struck ako sa kanila kung 'di dahil sa inis. Inis dahil sa nawalan na ako ng pagasa na makaalis dito. Akala ko pa naman ay matutulungan ako ng Leon na yon, hindi pala.

Naglakad lakad na din ako papunta sa tinambayan namin ni Cas kanina. Mabuti na lang at nagbali ako ng iilang sanga habang hinahabol ko yung aso na si Snowball kung hindi maliligaw pa ako sa gubat na 'to. Saktong pagbalik ko ay wala pa si Cas sa pwesto namin, natagalan ata sa cr. Inantay ko na lang siya tsaka namin naisipang kumain sa Cafeteria.

Hindi ko alam kung dahil sa nawalan ako ng pagasa na makaalis dito, o dahil sa kaba nang paparating na preliminary round kaya halos wala akong gana kumain. Sabi pa ni Cas na iba iba daw ang preliminary round na ginagawa kada taon. Mas lalo akong hindi nakampante sa sinabi niya.

"Ayos ka lang?" si Cas ng mapansin na wala ako sa sarili habang naglalakad papunta sa Gymnasium.

"Oo naman, ano ka ba." usal ko sabay ng pilit na tawa. Nahimigan na ata 'yon kaya tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.


"Huwag ka ng mag-alala. Narinig ko kanina sa ibang section na by team ang mangyayari. Akong bahala sayo." She explained with full sincerity.

I know that she's concerned about me. Kaya tumango na lang ako sa kanya. Kahit na kinakakabahan ay nagpatuloy na lang kami sa paglalakad papunta sa Gym. I dont have a choice. Mukhang kailangan ko 'tong harapin.


"The preliminary round, will be called Hide and Seek. Of course, magtatago kayo at 'wag niyong hayaan na may makakita sa inyo. As for the twist naman, everyone will have their own badge. Pwede niyong ibigay ang badge sa nakakita sa inyo at pwede namang hindi. Because for all we know this badge will serve as your ticket for the next round..."

Paliwanag ng facilitator ng competition. Ang lahat ng estudyante ay tutok na tutok sa bawat paliwanag at kilos nito. Kasabay nito ang pamimigay ng badge sa mga estudyante.


"We will have 50 guards na maghahanap o huhuli sa inyo. Now, pwede kayong lumaban sa kanila para hindi makuha sa ang badge na hawak niyo. Kapag natalo ay syempre, tanggal na kayo sa round na 'to. At kung papalarin naman kayo na manalo sa isa sa kanila, na alam kong medyo malabo, ay maari kayong makapasok sa semi finals... Students if you think fighting with them is easy nagkakamali kayo."

Ngisi ng facilitator habang inililibot ang tingin sa mga estudyante. Hanggang sa nahagilap nito ang mga mata ko at mas lalong lumapad pa ang ngisi. Hindi ko alam kung ako ba yon o ang mga estudyante sa likuran ko. Ipinag kibit balikat ko na lang yon at nakinig muli.


"You can hide on places you want around the campus. We will give you 3 minutes to hide. A signal will be given kapag tapos na ang alloted time para makapag tago kayo. Thats signal will also serve as the start of the game... Kapag narinig niyo uli ang signal ibig sabihin non ay naka-3 minutes na kayo, 6 minutes, 9 minutes at ang huli ay 10 minutes. It means you have 10 minutes to hide and protect your badge. The last signal will declare the winners who are qualified for the next round."

Kung ganon sa kabuuan ay makakarinig kami ng 5 signals. Ang una ay sa start ng game, pangalawa kapag naka 3 minutes, pangatlo kapag naka 6 mins, pangapat kapag naka 9 mins at panglima kapag naka 10 mins na hudyat na din na tapos na ang game.

Now, this should be easy. All I have to do is hide. Hide and protect this badge at all cost. Napatingin naman ako sa badge na gawa sa metal at may naka-engrave na initials ng campus, HVU. Sakto lang ang sukat nito at hindu ganon kabigat. Nang tingnan ko ang likuran nito ay may timer sa likod. 10 mins.

"The game hide and seek, will start... Now!" sigaw ng facilitator na nagbigay ng buhay sa bawat estudyante sa gym. Ang iba ay nagkakaripas na ng takbo.

"Thalya, let's go!" Hila sa'kin ni Cas palabas ng gym. Bago makalabas ay nahagip pa ng mata ko ang tingin ng facilitator na nakangiti sa'kin. Weird. O baka hindi naman para sa'kin yon? Umiling na lang ako. I shouldn't think about that.


I need to focus. I need to hide.

Risk it AllOnde histórias criam vida. Descubra agora