Kabanata 4

47 26 1
                                    


"Thalya!" sigaw sakin ni Cassandra kaya naman napaangat ako ng ulo. I noticed some of our classmates are already gone. It only means na tapos na ang klase. Fuck! Nakatulog ako.





Agad akong nagayos ng notebook na ginawa kong unan at sinabayan si Cassandra na lumabas ng room. Madami na ding tao sa hallway, lunch na din kasi.




"How was your sleep?" pangaasar nito sakin kaya naman napairap ako. Mas lalo kaming naging close ni Cassandra nitong mga nakaraang araw. Nakonsensya ata sa nagawa niya sakin last week kaya ganyan. Tapos palagi pa kaming magkasama.






"Ba't 'di mo ako ginising?" tanong ko sa kanya habang naglalakad pababa ng hagdan.


"Eh, ba't naman kita gigisingin ang sarap kaya ng tulog mo..." putol nito habang may kinukuha sa bulsa ng skirt niya. "...tingnan mo!"




Nakita ko sa screen niya ang mukha ko habang tulog kanina. Mabuti na lang at hindi ako nakanganga. Pero, the heck! Kaya pala hindi niya ginising kanina!





"You!"




Hahablutin ko na sana ang phone niya pero itinaas niya agad 'to, sabay takbo. Buti na lang at kakaunti lang ang tao sa hagdan. Kung hindi mabubunggo namin sila. Sumunod naman agad ako sa kanya. May ilang estudyante sa harapan ko kaya nahirapan akong abutan siya. Tapos ang liksi pa ng galaw niya. Ano ba siya, ninja!?



Ilang hakbang na lang sana ay mahahablot ko na ang bag niya nang bigla siyang lumiko sa isang hallway. Naramdaman ko na lang na tumama ako sa isang tao. The next thing I know ay nakaupo na ako sa sahig dahil sa impact nang pagbangga. I felt a pain on my butt. Geez, that hurts!




Natanaw ko naman ang nabangga ko na napaupo din. Hinanap ko si Cassandra sa paligid pero wala siya. Buti na lang din at walang estudyante sa paligid at baka pagtawanan pa ako. Dahan dahan akong tumayo habang pinapakiramdaman ang katawan. Baka may iba pa bang masakit. Ganon din naman ang ginawa ng nabangga ko. Nagpagpag siya ng damit niya.



"Sorry." sambit ko habang inaayos ang skirt.



Nag-aayos din siya ng damit niya 'saka kinuha ang coat niya na nasa sahig. Nalaglag siguro 'yon kanina nung mabangga ko siya. Tumingin siya sa'kin at dahan dahan kumunot ang noo. Mga ilang segundo ang nagtagal bago siya magsalita.




"Hilig mo atang banggain ako." he said looking on me habang nakapamulsa ang isa niyang kamay.





"Uh, Im sorry. Hindi ako natingin sa daan." sagot ko sa kanya. Napatingin na lang ako sa sahig dahil sa bigat ng tingin niya. Parang bang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa.





"Mabuti naman, at nag-sorry ka na ngayon." bigkas niya na hindi ko maintindihan.




"Ha? Nag-sorry na ngayon? Have we met before?" sunod sunod na tanong ko.



Sasagot na sana siya ng may tumawag sa likuran niya. Tumingin muna siya sa'kin, bago ako lampasan. I also take my time to examine his features. Wait, parang pamilyar. I knew it! Nung tour ni sir Edgar sa'kin! Yung nabangga ko nung unang araw ko dito. Kaya niya siguro nasabi 'yon. Hindi ako nakapag-sorry sa kanya noon. Tatawagin ko na sana siya para mag-sorry ulit pero malayo na soya. Narinig ko na lang boses ni Cassandra na tinatawag ako. Nakita ko naman siya na tumatakbo papunta sa'kin.






"Oh my god! Where have you been Thalya!?" sigaw nito habang chinecheck kung may sugat ako sa katawan.





"What are you doing?" tanong ko sa kanya sabay bawi ng kamay. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Dahil sa nangyari dati, ganyan na siya sa'kin palagi. Ginagawa akong bata. Last time nga natisod lang ako pumunta na daw kami ng clinic para magpa-check ako.





Risk it AllDonde viven las historias. Descúbrelo ahora