Last 5 chapters.
#Kab45
Schizophrenia.
Ilang beses kong itinanggi iyon sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko ang pinagkaiba ng hallucinations ko sa reality. Mali ang Doctor sa mga sinasabi niya. He's just basing everything in what I tell him, in what Craig is telling him. Ako, ako ang nakakaramdam sa sarili ko. Ako ang may alam.
I refused to go on therapy with him. I can feel that he's a fraud. Pinipilit ako ni Craig pero ayoko. He's no help and I don't need help. Dahil ang gagawin niya lang sa akin ay pag aaralan ng pag aaralan.
I am not insane!
Nang tumawag si Mama ay iniyak ko sa kanya iyon lahat. She believes in me. Walang ibang maniniwala sa akin kundi siya because when I called Stephie about that matter, pinanigan pa niya si Craig.
Hindi nila gustong gumaling ako.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto habang paika ikang naglalakad. I'm being careful not to wake up Craig. Nilingon kong muli si Craig. Mahal ko siya ng sobrang sobra. Ngunit hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao para manatili ka sa kanya.
I want so bad to stay with him ngunit kung ipagpipilitan niya lang na may sira ako sa ulo, lalayo na lang ako. Inisa isa ko ang mga papeles na nasa kanyang table. I have to find it as fast as I could. Kailangan mahanap ko iyon bago pa magising si Craig.
I know he's keeping all the files for investigation. Kung hindi siya naniniwala sa akin na mayroon, ako mismo ang magpapatunay noon. Ako mismo ang gagawa nang mga bagay na hindi niya kaya.
The last folder has my name is written on it-- Megan Cecila Madrigal. I opened it and saw a stolen picture of myself.
Kumunot ang noo ko, "What's this?"
Isa isa kong binuklat iyon. Nandoon ang birth certificate ko, school records, prescriptions, diploma, baptismal at ilang mga mahahalagang documents pa.
Kasama doon ang family background tungkol sa akin, assets, inheritance, pati ang tungkol sa magulang ko, kay Mama, pati ang ilang mga kaibigan.
My head hurts. Para itong binibiyak sa sobrang sakit. I closed my eyes for a moment before opening it once again. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang lalaking nang baboy sa akin na nakatayo sa akin harapan.
Mabilis kong kinuha ang gunting na nasa drawer ng table ni Craig at itinutok iyon sa kanya. The man smiled cunningly at me habang naka halukipkip ang mga braso sa dibdib.
"This is real, Megan. Wake up." Aniya
Umiling ako at naalala ang sinasabi ng Doctor na hallucinations lang ang lahat. Na ang lahat ay hindi totoo. I need to fight for myself to keep me sane.
"No! Hindi ka totoo! Isa ka lang masamang ala-ala!" Sigaw ko at itinutok sa kanya ang hawak na gunting, "Wag kang lalapit!"
Kinuha ko ang mga folders at niyakap iyon gamit ang isang braso habang ang isang kamay ay hawak hawak pa rin ang gunting at naka tutok sa kanya. I need to get out now kundi maaabutan ako ni Craig at baka kunin pa niya ang mga papeles.
"Not everything you see with your own eyes is real, Megan." He said
Kumunot ang noo ko, "W-what? What do you mean?"
"What your eyes can see maybe the greatest lies you've ever known."
I shake my head as it hurts more. Ilang beses akong pumipikit pikit. Bago muli siyang tinitigan.
"Megan, please."
Umiling akong muli sa kanya. I started crying, "Umalis ka sa pintuan. Aalis na ako. Let me go."
BINABASA MO ANG
Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)
General FictionMegan Cecila Madrigal is married to Craig Siegel Sandoval. She expected her marriage to be plain and empty because it was just a marriage of convenience, despite the fact that she loves Craig so much. She settled with everything that Craig could giv...