Twenty-second

30.2K 606 224
                                    

I was quiet for a few minutes. I looked outside, digesting what he just said. What the?! Boyfriend?! Boyfriend ko sya?!

Hindi sya nanligaw pero sinabihan nya ako ng I love you too kagabi. Iyon na ba yon? I wanted to confirm if I heard it correctly but was afraid he'll withdraw it.

Pero sana nga totoo. Dahil pinapangako ko, ako ang magiging best girlfriend ever. Napalingon ako nang tumunog ang phone nya. Mavi's calling! I saw him swiped the phone to answer.

"Where the hell are you Gian Wesley? The mall manager told me you're not yet there!"

"On our way, Mav."

"About time! Kapag ito nakarating kay Daddy, ikaw ang bahalang magpaliwanag ha!" Masungit na turan ni Mavi. I can imagine her rolling her eyes.

Si Wesley naman ay walang reaksyon at nakatingin pa rin sa kalsada.

"Five minutes and we're there."

"Good. Are you really with Alison? I agreed because you said you'll be with Alison. Where is she?"

"Hi Mav." I butted in.

"Omg! You're there nga!" Humalakhak ito, para bang tuwang tuwa at naniniwala na sa mga sinasabi ni Wesley. "How are you? I've heard you got drunk the other night."

Kunot noo akong bumaling kay Wesley, sana ay nakuha nyang nagtatanong ako kung paano nalaman ni Mavi. He must've told them! But instead of answering, he just gave me a lazy look before focusing on the road again.

"Ah, okay naman."

"That's good! Anyways, I talked to Fendi, Burberry and Prada store managers. They'll accommodate you. Choose whatever you want okay? Your task is to bankrupt Wesley." Muli syang tumawa.

"Thanks for the assistance, Mav. But I'll be paying for my clothes."

Nilingon ako ni Wesley. Matalim ang mata nya at para bang maling mali ang sinabi ko. I pouted. I just hate the idea of having someone to pay my caprices. I am working. I am earning my own money. Wesley's too young to be my sugar daddy.

"Oh..." Mavi seemed disappointed on the other line. "If that's the case, enjoy then."

"Thanks Mav."

Hindi ako inimik ni Wesley hanggang sa makarating sa parking ng mall. Wala pa masyadong sasakyan dahil hindi pa naman nga bukas ang mall. Hinawakan nya ulit ang baywang ko nang pumasok kami sa elevator papunta sa ground floor.

"Sinabi mo kay Mavi na naglasing ako noong isang gabi?"

"No."

"How did she know then?" I pouted. I looked like a child who's about to throw a tantrum.

"The club's owned by Sam. He saw you and gave me a heads up."

Tss! Ano ano pa ba ang pagmamay ari ng mga kaibigan nya? Paano kung dumating ang panahon na kailanganin kong magtago sa kanya? Saan ako magtatago? I scowled.

"So ikaw din ang nag-text kay Sandra na pauwi na ako?"

He nodded.

The elevator door opened. The guards welcomed and escorted us to a small room where few uniformed girls flocked. Mainit kaming tinanggap ng babaeng nagpakilalang mall manager. Isang oras lang daw ang nakalaan para sa pamimili namin at matapos iyon ay bubuksan na ang mall sa publiko. Inililista ko na tuloy sa isip ang mga dapat bilhin dahil hindi ko alam kung kasya ba ang isang oras.

"Anything you need clarification, Sir?" The manager smiled sweetly at Wesley.

Tumingin naman ito sa akin na para bang ako ang tinatanong. Umiling ako. Bukod sa gusto ko nang mag umpisa sa pamimili, gusto ko na ring umalis kami rito.

Chasing Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon