Chapter 1

22 5 0
                                    

Chapter 1: Where the Sun Reflects

***

NIGHT

Time sure flies.

It's been thirteen years since I met that little girl in the park. I've been searching for her for thirteen years. Sometimes I sit under my favorite tree in the park and wait for her.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Hindi na bumalik yung bata sa park. Pero hanggang ngayon ay pumupunta pa rin ako dun para lang hintayin siya.

Dahil sa batang yun nagkaroon ako ng rason na mabuhay. Gusto kong makita yung batang yun ulit. Kahit isang beses lang.

Maghihintay ako kahit gaano katagal.

"NIIIIIIIIGGGHHHHTTTT!!!"

Napakurap-kurap ako sabay tingin sa tumawag sakin at agad ko siyang binatukan ng malakas.

"ARAAAAAAYYY!!!"

"Wag mo kasi akong sigawan." Inis na sabi ko.

Sumimangot naman ito at napakamot sa ulo niyang binatok ko. "Eh kasi naman kanina pa kita tinatawag. Parang hindi mo nga ako narinig. Nakatulala ka lang diyan sa bintana. Ano bang meron diyan na wala ako?"

"Wag kang bakla, Alois." I said with a poker face. "May iniisip lang ako."

"Tsk!" Umupo si Alois (Pronunciation: Alowis) sa kaharap kong mesa. "Ano naman? Ang up coming test ni ma'am sungit?"

"Hindi..."

"Eh tungkol saan?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Tinatanong pa ba yan, Night? Bestfriends tayo."

"Kelan nangyari yun? Hindi ko matandaan na mag bestfriends pala tayo."

"Fine! Friends tayo kaya may karapatan akong malaman yang iniisip mo."

I shrugged. "It's nothing really. Iniisip ko lang ang kakainin ko mamaya."

"Gagu ka talaga kahit kelan." Inis na sabi ni Alois na tinawanan ko lang.

"Don't you dare curse me. Mas matanda ako sayo kaya magbigay galang ka." Sabi ko.

"Ulul! Napagkasunduan nating isang buwan lang ang tanda mo sakin!" Sagot naman niya.

Napailing naman ako.

Sa sobrang bored ko sa buhay ay napag-isipan kong pumasok sa school para may pagkaabalahan ako. Pero sa lahat ng oras ay nababagot ako dito kasi paulit-ulit lang. Alam ko na lahat ng mga lessons. Merong bago pero madali lang para sakin.

Hindi ko na nagawang mag drop kasi may nakilala akong mga kaibigan. Isa na dun si Alois Peterson. Minsan ang weird sa feeling na kasama ko sila. Imagine, a thousand year old man is hanging out with some teenagers.

Haaayy... ang tanda ko na para sa mga kalokohan ng mga to. But it's fine. Being with them makes me realize that life is not so boring.

Problema na naman kapag lumipas ang maraming dekada. Makikita ko na naman silang tumanda. At maiiwan na naman ako. But this time I will make sure that I'm prepared.

"Oh? Ba't tulala yang si gabi?"

Napatingin naman ako dun sa bagong dating lang sa classroom namin.

MEDIEVAL 1: Night Atradi (COMPLETED)Where stories live. Discover now