Chapter 13

6 5 0
                                    

Chapter 13: Peaceful Nights

***

ALOIS

"Hoi! Night, gumising ka na!" Mahinang sigaw ni Azure.

"Tumigil ka nga." Pagpapatahimik ko sa kaniya.

Tatlong araw nang walang malay si Night. At sa tatlong araw na yun ay hindi man lang pumunta si Luna dito. Malinaw na hindi niya tanggap kung ano si Night.

Kaming dalawa ni Azazel ang laging nagpupuyat para bantayan si Night. Nung dinala siya namin dito nung gabing yun nilinis lang ni lolo ni Azure ang sugat niya sa dibdib at tinahi yun. Pagkatapos ay pinahiga lang siya sa kwarto niya sa mansion ni Azure Bailon  X. Walang kahit na anong aparatus.

Ang sabi ng lolo ni Azure hindi naman daw kasi kagaya si Night ng mga ordinaryong tao. Kaya pinagpahinga lang namin siya.

But every night he keeps on scratching his chest. He's also sweating and shouting like he's in pain.

Naaawa nga kami sa kaniya eh! Dahil lagi niyang sinasambit ang pangalan ng mga kapatid niya. Nakamot din niya ang tahi niya dumugo nga yun eh pero agad din naghilom.

"Sigurado ba ang lolo mo, Azu, na di kailangan ng dextrox ni Night?"

Napatingin kami ni Azure kay Run ng tanungin niya yun. May dala siyang tray na may maraming snacks. Oo, nandito din sila.

"Oo. Gigising din naman kasi siya." Sagot ni Azure.

"Pero tatlong araw na, Azu." Nag-aalalang sagot nito.

"Cheer up, Run." Sabi ko sa kaniya. "Malakas si Night kaya hindi niya kailangan ng mga aparatus na yan na makikita sa hospital."

"But what happened to him is very serious, Alois." Sabi naman ni Aki.

"Hindi ayos lang siya." I keep cheering them up.

Natahimik naman sila hanggang sa basagin ni Marko ang katahimikan na yun. "Tama si Aki. Ang tama ng bala sa dibdib ay napakaseryoso. Ang iba nga namamatay. Kaya bakit wala man lang ni isang aparatus na makikita dito o mga tubo-tubo man lang na kumakabit kay Night?"

Napangiwi ako. "M-malakas kasi si Night."

"Weird..."

Napatingin kami kay Yuren ng sambitin niya yun. Pero kumagat lang siya sa donut na hawak niya at di na nagsalita.

Napalunok naman ako. Kahit mga siraulo kaming mag barkada mga matatalino din naman kami. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming katanungan sina Aki, Marko, Run, at Yu.

"Magpasalamat na lang tayo kasi hindi siya kritikal." Sabi ko na lang at pasimpleng pinunasan pawis ko.

Pucha! Pinagpawisan ako sa pagsisinungaling ah!

Nakatingin lang kaming lahat sa walang malay na si Night ng bumukas ang pinto ng kwarto niya at niluwa nun ang butler nina Azure na si Ferdinand.

"Señor Alois, you have a guest outside waiting for you, sir." Sabi nito sabay yuko.

Napatingin pa ako sa mga siraulo at napaturo sa sarili kong mukha. "Ako raw?---aray!"

MEDIEVAL 1: Night Atradi (COMPLETED)Where stories live. Discover now