Epilogue

10 1 0
                                    

Epilogue: How The Moon Shines During Night

***

LUNA

7 years later...

Nang makarating ako sa mansion ng mga Azure ay agad akong pinapasok ng guard.

Wala namang nagbago sa labas ng mansion. Maliban sa bago na ang pintura nito ay ganun pa din naman. Maliban na lang sa mga gamit sa loob kasi maraming nagbago dun ngayong si Twelve na ang may-ari ng bahay.

Simula kasi nung natulog si Night ay lumisan na ang lolo ni Twelve papuntang Amerika at iniwan ang mansion niya sa pangalan ni Twelve.

At dahil ilang taon na din ang lumipas, nakapag-graduate na kami at ngayon ay may mga trabaho na. At dahil laging busy sa trabaho, kung weekends ko lang nabibisita si Night.

At dahil sa Linggo ngayon nandito ako upang bisitahin na naman siya. Isang bagay na hindi ako nagsasawang gawin.

Nang mai-park ang sasakyan ko sa garahe ay agad akong lumabas sa sasakyan bitbit ang isang basket ng puting rosas. Gustong-gusto kasi niya ang puting rosas kaya araw-araw hindi ako pumapalyang padalhan siya nito.

"Kanina pa kita hinihintay." Agad na sabi ni Alois.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Medyo na traffic ako eh. Sorry."

"It's fine. Let's go?"

I nodded as a respond as we walk together to the garden where Night's tomb was. It's not big. It's just enough for one person.

But even once, I never got the courage to go in and see Night for myself. I still can't.

Nang nasa harap na kami ng tomb ay inabot ko agad ang basket kay Azure upang siya na ang maglagay nun sa loob.

"Still not coming?" Alois asked.

I shake my head. "Tell Night I love him, okay?"

Napatitig sakin si Alois ng ilang segundo bago napabuntong hininga. "I will."

Nang makapasok si Alois sa loob ay naghanap muna ako ng mauupuan sa may garden.

Nang makita ang bench kung saan huli kaming naupo ni Night ay agad akong naupo dun at napatingin sa mga puting rosas.

Even without Azure X, the white roses still blooms beautifuly. Maybe it's because Twelve is taking care of them as if they were treasures.

Laging tahimik dito. Wala kang ibang maririnig kundi ang ang huni ng hangin at ng mga ibon. Pero sa tuwing nakaupo ako dito, minsan naririnig ko ang moonlight sonata na laging pinapatugtog ni Night.

It's as if he's just right behind me...

"Luna!" Napalingon naman ako ng marinig ang boses ni Alois na papalapit sakin. "Naghihintay na satin ang mga siraulo sa loob. Malapit na din naman mag lunch kaya kakain na tayo."

Ngumiti naman ako. "Sige."

Sabay kami ni Alois na naglakad papunta sa loob ng mansion. Kahit na nasa labas pa lang kami ay naririnig na namin ang ingay sa loob.

"Anak ng! Run! Don't burn the food!"

"Ang gago kasi ng frying pan."

"Moron! Hindi kasalanan ng frying pan yan! Tabi nga diyan ako na ang magluluto!"

MEDIEVAL 1: Night Atradi (COMPLETED)Where stories live. Discover now