Chapter 1

2K 45 0
                                    

ISA siyang huwaran ng pagiging isang masipag at mabait na anak,mabuting kaibigan at tapat sa kanyang trabaho.Bagamat mahirap lamang sila at kapos pero sagana sa pagmamahalan at respeto sa isa't isa,masaya kahit hindi sila mayaman.Ang sabi nga nila aanhin mo ang yaman sa mundo kung wala ka namang masayang pamilya at kaibigan,dahil hindi lahat ng tao ay kayamanan ang nagpapasaya sa kanila may mga tao ding kahit isang tuka isang kahig basta masaya ay kontento na sila.
Isa na ang pamilya ni Clarissa.

Siya si Clarissa Moran ang bread winner ng pamilya nila.Nagtatrabaho siya sa isang malaking department store na pagmamay-ari ng pinakamayaman sa lugar nila sa Sta.Rosa,hindi gaano kadaming papulasyon sa lugar nila at may malaking syudad pa ito na mahigit isang oras ang byahe paluwas ng syudad.Kasalukuyan nag-aaral ng high school ang bunso niyang si Brian habang ang kanyang Ina ay isang labandera ng pamilyang Fuentabella at nagtatrabaho naman sa isang malawak na lupain din ng mga ito ang kanyang Ama.Kumbaga sa mga Fuentabella sila kumukuha ng pang araw araw nilang kabuhayan dahil hindi naman sapat ang sahod niya para matustusan ang pangangailangan ng pamilya niya dahil pinag aaral niya ang kanyang kapatid kaya minsan nagpapart time din siya sa Mansion ng Fuentabella at tumutulong sa kanyang ina.Gayundin ang kinikita ng Ina sa paglalaba kokonti lang din kaya nagtulong tulong sila upang matustusan ang pangangailangan ng bawat isa.
Kasalukuyan siyang naghahanda ng almusal nilang pamilya dahil kailangan maaga ang ama tutungo sa sakahan dahil ito ang katiwala ng Don para mangasiwa sa bukirin.At kailangan din maagang papasok sa paaralan ang bunso niya dahil siya pang hapon naman ang pasok niya kaya may kalahating araw pa siyang tumulong sa kanyang Ina.

"Tatang,Nanang,bunsoy halina kayo at nakahanda na ang pagkain"tawag niya habang nagtitimpla ng kape.
Sabay naman tumungo sa kusina ang mga ito at umupo na sa pwesto nila.

"Ate may babayaran kami sa school may pera ka ba?ani ni Brian.

"Magkano babayaran mo at para saan yon?tanong din niya habang naglalagay ng kape sa baso ng nanay at tatay nila.

"Para sa uniform namin Ate 500 pero pwede naman daw kahit hindi buo bayaran nalang ang kulang pagkatapos ng palaro namin sa school"

"Ah ganon ba?sige bibigyan kita"

"Thank you Ate,pero kailangan ko ng bagong sapatos luma na kasi yung binili mo sa akin"

"Anak kahit naman luma eh kung magagamit pa bakit ka pa bibili?ani ni Aling Maritess.

"OO nga naman anak saka hindi naman importante kung bago o luma basta magaling ka sa laro"sagot din ni Mang Carlito.

"Pero Tatang Nanang dalawang taon na po yon mula ng binili ni Ate sa akin,ano nalang sasabihin sa akin ng mga kasama ko ako pa naman ang team leader nila"

Tumingin ang mga magulang nila sa kanya at tila hinihintay ang sagot niya.

"Sige maghahanap ako ng sapatos mamaya sa department store"aniya sa kapatid.

"Wow talaga Ate Clarissa?masayang wika ni Brian.

"OO nga para sa mabait at pogi kong bunsoy bibili ako ng bagong sapatos basta ha yung promise mo magtatapos ka ng pag aaral at huwag kang gagaya sa akin"

"OO naman Ate magtatapos talaga ako para kapag may kurso na ako..ako naman ang tutulong sa inyo nina Tatang at Nanang"

"Sige na tapusin mo na yang kinakain mo"aniya sa bunso.
"
Huwag mong biguin ang Ate mo Brian alalahanin mo kaya siya huminto sa pag aaral niya para makapag aral ka,alam mo naman hindi namin kaya ng Tatang mo ang pagsabayin kayo papag aralin"ani ng Ina nila.

"Opo Nanang hindi ko naman po nakalimutan yon"

Pagkatapos nilang kumain ay gumayak na ang Tatang nila patungo sa sakahan at ganon din ang Nanang nila papunta na rin ito sa Mansion,nakaalis na rin ang bunso upang pumasok sa paaralan at siya nililigpit na ang pinagkainan nila.Pagkatapos niyang hugasan ang mga pinggan na pinagkainan nila ay naglinis na siya sa loob ng munti nilang bahay.Pagkatapos niyang maglinis sa loob ng bahay ay lumabas siya at nagwalis sa bakuran ng maya't maya ay bigla na lang siya ginulat ng kaibigang si Jomari.

Bakas ng KahaponOnde histórias criam vida. Descubra agora