Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 1

171K 3.1K 887
                                    

"You're the best part of my everyday."

ILANG oras na yata kaming naghihintay ni Kelly sa boyfriend niya. Doon kasi sa condo unit ng boyfriend niya gaganapin ang birthday niya so dahil wala siyang susi, nganga kami ngayon habang nanghihintay dito sa may park.

"For sure marami siyang hinahandang surprise for me kaya natagalan siya," sabi ni Kelly.

Tumango lang ako. Maybe she's right but I don't think so. His boyfriend is not that kind of man.

Lucio Vin Palermo

I know him. Kilalang kilala ko na siya to the point na mas kilala ko pa siya kesa sa girlfriend niya. Stalker? No. I am just a woman who's madly inlove with him. We were classmates since first year college. Paano ko ba naman hindi makikilala ang number one na kalaban ko palagi sa honor roll. Palagi lang akong pangalawa sa kaniya pero ayos lang.

But of course, hindi niya ako kilala noon. Bakit naman niya mapapansin ang babaeng napaka-simple lang at puro pag-aaral lang ang ginagawa. Isa pa, he's not the kind of man na namamansin ng kaklase. He's too confident with himself. Mga barkada niya lang ang pinapansin niya noon and of course, iyong mga babae niya.

"Omg, he's calling!"sabi ni Kelly.

Hinayaan ko lang siyang makipag-usap sa boyfriend niya.

Kelly Roxas. My bestfriend since we were kids. Hindi kami magka-klase noong college dahil iba ang course niya but same school pa rin naman. Shinwoo University.

Akalain ko ba namang siya pa ang magiging girlfriend ng lalaking matagal ko nang pinapangarap. Ang sakit lang. Iyong gusto mong umiyak pero kailangan mong maging masaya para sa kaibigan mo.

"Catherine, wake up! Naroon na raw siya sa condo niya. Let's go. Nae-excite ako kasi baka may kakaiba siyang pakulo."

Assuming si Kelly. Realtalk. She always assumed things with her boyfriend. And in the end, palagi lang naman siyang nganga. Nag-expect at nasaktan.

Tumayo na ako bitbit ang paperbag ng ilang decorations na gagamitin namin. Mamayang gabi kasi ay pupunta ang mga friends namin para mag-celebrate at dahil ako ang bestfriend, ako ang kailangang tumulong.

Walk in distance lang naman ang layo ng park na pinagtambayan namin papunta sa building ng condo unit ni Palermo. Ewan ko ba dito kay Kelly kung bakit hindi na lang siya nagpasundo sa boyfriend niya.

Pumasok kami sa building at hinayaan ko si Kelly sa pakikipag-usap sa receptionist.

"Girl, tara na,"sabi niya sa akin.

Sumunod lang ako sa kaniya. Sumakay kami sa elevator saka niya pinindot ang number 8 na button.

Close kami. Syempre bestfriends kami mula pa noong mga bata kami. Alam na namin ang ugali ng isa't isa. Marami ring nagtataka kung paano kami nagkasundo samantalang ang dami naming pagkakaiba. Well, ganoon yata talaga kapag kaibigan. You can accept her for who she is.

Madaldal siya. Madaldal din naman ako pero kapag kausap lang ako. Mahilig siya sa mga sexy na damit, ako sakto lang. Depende sa sitwasyon. Lagi siyang naka-make up, ako naman, hindi masyado. Nangangati kasi ang mukha ko sa make up. Madalas siyang mag-bar at makipagsosyalan sa mga friends naming mayayaman, ako naman masyadong seryoso sa trabaho ko at mas gusto kong nasa apartment ko lang.

Ang daming differences pero we're still best of friends.

Nang makababa kami sa elevator ay sumunod lamang ako kay Kelly sa paglalakad sa hallway. Tumigil kami sa room 803.

She pressed the doorbell.

Bumukas naman agad ang pinto ay bumungad sa amin ang...

Napalunok ako. Hindi ba niya alam na kasama ako ni Kelly? Normal na talaga sa kaniya ang ganyan, napansin ko lang.

Casanova's Club #1: Guilty PleasureWhere stories live. Discover now