Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 3

102K 2.5K 934
                                    

"Sometimes, you gotta be heartless in this life."

INAYOS ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng banyo dito sa loob ng kwarto ni Lucio.

Mabuti na lang ay pinahiram ako ng tshirt ni Lucio. Medyo maluwag nga lang sa akin pero ayos na. He has the scent here.

Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat pero nagtatalo iyong isip ko na sana panaginip lang, pero on the other side, sana hindi.

Na-realize ko lang na hindi talaga panaginip 'to nang makita ko si Lucio na nagsusuot ng tshirt. He looks so hot and I hate myself dahil nagaggawa ko pa siyang i-admire samantalang hindi ko man lang naiisip na niloko namin ang bestfriend ko.

We did. We had sex. Oo, habang nasa labas lang ng kwarto ang bestfriend ko na natutulog. How dare myself?!

"Hey..." lumapit siya sa akin. Napalunok ako. Nanghihina ako sa mga tingin niya.

Iyong mga mata niya na para kang inaakit ka kung makatingin. Iyong labi niya...

"Ah, ano..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

What have I done? I was a virgin pero sa isang iglap, nakuha iyon ng lalaking minamahal ko.

"I'll drive you home. Yeah, with Kelly."

Muli akong napalunok. Nakatingin lang ako sa kaniya nang lampasan niya ako palabas ng kwarto. Halos mapangiwi ako nang makita ang stain ng dugo sa comforter ng kama niya.

Anong ginawa ko?! Bakit hinayaan kong mangyari 'to? Kahit mahal ko siya, kahit boyfriend siya ni Kelly, never kong naisip na landiin siya o akitin o kahit agawin. Masaya ako para sa kanila pero bakit? Bakit ko hinayaan ang karupukan ko?!

Umiling-iling ako. Nangyari na. Wala na akong magagawa do'n. Siya lang naman ang lalaking naka-unasa akin. Ni sa panaginip 'di ko naisip 'yon dahil tanggap ko namang minamahal ko lang siya ng patago.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napapailing dahil sa nangyari. Paano kung malaman 'to ni Kelly? Hindi pwede. Ayokong masira ang friendship namin.

Tama, hindi'to malalamanni Kelly. This will be the first and last time. Dala lang ng alak kaya nangyari 'yon. I'm sure may tama lang din ng alak si Lucio dahil kung nasa normal siyang kaisipan, hindi niya gagawin iyon. Oo, tama. I should forget this.

Lumabas na ako ng kwarto. Mukhang hinihintay niya talaga akong lumabas. Binuhat niya si Kelly habang hawak niya ang susi ng sasakyan niya.

Kinuha ko agad ang sling bag ko saka sumunod kay Lucio palabas ng condo unit.

Tahimik kaming naglalakad hanggang makasakay kami ng elevator. Siya ang pumindot sa button.

"Ah, Lucio, may sasakyan naman ako. I can drive home. Si Kelly, pakihatid na lang sa bahay nila," sabi ko.

May sarili akong kotse dahil kailangan ko iyon sa araw araw pagpasok ng trabaho. Sa ilang taong pagta-trabaho ko, isa rin iyon sana ipundar ko para sa sarili ko.

"Uminom ka kanina, right?"

"Ah, oo."

"Leave your car here. I'll send you home, too," aniya saka naunang bumaba ng elevator.

Dito kami bumaba sa parking. "Lucio, kaya ko namang mag-drive. Hindi naman ako lasing saka kasi..."

"No more buts, here, get in."

Nasapo ko ang noo ko. Nakatayo kami dito sa harap ng kotse niya. Seryoso ba talaga siya? Bakit kasi kailangan ko pa silang sa bayan? Saka bakit iiwan ko ang kotse ko dito?

Casanova's Club #1: Guilty PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon